Chapter 10

54.2K 494 6
                                    


Author's Note:

At dahil wala akong pasok magu-update ko :) I really appreciate na binabasa nyo ang storya. Thanks guys! 

____________________



Patungo na kami sa opisina ng may-ari. Bawat hakbang namin ay rinig rinig ang paglakad ko dahil sa heels ko. It's echoing in the entire room. Sinalubong kami ng secretarya ng CEO. She is a Romanian, matangos ang ilong, pixie cut ang buhok pero bagay sakanya, sexy, maputi at matangkad. 


Binati nya kami gamit ang linguahe nila at nakipag-kamay kay Sebastian kasi napagkilala at inilahad ang daan. Nakaharap na kami sa isang mamahaling wooden door na may dalawang hawakan. Kumatok ang secretarya at binuksan ito ng dalawa nyang kamay. 


"Per favore" sabi ng secretarya. (Please) 


Pinapapasok na kami sa office ng CEO. Naiwan ang dalawang bodyguards sa labas ng pintuan at pumasok na kami. 


Nakatalikod ang swivel chair kung saan naka-upo ang CEO. Bigla itong nagsalita at pina-ikot ang office chair nya at nakita ko ang isang magandang babae. Sya ang may-ari ng kompanyang ito. WOW. Namangha ako. Medyo matanda sya saakin pero hindi naglalayo ang edad namin kasi sa itsura nya. Ngumiti sya at sinalubong kami ni Sebastian pero nakatingin lang sya kay Seb.


"Benvenuto, Sebastian. È passato un po 'di tempo" sabi ng babae. (Welcome, Sebastian, it's been awhile)


"Piacere di vederti, Vanessa" nagsalita si Seb pero nung may narinig akong pangalan na sinambit nya, bigla akong napalingon kay Sebastan at bigla naman tumingin sa babaeng kailangan namin mapa-oo para sa ikauunlad ng kompanya. (Nice to see you, Vanessa)


Biglang kumirot ang puso habang nag-kukumustahan sila. Nasa tabi lang ako ni Sebastian, nakikinig sa bawat tawa ni Vanessa. Napatingin ako sakanya at pinagmasdan sya. Nakasuot sya ngayon ng isang white fitted dress hanggang tuhod. She is wearing a stelitto pump heels. Ang haba ng brunette hair nya. Ano ba 'tong nararamdaman ko. Kumikirot ang dibdib ko. I don't feel well. 


Sya pala... 


Sya pala ang babae na kahit tulog na si Sebatian, nagmamaka-awa pa ito para hindi sya iwan. I pursed my lips. Medyo nagda-dry ang lips ko. Siguro sa lipstick ko lang. Palunok-lunok ako. Bakit ba lagi akong napapalunok. Bakit ang bilis ng tibok ng dibdib ko. 


After ng kumustahan nila, they proceed to talk about business. They are so professional. Nakikinig si Vanessa sa proposal ni Sebastian about the projects. Nilingon ako ni Sebastian para kunin ang mga documents na kailangan basahin ni Vanessa. Hawak hawak ko ang mga files na kailangan para sa meeting na ito. Bigla ko namang binigay iyon sakanya. So, they talked again. 


It's been 30 minutes, hindi pa rin sila tapos. They are debating about the pros and cons about the project. Why they need this kind of money, how much the target goal of the expenses, and etc. They talking about the benefits ng pera. 


Napapansin ko pana'y tingin si Vanessa kay Sebastian. Lumingon naman ako sa kinaroroonan ni Seb at nakita ko na focus lang sya sa pag-eexplain why Vanessa should invest in the company. Pumunta pa talaga kami sa Rome para dito. Para pala makita ang mahal nya. 

My Naughty Boy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon