Dareylle's POV
Hindi ko lubos maiisip ang lahat.
Hindi ako makapaniwala na isang Xandre Min, kayang manloko ng isang lalaking walang ibang ginawa kundi ang mahalin sya.
"Hey..."
"Yoongi..."
"Wala kayong klase?"
"Wala. Pero ngayon yung acquittance namin. Mamayang 8:00 ng gabi."
"Late naman na ata. Tatlong linggo na lang at tapos na ang buwan ng Agosto, saka lang kayo mag a-acquittance?"
"Oo nga eh."
He just sighed.
"Oh, para saan yun?" Tanong ko.
"Na-realize ko lang na... Ang ganda pala talaga ng buhay ng mga kapatid ko."
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Look! Kung hindi ba maganda ang buhay nila, magkakaron ba si Xandre ng ganto kalaking penthouse? Marami akong nalaman tungkol sa mga kapatid ko. Exclusive schools ang pinanggalingan nila. Nakakahiyang sabihin na nung nag-aaral ako, sa public school lang talaga ako," he chuckled.
"Can I ask something? Pwede mo namang iwasan kung... Kung masyadong personal, ayos lang kung wag mo ng sagutin."
"Go ahead."
"Bakit... Bakit ganon? I mean, alam ng lahat na hindi ka nanggaling sa marangyang pamilya. Ano yun? Tinago mo yung totoong background mo?"
"Mmm... Hindi. Yung background ko ang nag-tago sakin. Alam mo kung sino talaga ang mayayaman? Ang Xinyei at ang Min. Kapag pinagsama yun, yun ang tunay na kayamanan pagdating sa pera. Sila Xandre, Alex, Lay, Lyle, Dreinne, at Raine, purong dugong Xinyei at Min ang dumadaloy sa kanila. Kung iku-kumpara natin sila sa panahon ng Joseon, sila yung mga purong aristocrat kung tawagin. Ako naman, ang lahi ako hindi purong aristocrat, kasi... May dugong alipin ang dumadaloy sakin. Hindi mayaman ang mother side ko. Hindi sila masyadong maunlad sa buhay. Kaya ganon."
"So, anak ka sa labas?"
"Ganon na nga. Nung kinasal kasi sila Appa at Tita Xaria, pinagbu-buntis na ni Eomma si Kuya. Play boy kasi yung tatay namin dati. Pero si Tita Xaria at ang nanay ko ang mga babaeng tunay nyang minahal. Kaya nabuo kaming magka-kapatid."
"Pero bakit nga? Pwede mo pa din namang piliin ang buhay na tulad sa mga kapatid mo. Pero bakit mas pinili mo... 'To?"
"Kung yun ang pinili ko, malamang hindi ako part ng BTS ngayon, diba?"
"And?"
"Mas pinili kong mabuhay sa mundong puno ng musika kaysa sa mundong pera at kayamanan ang inuuna."
"Hindi ka naman nagsi-sisi sa mundong pinili mo?"
"Bakit naman ako magsi-sisi? Kung ibang mundo ang pinili ko, hindi ko mara-rating ang narating ko ngayon. Masaya na ko dito. Sobrang saya."
"Pero, bakit hindi alam ni Xandre na ikaw yung kapatid nya, pero ikaw... Alam mo?"
"Kasi nga, tinago ako ng background ko. Masyadong lantad ang talambuhay nila. Samantala ako, hindi. Although ang daming information na tungkol sakin ang kumalat sa internet, hindi pa din kalat ang tungkol sa pamilya ko. Alam ng lahat, galing lang ako sa isang simpleng pamilya, pero actually, yun lang ang pinaglakihan ko."
"Ang komplikado pala ng buhay mo, 'no."
"Sobra. Untangled strings kumbaga. You know... Love Yourself flowers."
"Wow ah, naipasok mo pa yun. Ano yan? Promotion?"
"Wala. Naalala ko lang. Kailangan na naming bumalik sa Korea in three days. Ire-release na kasi yung bagong MV namin. After that, we have two days concert in Seoul then sunod-sunod na promotions and tours na. December na ata balik namin dito."

BINABASA MO ANG
what if . 。 bts | discontinued.
Fanfiction↻ query trilogy | i. In a world of what ifs, seven burning desires keep on running away from their fate, trying their best to hide their inner selves from people who fears them. Leading South Korea's business industry wasn't their thing but making o...