33

29 3 0
                                    

Dareylle's POV

Tahimik lang ako dito sa kwarto ng biglang nag-ring yung phone ko.

Ay? Si Dongwoo? Tumatawag?

Agad ko namang itong sinagot.

"Dareylle... Please... Wag kang mag-panic."

"Huh?"

"Dareylle... Si Yoongi hyung tsaka si Xandre..."

Bumilis ang tibok ng puso ko ng narinig kong banggitin nya ang pangalang yun ng may pag-aalala.

"A-anong meron s-sa kanila?" Kina-kabahan kong tanong.

"Nabangga yung taxi'ng sinasakyan nila. 4-wheeler truck yung naka-bangga."

Tila naman sinakluban ako ng langit at lupa sa narinig ko.

Nag-umpisang mamuo ang mga luha sa mata ko.

Ni-hindi ko kayang makapag-salita.

"Pina-book ko na kayo ng flight. Pati yung Bangtan, pina-book-an ko na din. I know they will be worried about their fellow member."

"Dongwoo, seryoso ka ba?" Yun na lamang ang tangi kong nasabi.

"Sinabi sakin to ni Mrs. Min. Sabi nya ay ako na daw ang mag-sabi sa inyo at ipag-book na kayo ng flight."

Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung anong sasabihin ko. Patuloy pa din ang pag-agos ng mga luha ko.

"Dareylle, they're in Min Guk now. Dun sila naka-admit."

"O-ok, Dongwoo. I'll t-tell this to them. T-thank you."

Yun na ang huli kong sinabi bago ko ibinaba ang tawag.

Nanghihina akong lumabas ng kwarto ko.

Halata sa mga mukha nila ang pagka-gulat ng lumabas ako sa kwarto na lumuluha.

"Dareylle, what happened?" Sharieaa asked.

"We need to go to Seoul. Right now."

Yun lamang ang nai-sagot ko.

"Wae-yo?" Naii asked.

Muli naman akong naluha. "Nabunggo daw yung taxi'ng sinasakyan nila Yoongi and Xandre."

Sa sobrang gulat at pag-aalala nila ay nag-umpisa na ding tumulo ang mga luha nila.

Bigla namang bumukas yung pinto ng dorm namin.

"We heard about the news," Namjoon said. "We need to go to Korea now."

Mukhang nasabi na din ito sa kanila ni Dongwoo.

"We really need to go. Si Yoongi hyung na yun! Pati... Yung... Yung girlfriend ko!"

Nahimas ni Jimin ang noo nya dahil dun.

Malamang ay labis labis na din ang pag-alala nya.

"Jimin, kumalma ka... May awa ang Diyos... Hindi nya hahayaang mawala ang kaibigan namin. Magp-propose ka pa sa kanya, right?" Pagpapa-kalma ni Ttan.

Dali dali na lamang lumabas si Jimin sa dorm at dumeretso sa van nila.

Kinuha ko yung susi ng kotse namin. "Ako na magd-drive," pagpi-prisinta ko.

Sa pag-baba namin ay tinawagan ko yung driver ko.

"Kuya, paki-kuha yung kotse sa NAIA tapos po paki-balik sa dorm. Pupunta kaming Seoul ngayon. Urgent na eh!"

"Ah, sige po ma'am. Nandyan na po ba kayo sa NAIA?"

"Pa-punta pa lang kami kuya."

"Ay sige po. Magb-book na ko ng Grab papunta dyan."

what if . 。 bts | discontinued.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon