"Hi Dad, Mom!" I kissed them on the cheeks and ipinakilala si Sebastian.
"Please meet, Sebastian Adams, boyfriend ko po." Pagkasabi ko ng boyfriend, ang mga mata nila ay nalipat kay Seb. Si Seb naman, nagpupunas muna ng kamay nya kasi pasmado sya.
"Nice you to meet po" he extended his hands towards my father.
"Ginabi kayo ahh"
"Pasensya na po, hindi na po mauulit" biglang nag smirked ni Dad. "Buti naman kung ganoon. Joaquin Hobel and this is my wife, Emily" Dad shakes Seb's hand.
"Please to meet you po" nakipag shake hands naman si Mommy.
"Teka, anak ka ba ni George?" I rolled my eyes, parang deja vu lang nangyayari. Ang usapan na 'toh ay narinig ko na rin kanina ee.
"Yes po" maikling sagot ni Seb. Aba aba, magalang ang lolo nyo ahh.
"Sabi na nga ba, kamukha mo sya" sabay tawa ni Dad at palo-palo sa likod ni Seb. "Tara sa loob" Hinila na ni Dad si Sebastian papasok at nilagay na rin ni Mom ang mga kamay nya sa bisig ko.
"Kailan ka pa nagkaboyfriend, anak?" tanong ni Mom.
"Uhmm.." napakamot nalang ako kasi mahabang habang usapan 'toh.
Kumuha si dad ng wine at dalawang baso. Pinaupo nya si Seb sa island ng kitchen. Umupo na rin ako katabi nya.
"Dad, iinom ka pa? At tsaka, hinatid lang po ako ni Seb, kailangan pa po syang bumalik sa bahay nila"
"Ganun ba, do you want to go Sebastian?" tanong ni Daddy habang naglalagay ng wine sa baso nila.
"Hindi po, It's fine, tapos na rin ang party ee"
Sabay ngiti ni Dad, "Good" ibinigay ni Daddy ang wine kay Seb at nag cheers sila sabay inom. Kami naman ni Mom, magkatabi lang habang pinagmamasdan ang dalawang lalaki na nakaka-dalawa nang baso ng wine. Kumuha ng mandarin si Mommy at nagsimulang magbalat. "Gusto mo anak?"
"Sure Ma" hinati nya ang orange at binigay sa akin ang kalahati. Kumakain lang kami habang ang dalawa, umiinom lang.
"Seryoso ka ba sa anak ko?" tanong ni Daddy habang naka-pamulsa ang isang kamay at ang isang kamay naman hawak-hawak ang wine. Nakasandal sya ngayon counter habang nakatingin kay Seb.
Tumingin naman kami ni Mommy kay Seb. "Ehem, Opo tito, seryoso po ako"
"Ganun ba, sige cheers" sabay inom ulit ng dalawa. Kung ano-ano ang mga pinagtatanong ni Daddy kay Seb. Napailing-iling nalang ako. Nakaka-apat nang bote ang dalawa habang kami ni Mommy panay ang kain ng mandarin. Nauubos na nga namin ee. Balak ko sanang patigilin na si Dad kaso pinigilan ako ni Mom. Sabi ni Mom, hayaan ko lang daw. Kaya ngayon nakaupo kami ni Seb, ako, at mommy dito sa kitchen island habang si Dad ay tayo lang at nakasandal sa counter.
BINABASA MO ANG
My Naughty Boy (Completed)
RomancexxxRated SPGxxx ***For 18+ only*** "Dude, ang ayaw pagpahanap, hinding hindi talaga magpapakita sayo" sabi ng kainoman nya na si Bryan. Naging kaibigan nya lang dito sa bar. Wala syang sinabi at nilaklak na lang ang alak na hawak-hawak nya. Sebasti...