7

50 6 2
                                        

Ttan's POV

"Da! Gusto ko nun!" Turo ko sa isang Siomai-yan.

"Ano ba yan, Ttan? Dami mong gusto! Napapalaki gastos ko sayo eh," reklamo ni Dareylle.

Oo, s'ya pinagbabayad ko kasi bakit ba? Ako nanglibre sa kanya nung nakaraan, eh. Siya naman ngayon para happy, diba.

"Food trip nga, diba. Food trip. Try mo isama si Ashierei tsaka si Xandre. Ewan ko lang di maubos yang pera mo," sagot ko.

"Iyo pa nga lang, ubos na pera ko eh!" Reklamo n'ya pam

"Pambawi mo na lang 'to sa akin, 'no? Ang hirap kayang tumalon sa bintana. Di naman ako tulad n'yo nila Ashierei na sanay ng maglabas-pasok sa bintana pag ginagabi ng uwi. Ano akala mo sakin? Stuntman? Dapat sila Ash na lang sinama mo, diba? Puro reklamo pa eh."

"Sira ka ba? Sabi mo nga mas mapapagastos ako kapag sila Ashierei at Xandre sinama ko. Alam mo mkinsan, di talaga kita gets."

"Di din kita gets, tanga," sagot ko sa kanya. "Dali na, libre mo na lang ako ng siomai!"

"Wait lang Ttan, safe ba yan sayo? Street foods yan eh, remember?"

"Street foods lang yan. Reestine Ttan 'to."

Di na lang siya sumagot at um-order na lamang ng siomain. Lilibre din naman pala ako, dami pang sinabi.

Inabot sakin ni Dareylle yung isang order ng siomai.

Oh diba, sarap.

"Da, paano na ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Di ko din alam," sagot niya.

"Open ka naman for a change?"

"Huh? Change? Sukli? Sinuklian na ko, kani-"

"Tanga ka talaga, 'no," putol ko sa sasabihin niya.

"Ano ba kasing ibig mong sabihin?"

"Ikaw," sambit ko, "ayos lang ba sayo nagbago ka na? Alam mo yun, from that bitch to responsable at mabuting mamamayan ng bansa, ganon."

"Hindi ko din alam eh." Saka binalot kami ng katahimikan. Pero binasag n'ya din yun kalaunan. "Pwede naman siguro. Nakakapagod na din kasi na laging gulo na lang inuumpisahan natin eh. Wala namang magagawa yung punyetang paghihiganting 'to. Alam mo yun, narealize ko din kasi kanina na parang ang immature ng pinaggagawa natin eh, haha."

Hindi ko naman siya nagawang sagutin sa kadahilanang hindi ko alam kung sasangayon ba ko sa sinabi niya o hindi.

Pero may point naman kasi siya eh. Actually ba, para saan pa 'tong ginagawa namin? Parang wala naman na kasing sapat na dahilan eh. Parang trip na lang talaga lahat ng 'to kaya ganon.

"Da, uwian kaya natin sila Ashierei ng siomai. Bet nila to eh," I suggested at tumango lamang sya. "Kuya, apat na order nga po."

"Apat? Dalawa lang yung bibigyan natin ah," sambit ni Dareylle.

"Kulang pa sa kanila yung tag-isang order, remember?"

Wala naman na siyang nagawa at binayaran na lang yung in-order ko.

Kimuha ko na yung in-order kong mga siomai saka nag-umpisa kaming maglakad ni Dareylle.

Maya maya pa ay napahawak ako sa dibdib ko kasi tangina, di ako makahinga.

Nabitawan ko yung platic na hawak ko kaya napatingin sakin si Dareylle.

"Hoy, ayos ka lang?" Alala n'yang tanong kaya humindi naman ako at tuluyan akong bumagsak.

what if . 。 bts | discontinued.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon