Chapter 17

39.9K 291 1
                                    



"Anak, bagay kayo ni Kayden"


Tinakpan ko ang mukha ko ng unan kasi kanina pa ko nagwo-worry sa mga ngiti ng mga magulang ko pagkatapos namin kumain sa mansyon ng mga Chen. Darn it. Napabuntong ako ng hininga at kinuha ang phone ko para i-text si Sebastian. Nakita ko sa orasan ng cellphone na 8:23 pm na. 


"Tulog ka pa ba?" I sent the text message at maya-maya't pa ay tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko itong kinuha at binuksan ang message. 


"Oo, mahal. Tulog pa ako. Humihilik pa nga ako" Napangisi naman ako sa text. Baliw talaga. Pano sya makaka-text kung tulog pa sya.


"Ay ganun ba, tumutulo din ba ang laway mo habang natutulog?" I chuckled kasi sinasakyan ko sya sa biro nya.


"Dati hindi, pero simula nang makilala kita, lagi nang tumutulo ang laway ko" napasinghap ako sa text nya. Bumabanat na naman 'tong Boss ko ah.


"Adik, HAHA" binitawan ko ang cellphone ko at niyakap ang unan ko. Pero biglang nagring ang cellphone at mabilisan ko ulit 'yon na kinuha at sinagot.


"Hello?"


"Mahal.." Shet, boses nya palang nakakatunaw na. Yung boses nya ay parang bagong gising. Husky sya at mahina.


"Don't tell me nakatulog ka ulit kanina. Kakagising mo lang ba?" tanong ko sakanya.


I heard him smile, "Yeah, nakaiglip ulit ako noong nagtext ka, kaya hindi na ko nakareply." 


"Nagising pala kita. Sorry.. tulog ka ulit" sabi ko habang pinapaikot-ikot ang hibla ng buhok ko.


"I don't mind waking up with your text message or calls. And I wouldn't mind na mukha mo ang makikita ko sa paggising ko araw araw" he said is a very low but sexy voice. Halatang inaantok pa sya. I heard him yawn as well.


"Sus, nambobola ka na naman ee" pero kung makita nya ako ngayon, siguro makikita nya kanina pa ko pagulong-gulong dito sa higaan ko sa sobrang kilig. Wahhhhh!!


"Don't say that, I'm not. It's true kaya" conyo ang lolo nyo. Hahaha. 


Biglang may pumasok sa isipan ko na tanong sa kanya. "May itatanong ako." 


"Hm?" tipid na tanong ni Seb. Ini-imagine ko na nakapikit pa sya ngayon habang naguusap kami. Jetlag pa sya. Ako hindi pa inaantok kasi umurong yung antok ko dahil sa nangyari kanina na hindi ko nagustuhan. 


"Naka-ilang girlfriend ka na?" I want to get to know him. 


"Baka magselos ka mahal ahh" I heard him chuckled. Napasimangot naman ako sa kabilang linya. "Hindi ah. Tell me, I want to know"


My Naughty Boy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon