Author's Note:
Grabe yung notification ko after I opened it. Thank you guys!
___________________
Pinagmasdan ko ang ngiti ng Mommy ko at ni Kayden habang nag-uusap, kahit papano, nawala ang lungkot ko dahil sa asungot na 'toh. Hindi ko namalayan na nilingon pala ako ni Kayden at nakita nya akong nakangiti habang nakatingin sakanya.
Ngumiti sya pabalik saakin, ngiti na walang halong laro o biro. Dahilan para maramdaman ko na parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko.
"Anak, bilisan mo" yaya saakin ni Mommy at ako naman napatakbo para sumabay sa kanila na maglakad papasok sa dining room.
We are currently eating sa dining room namin. Nasa dulo si Mommy nakaupo, si Kayden naman sa harapan ko. Kami lang tatlo ang naghahapunan ngayon kasi nasa company pa si Daddy. Mom asked a lot of question about Kayden's life. Nalaman ko na honour student pala sya noong elementary at high school. He also play soccer and basketball noong college days nya. Pero habang nagke-kwento sya panay ang nakaw tingin nya sa gawi ko. Nahuhuli ko sya minsan pero sinisimangutan ko nalang sya, pero patuloy naman ang kwento nya.
Halata naman sa mukha ni Mommy na tuwang-tuwa sya sa mga pinagke-kwento ni Kayden sa kanya. Naisip ko lang na baka ganito ka special ang trato ni Mommy kay Kayden kasi wala syang anak na lalaki. Ako lang ang anak nila ni Daddy. Naisip ko na kung may kapatid man akong lalaki, ganito ata kasaya si Mommy. Well, hindi ko naman sinasabi na hindi masaya si Mom sa piling ko pero di ba, sabi nila, the more the merier. Napangiti naman ako nang magtawanan sila dahil daw sa nangyari kay Kayden na mapautot daw sya habang nage-exam sya noong mid-term nya sa sobrang nerbyos.
Bastos naman ng lalaking 'toh.
Hindi ko napigilan ang tawa ko kaya nakisali nalang ako sakanila. Kayden's eyes and mine met, kaya napatigil ako ng tawa. Pero si Mommy, grabe pa rin ang tawa kaya nagkatinginan kami ulit ni Kayden at napatawa kasi nadala kami sa hagik-gik ng nanay ko.
Pagkatapos kumain, pinag-utusan ako ni Mommy na ilibot ko daw si Kayden sa mansion. Nanliwanang naman ang mukha ni Kayden
"Magandang ideya yan tita. I want to see the interior design of your house. I am planning to design my own house kasi. Baka may makita akong inspiration." sabay ngiti na naningkit ang mga mata nya.
"Of couse, hijo, feel at home." tinapik-tapik ni Mommy ang balikat ni Kayden at sabay tingin saakin. "Anak, ikaw na bahala sa bisita natin, ah. Tutulungan ko lang si Manang magligpit ng kinainan natin"
"Yes po, ma" napatango nalang ako. Umalis na si Mommy sa harapan namin at nagsimula nang magligpit ng mga kinainan namin. Nakita ko habang papasok si Mommy sa kusina at hawak-hawak ang tray na may mga platito at baso, nakita ko na kinindatan nya ako at nginitian na parang kinikilig.
Bigla naman ang sumimangot sakanya at napakunot ang noo ko.
"So, saan mo ako ipapasyal muna?"
"Shit!" nagulat ako kasi nasa likod ko si Kayden habang nakatapat ang bibig nya sa kaliwang tenga ko. "Wag ka ngang ganyan" sinimangutan ko sya.
BINABASA MO ANG
My Naughty Boy (Completed)
RomancexxxRated SPGxxx ***For 18+ only*** "Dude, ang ayaw pagpahanap, hinding hindi talaga magpapakita sayo" sabi ng kainoman nya na si Bryan. Naging kaibigan nya lang dito sa bar. Wala syang sinabi at nilaklak na lang ang alak na hawak-hawak nya. Sebasti...