Someone's POVDali-daling naglalakad si Tanya papunta sa isang kwarto kung saan nagpapahinga muna ang bestfriend nyang si Bella.
Binuksan nya ang kwarto at bumungad sakanya si Bella na natutulog sa kama. Wala naman syang swero pero halata sa mukha nya na namumutla sya. Lumapit sya sa bestfriend nya at tinitigan nya itong mabuti. Nakita nya na may mga galos ang kamay nya. Hinawakan nya ito at sinuri. Nalungkot at naawa si Tanya sa naranasan ng matalik nyang kaibigan. It has been a while since nagkita sila dahil busy din sya sa trabaho nya. Tini-train na kasi sya ng magulang nya na humawak sa companya nila kasi ang Kuya nya, ayaw maging tagapagmana kasi pangarap daw neto maging isang doctor, kaya no choice sya. Sakanya napunta ang responsibilidad ng kompanya na patakbuhin ito.
Hindi din nagtagal ay nagising na din si Bella dahil sa presensya nya. Nang makita nya si Tanya ay bigla lang napahagulol si Isabella. Bigla naman niyakap sya ng kanyang kaibigan at hinimas-himas ang likod nito habang sinasabi na magiging okay din ang lahat.
Nagkwento si Bella sa nangyari habang si Tanya ay nakikinig lang sa bawat salita nya. Hindi maintindihan ni Tanya kung bakit may nagtatangka sa bestfriend nyang si Bella kasi sobrang mabait nito, maaalahanin at sobrang sweet. She let Bella recite the plate number of the car at tinawagan ni Tanya ang boyfriend nyang si Tyler para alamin at i-trace kung sino ang may-ari ng kotseng iyon na muntik nang sagasaan ang bestfriend nya.
Bigla namang may kumatok sa kwarto at napatigil sila nang makita nila ang doctor at nurses na pumasok. May iba pa daw silang dapat gawin na test kasi daw may nakita daw sila sa resistensya ni Bella. Pumayag naman si Bella na magpatingin sa doctor kasi napapansin din nya na lagi syang nanghihina this days. It took them two hours to do different kind of test, at after noon, the doctor discharge Bella.
Tatawagan nalang daw nila si Bella if may findings. Nagkatitigan ang mag-bestfriend sa sinabi ng doctor. Pero they are happy, kasi pwede na silang umuwi.
Sinamahan ni Tanya si Bella na umuwi sa bahay nila. Itatago nalang nila ang mga galos sa kamay ni Bella sa mga magulang neto. They arrived at Bella's house and went straight to her room. Hindi nila nakita ang mga magulang nito kasi wala daw sa bahay, sabi ng kasambahay nila Bella.
"That's good." Sabi naman ni Tanya.
Isabella's POV
Humiga ako sa kama ko habang si Tanya at nagpalit na din ng damit gamit ang damit ko sa closet ko. Hiraman talaga kami ng mga bagay-bagay. Gaya ng sapatos or heels, damit at etc. magkasize kasi kami.
Um-okay naman na ang pakiramdam ko pero natulog nalang ako habang si Tanya humiga na rin sa tabi ko habang nag ce-cellphone. Kausap nya siguro si Tyler.
"Thank you, Bes" My eyes are closed pero maluha-luha ako sa sobrang sincere at tagos sa puso ko ang pagpapasalamat ko sakanya. Despite of her busy schedule, may time talaga sya saakin, in a very important time na kailangan ko sya.
Ramdam ko na tumingin sya saakin. "Bes, syempre, ikaw pa. One call and I'll be here" pinisil nya ang kamay ko. I smiled and fell asleep smiling.
**Kinabukasan**
"Tanya, gising." tinapik tapik ko ang bestfriend ko na ang sarap sarap ng tulog. She slapped my hand away at she rolled away from my direction. Ang sarap ng tulog ko kagabi kaya ang dami kong energy ngayon. Naisipan kong pumunta kami ngayon sa mall para humanap ng regalo para kay Sebastian.
BINABASA MO ANG
My Naughty Boy (Completed)
RomancexxxRated SPGxxx ***For 18+ only*** "Dude, ang ayaw pagpahanap, hinding hindi talaga magpapakita sayo" sabi ng kainoman nya na si Bryan. Naging kaibigan nya lang dito sa bar. Wala syang sinabi at nilaklak na lang ang alak na hawak-hawak nya. Sebasti...