Hinintay ko muna na umalis ang mga babae na nagtsi-tsismisan kanina. Nang marinig ko na umalis na sila, binuksan ko ang pintuan ng cubicle. I saw my reflection sa mirror na para akong nasindak. Well, nasindak ako sa balita na narinig. Nilagay ko ang mga kamay ko sa puso ko at pinakalma ang sarili ko. Naghilamos ako ng mukha kasi namumula pa rin ang ilong at mga mata ko."Bella, you don't know the story..yet. Tsismis lang 'yon. You still need to ask Sebastian directly" sabi ko sa sarili ko. Nawala na rin ang galit na naramdaman kanina kasi sa pagkabigla ko, naisipan ko na kabit ako. Ayoko noon. Nag retouched nalang habang nagpapalipas ng oras. Mga 30 minutes na ata ako dito sa cr, I decided to go back to my desk.
I conviced myself na wala na yong babae kanina. I am hoping, sana wala na sya.
Bawat hakbang ko papunta sa office ni Sebastian ay lalo akong kinakabahan. Shet. I slow down para sumilip pero naka sarado ang see-through wall nya. Napasimangot ako. Andyan pa ba ang babae, bakit kailangan private ang usapan nya. I took a sit sa upuan ko habang nakatitig sa office nya na hindi ko makita sa loob.
Katokin ko na kaya. Total girlfriend naman nya ako. Tumayo ako at inayos ang suot ko. Pumunta ako sa tapat ng pintuan at kumatok ng dalawang beses.
Walang sumasagot. Kaya kumatok ulit ako, pero biglang binuksan ni Sebastian ang pintuan at narinig ko sa likod nya ang pagtawag ng babae sakanya.
"Sebastian, sit down"
Napatingin ako sa loob at nakita ko yong maganda babae kanina na nanliit ang mga mata nya noong nakita ako. Nainis siguro sya na hindi ko sinunuod ang utos nya. Pero sa harapan nya ay isang babae na maikli ang buhok na madaming abobot sa katawan. Matangos ang ilong, parang kamukha nya si Sebastian. Ang ganda nya. She looks so rich.
"Ma, saglit lang" Sebastian said in a very serious tone. Mama nya? Nalipat ang tingin ko galing kay Sebastian papunta sa babae na medyo may edad na. Napaganda nya kahit may nakikita na akong wrinkles sa mukha nya.
Humakbang papalapit saakin si Sebastian para ako naman ay mapa-atras. He closed the door behind him leaving the two women inside.
"Seb?" tanong ko sakanya kasi kanina nya pa ako tinititigan.
"Mahal, umuwi ka muna" sabi nya saakin. He is wearing his poker face kaya hindi ko sya mabasa.
"B-bakit naman?" grabe ang tibok ng puso ko ngayon. Bakit nya ako pinapauwi.
"I'll call you later. May sasabihin din ako sayo about something"
"Bakit hindi na ngayon?" Alam ko sa sarili ko na kailangan na nyang bumalik sa loob pero umiiral ang pride ko.
"I need to go" He grabbed my waist and he kissed me sa pisngi bago sya tumalikod saakin. Pero bago nya buksan ang pintuan, he look back at me "I love you" and he smiles at me.
"I love you" pagkasabi ko na pabolong at pumasok na sya sa loob. Naiwan naman ako na madaming tanong sa isipan ko. Ang lungkot naman ng 'i love you' namin kanina. At dahil doon, lalo akong na depress.
I grabbed my bag sa ibaba ng desk ko, kinuha ko na rin ang susi ko para sa kotse ko. Before I go, tumingin ulit ako sa pintuan ni Sebastian. Bakit ako nasasaktan sa pagpapauwi nya saakin. Bakit ako nalulungkot sa mga tingin nya saakin na hindi pamilyar saakin. Sana'y ako sa ngiti na nakikita ko kay Sebastian habang tinititigan nya ako. Napahawak ako sa tapat ng puso ko. Bakit ang sakit ng puso ko?
I took a deep breath and decided na umuwi na muna.
I hopped in my car at pinaharurot na iyon. Habang nagda-drive papunta sa bahay, naisipan ko na ayoko muna palang umuwi kasi wala naman akong gagawin sa bahay. May nakita akong starbucks ahead of me, kaya I decided na tumambay muna doon.
BINABASA MO ANG
My Naughty Boy (Completed)
RomantizmxxxRated SPGxxx ***For 18+ only*** "Dude, ang ayaw pagpahanap, hinding hindi talaga magpapakita sayo" sabi ng kainoman nya na si Bryan. Naging kaibigan nya lang dito sa bar. Wala syang sinabi at nilaklak na lang ang alak na hawak-hawak nya. Sebasti...