Chapter 8

54.5K 431 5
                                    




Pasakay na kami sa private airplane ni Sebastian pero may dalawang lalaking tumulong saamin para bitbitin ang mga luggages. Binigay nya ang maleta nya sa isang matangkad na lalaki at ako naman sa isang hindi katangkaran. Nakasuot ang dalawang lalaki ng black suit na may earpiece sa kaliwang tenga nila. Para silang bodyguard.

Nasa maliit na hagdanan na kami ng eroplano at rinig na rinig ko ang ingay ng makina neto. Inalalayan ako ni Seb. Inilahad nya ang kanang kamay nya at nilahad ko naman ang kanang kamay ko.

"Thank you" mahinang pagkasabi ko. Ngumiti lang naman sya. Napapansin ko medyo tahimik sya netong nakaraang araw. Baka siguro pagod lang sa trabaho.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa eroplano, bumungad saakin ang napaka-garang mga gamit. Halatang halata na customize ang nasa loob ng eroplanong 'to. Mas ma-gara pa nga ito kesa saamin ee. "Wow.."mahinang sambit ng bibig ko.


"Do you like it?" tanong naman ni Seb habang diretsong umupo sa may kaliwang couch.


"Yeah, ang ganda ng loob" hindi ko na narinig kong nagsalita man si Seb kasi dumiretso sa mga sulok sulok ng eroplano. Nako-curious kasi ako.

After ng mga ilang minuto na paglibot libot ko, umupo na rin ako sa mahabang couch na nasa kanan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

After ng mga ilang minuto na paglibot libot ko, umupo na rin ako sa mahabang couch na nasa kanan. Si Sebastian naman ay nakaupo sa kaliwang bahigi ng eroplano. May binigay ang isang stewardess sakanyang mga paperworks.

"Seb.." sinagot nya lang ako ng "hmm.." habang nagbabasa pa rin ng mga documents nya.


"Saang Europe tayo pupunta? Sa Paris ba?" excited kong tanong.


"Nope, destination natin ay sa Rome. After two days, we are going to Paris. May kailangan akong ma-meet sa Rome. They are very important that I need to adjust my schedule, just for them."


"Sino ba sila Seb?" tanong ko naman habang yakap na ang isang unan sa couch.


"Investors sa company. I need them to invest sa kompanya para sa funds sa next project natin sa 2020."


"Hmm, paano pag hindi sila nag-invest?" medyo antok kong sabi sakanya. I rested my cheeks on the throw pillow.


"Hindi pweding hindi, Isabella. Kailangan nila mag-invest. I will not take 'no' for an answer" hindi na ako sumagot doon. Anu naman kasi ang sasabihin ko. Sebastian Adams, I think he will do everything just to have what he wants.


Sumandal ako sa couch at pinikit ang mata ko habang yakap yakap ko parin ang maliit na unan. Hindi ko na pala namalayan na nakatulog na pala ako.


.


Pag-gising ko, nakahiga na ako ng maayos at may kumot na rin. Ang dating maliwanag na ilaw sa eroplano ay napalitan ng medyo madilim pero kita parin ang paligid mo. Hinanap ko si Sebastian, tumayo ako at pumunta sa mini-kitchen. May microwave, mini-fridge and madaming alak. I saw him in the corner, drinking beer.


My Naughty Boy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon