Pabalik na kami papuntang Pilipinas, inaliw lang namin ni Seb ang isa't-isa. We played chess, cards at jenga sa private plane nya. Pero may naisip na kalokohan si Seb na pinagsi-sisihan ko.*Flashback*
Natalo ko na naman sya sa chess. Yeah! Walang-wala talaga sya saakin. HAHA. Napatingin naman ako sa kaharap ko na medyo naiinis kasi lagi syang talo. Nakakunot na rin ang mga noo nya.
"I don't want to play this anymore" padabog na binaba ni Sebastian ang kanyang baso na may wine. Uminom naman ako ng orange juice ko bago magsalita.
"Pano ba yan, Sir. Ikalimang talo mo na yan." Pabiro kong sabi sa kanya habang nakangisi. Tumayo si Sebastian at may kinuha sa maliit na closet ng eroplano. Ito ay naka-box at inilapag nya sa sahig ng eroplano.
"Ito naman laruin natin" Umupo sya sa carpeted na sahig at inilabas ang mga wooden blocks ng jenga. Napangiti naman ako kasi favourite ko kasing laruin ang jenga. Hindi ko sya uurungan. Laban kong laban 'toh. Umupo na rin ako sa harap nya at nakapang-indian sit ako sa tapat nya at gumaya na rin si Seb sa pagkaka-upo ko.
Gumagawa na ng torre si Sebastian ng Jenga at tinulungan ko naman sya hanggang sa maubos namin ang mga pieces nito.
"Okay, mahal, I have a condition for playing this" naka-ngisi nyang sabi. Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi nya. Ano daw?
"What is it?" nakatitig lang kami sa isa't-isa at lalo syang ngumisi.
"Well, whoever destroy the tower ay may huhubadin na kagamitan sa katawan." napatulala naman ako sa sinabi nya. What? Umaandar na naman ang pagka-naughty nya. Gosh! "Natatakot ka ba?" dugtong nya. Naningkit ang mga mata ko at ngumiti.
"Game!" at dahil sa sinabi ko, ngumisi si Seb ng tagumpay. Well, hindi ako magpapatalo, kala nya ah.
"Ladies first"
Kumuha na ako ng isang block sa gitna at dahan-dahan itong inalis sa posisyon. Napangiti naman ako sa tagumpay. Kumuha naman si Seb ng isang block sa gitna sa isang palapag ng tower at dahan-dahan din nya itong inalis. Ngumiti din ng tagumpay si Seb. Hanggang sa naka pito kaming alis ng blocks sa tower, medyo fragile na ang mga posisyon ng blocks. Kaya kailangan todo ingat ang pag-aalis neto kasi baka tumumba. At pag ito ay tumuba, may aalisin na kagamitan sa katawan. My gosh! Nape-pressure ako.
Matagumpay na inalis ni Sebastian ang ikawalong block sa tower at napa-ngisi naman sya ng tagumpay doon. Bakit pakiramdam ko, matutumba na ito. grabe nakikita ko na medyo gumagalaw na. Wahhh! Ayokong hubadin ang dress ko. Bakit pa kasi ako nag dress ngayon. Huhu.
Ang kagamitan ko sa katawan ngayon ay isang black dress na above the knee length, panty, bra, dalawang hikaw, relo sa kaliwang kamay ko at dollshoes. My gosh, ang konti ng kagamitan ko sa katawan. Si Sebastian naman ay naka 3/4 navy shirt, black pants, relo sa kaliwang kamay, sapatos, medyas at baka brief? My ghad, hindi ko alam. Malay ko ba kung may suot sya ngayon.
Nagstreching muna ako bago mag simula at dahan-dahan na inaalis ang pinakadulo ng tower na nasa ikatlong palapag ng jenga. Natawa naman si Seb sa pag stretching ko. Tiningnan ko sya ng what-are-you-laughing-look. Napatigil naman sya pero nakangisi pa rin. Tinuloy ko ang pag-alis ng isang jenga pieces pero.. natumba ito.
"NO!" sigaw ko. Napatingin naman ako kay Sebastian na nakangisi ng malapad.
"Mahal, tanggalin na 'yan" tiningnan ko sya ng masama. Kala mo ah. Tinanggal ko ang relo ko. Tumingin ulit ako kay Seb at mukhang tuwang-tuwa sa nilalaro namin ngayon. My gosh! Bumabawi ata sya kanina kasi talo ko sya sa chess.
BINABASA MO ANG
My Naughty Boy (Completed)
RomancexxxRated SPGxxx ***For 18+ only*** "Dude, ang ayaw pagpahanap, hinding hindi talaga magpapakita sayo" sabi ng kainoman nya na si Bryan. Naging kaibigan nya lang dito sa bar. Wala syang sinabi at nilaklak na lang ang alak na hawak-hawak nya. Sebasti...