Yoongi's POV
"Illness?" Gulat kong sambit.
"Hyung, hindi ko din alam kung anong sakit. Basta sabi nung doktor nagstay daw dun si Xandre sa ospital for almost one year dahil sa sakit n'ya," alalang sabi ni Jimin.
"Malay mo naman, diba, cured na sya," sabi ko para pagaanin ang loob nya.
"Hyung, pero sabi niya kahapon may pupuntahan lang siyang doktor eh!"
"Bat kaya hindi sya yung tanungin mo, 'no. Kasi di ko din naman alam kung anong sakit niya. Ano tingin mo sakin? Stalker?"
"Oo! Stalker ni Dareylle."
"Gago," tipid kong sabi sa kanya.
"Bakit? Totoo naman ah. Kunwari ka pang wala ka sa ospital kahapon. Eh, sinundan mo nga si Dareylle hanggang dun," panga-asar ni Jimin.
"Tigilan mo nga yan, Jimin."
"Yieee! Mga hyung! Si Yoongi hyung, in love!" Sigaw ni Jimin kaya dali daling tumakbo sa amin sila Namjoon, Jin hyung, Jungkook at Hoseok at bigla na lamang nila akong dinagaanan.
"Hyung! In love ka na ba kay Dareylle?" Pilyong tanong ni Jungkook kaya napa-iling na lamang ako.
"Hyung, punta kaya tayo sa dorm nila," Aya ni Hoseok.
"Oo nga. Baka di sila pumasok kasi nasa ospital si Ttan," sambit ni Jungkook kaya tumango na lamang kami at nag-ayos.
~
Kinuha ko na lamang yung phone ko para matakasan ang pagkabored na 'to.
Pumunta ako sa YouTube at pinanood ang isa sa nga vlog ni Dareylle. A vlog posted three years ago. It was actually her birthday celebration in a haunted house.
"Suho! Wag mo ko iwan dito, punyemas ka!" Sambit ni Dareylle sa video at bilang lumapit kay Suho.
Hindi ko magawang hindi magselos tungkol dito kaya pinatay ko na lamang yung phone ko.
"Selos ka?" Sambit ni Jimin na nasa tabi ko.
Iniwas ko na lamang yung tingin ko sa kanya and he just giggled.
Sino may sabing nagseselos ako, ha?
Nakarating kami sa dorm nila ng di ko namalayan.
Agad kong binuksan ang pinto at hindi man lang kumatok.
"Hala, walang manners?" Sarkastikong tanong ni Ashierei.
"Annyeong haseyo," bati nung lima kong kasama at nagbow.
"Ah, upo kayo," aya ni Aphrodite at agad naman kaming umupo.
"Bakit kayo nandito?" Tanong ni Dareylle.
"Nasaan si Xandre?" Jimin asked.
"Hala, di mo alam?" Sagot ni Dareylle.
"Magtatanong ba sya kung alam nya," I said sarcastically.
"Ikaw kausap?" Sabi ni Dareylle saka tinarayan ako. "Anyway, nasa airport sya"
"Airport?" Pagklaklaro ni Jimin sa sinabi ni Dareylle.
"Bingi lang, mamsh?"
"I mean, bat siya nandun?"
"Sinundo yung EXO."
"Hala, Dareylle, lagot ka," Ashierei said.
"Bakit?"
"Watch and learn," sagot ni Ashierei tapos kumindat pa kay Dareylle.

BINABASA MO ANG
what if . 。 bts | discontinued.
Fanfiction↻ query trilogy | i. In a world of what ifs, seven burning desires keep on running away from their fate, trying their best to hide their inner selves from people who fears them. Leading South Korea's business industry wasn't their thing but making o...