Chapter 14

55.8K 462 16
                                    







Natutuwa ako na wala nang second round na nangyari sa shower kasi hindi ata kakayanin ng puso ko sa sobrang kaba at kilig sa mga haplos nya. Tinulungan naman ako si Seb na mag-sabon, ayaw ko sana kasi nakakahiya kaso nga lang, mapilit sya.


Pinabula nya ang sabon sa mga palad nya and he slowly caressed my arms at napunta ito sa beywang ko. Pinatalikod nya ako at he scrub my back with a soft cloth na may sabon. Ako naman, tulala at hindi gumagalaw kasi sa bawat punas at haplos nya sa balat, ramdam na ramdam ko ang kuryente na dumadaloy sa katawan ko. Napansin naman ito si Seb at napa-ehem.


Binigay nya saakin ang pang-punas at napatingin naman ako sakanya. Ibig sabin ako naman ang maglilinis ng katawan nya. Shet! Kinakabahan ako. Bakit kasi kami sabay na naliligo sa dis oras ng umaga. Nawala na rin ang antok ko dahil sa maligamgam na tubig at naalis na rin ang mga sabon sa katawan ko.


Dahan-dahan kong pinupunasan ang katawan ni Seb. Alam kong nakatingin lang sya saakin. Pinagmamasdan ang bawat galaw ko sa katawan nya. Pinupunasan ko na ngayon ang macho nyang dibdib, pababa na sa abs nya. Shett! Ang tigas naman neto. Pinisil-pisil ko ang abs ni Seb kasi first time ko makakita in person na may abs ang lalaki. Si daddy kasi, hindi naman sya mataba at bilog ang tyan pero wala syang abs.


"Sabihin mo lang kung gusto mong hawakan ang abs ko, hindi naman ako madamot" nabigla ako kasi nagsalita sya. Wahhhhh! Nakakahiya ka Bella! Napatawa nalang si Sebastian at hinila ako papunta sa kanya. At noong pagkahila nya saakin, ramdam namin ang init ng aming katawan, napatingin kami sa isa't-isa at sabay din kaming nag-iwas ng tingin habang nakalapat pa rin ang mga katawan namin sa isa't-isa.


"Isabella.." mahinang sabi ni Seb at ako naman natingin sa mga magaganda nyang mata.


He smiled at unti-unti nyang pinikit ang mga mata nya at nilapit ang mukha nya saakin. Medyo inangat ko ang mukha ko para salubungin ang matamis at mainit na halik nya.


Grabe ang nakakaramdam ko ngayon. Dahil sa lapit ng aming katawan, rinig-rinig ko ang tibok ng puso nya. I smiled at him, "Kinakabahan ka ba Seb?" biro kong sabi sakanya.


"Ehem, H-hindi ahh.." sabay iwas tingin at niyakap ulit ako at tinago ang mukha nya sa hubad kong balikat.


Pagkatapos namin maligo ay tinapisan ako ni Seb ng puting towel at kumuha sya ng bimpo at pinapatuyo ang buhok ko. Kumuha na rin sya ng pangtapis nya at ako naman dumiretso sa kwarto ko para magblow dry ng buhok kasi hindi ako pwedeng matulog na basa ang buhok. Kumuha na rin ang bagong pajama kasi sinira ni Seb ang una kong pajama, buti nalang may spare ako.


Habang tuloy pa rin ang magbo-blow dry ko, hindi ko napalayan na pumasok na rin pala si Seb sa kwarto ko at umupo sa tabi ko. Napatingin ako sakanya at nakabihis na rin sya ng pajama. Goshh, ang hawt nya! Basa pa rin ang mga buhok nya kaya pinatuyo ko na rin ito para makatulog sya ng maayos. Nakita ko ang oras and it says its 2:30 am na pala. Bumalik tuloy ang antok ko at napahikab ako.


"Tara mahal ko, matulog na tayo" tumayo si Seb at hinila na ako papunta sa kama ko. Napansin ko rin na dinala pala nya ang isang unan galing sa kwarto nya at nakalapag na ito sa kama ko. Natulala ako sa tinawag nya sakin.


Tara na mahal ko, matulog na tayo


My goshh!! Kinikilig ako, kyahhhh~


Hindi ko maisip na ganito pala ka romantic si Sebastian. Pinahiga na nya ako sa kama at tumabi na sya saakin. Kinumutan muna nya ako at humiga sya sa tabi ko at nakaharap saakin. Nagtitigan lang kami ng mga ilang segundo at nilagay nya ang palad nya sa pisngi ko.


My Naughty Boy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon