Chapter 21

38.5K 310 7
                                    



I woke up with a hint of pain on my left leg. Napabangon ako bigla kahit ang bigat-bigat ng pakiradam ko. Lalagnatin ba ako?


Inilagay ko ang palad ko sa noo ko para i-check ang temperatura ng katawan ko. Hmm, parang okay naman. My left knee was throbbing a little bit. Hinimas himas ko iyon. Tumatanda na ba ako. Ang dami na nang nararamdaman ko sa katawan ahh. Hala, baka may osteoporosis na ako. Jusko, ang bata bata ko pa para doon. I just ignore the pain in my legs at dumeritso na sa banyo para maligo. I turned on the shower and I feel so refreshed. Nakatulong din ang pagligo ko ng matagal para mapabuti ng kaonti ang pakiramdam ko. 


Nagbihis na ako para pumasok. Actually, excited akong makita sya. Naalala ko ang nangyari kahapon. I look at myself in the mirror at nakita ko na naka ngiti na pala ako. Nilagay ko ang dalawang palad ko sa pisngi ko. Grabe namumula ako. KYAHHH!


.


As I walked in sa company ni Seb, I noticed na napapatingin saakin ang mga tao. Anong meron? But I just ignore it and walked straight to the elevator. Madami din ang nakasakay na doon, yong iba napatingin saakin na para bang nagmamasid lang. Ang weird naman. I pressed the floor papunta sa office ni Seb. Habang pataas ang elevator, wala man lang umi-imik sa mga tao sa likod ko at katabi ko. Kaya ako na ang nagtanong. Tinanong ko ang katabi kong maliit na babae, na may glasses.


"Uhm, Miss. Anong meron?"


"H-huh?" nabigla sya na kinausap ko sya. I smiled at her at nagtitigan lang kami hanggang sa nagsalita sya.


"Alam nyo na po ba?" Medyo napakunot ang noo ko. "Ano 'yon?"


"There is a rumor po, na.." napaisip sya saglit. Kita ko sa mga mata nya na nagdadalawang-isip sya kung sasabihin nya o hindi.


"Na?.." Kita ko peripheral vision ko na nakatingin lang saamin ang iba pang tao sa elevator na nakikinig lang sa usapan namin.


"Na third party ka daw" biglang may nagsalita sa likod ko. Lahat ng mga mata ay nakatingin saakin.


"What!?" Gulat kong sabi. Nakakunot na ang mga kilay ko sa bagong balita na nasagap ko. Bakit ako kabit? Hindi pa naman kasal si Seb ahh at tsaka ako ang girlfriend nya. Shet, ito ba tungkol sa Harper. Hindi ko namalayan na bumukas na pala ang elevator at nagsisilabasan na ang mga kasabay ko. Ako naman may tatlong floor pa ang kailangan daanan ng elevator na 'toh. Ako na lang mag-isa, pero ramdam na ramdam ko pa rin ang mga titig nila saakin. 


I reached the floor and I immediately run towards his office. Hindi na ko nagdalawang-isip na kumatok kasi wala na akong paki-alam. I just opened the door and nakita ko na si Sebastian ay may kausap sa telepono. Napatingin sya saakin na nagtataka kaya nagpaalam sya kaagad sa kausap nya at tinuonan ako ng pansin.


"Mahal? Are you okay?" nag-aalala nyang tanong saakin. HIndi ko sya sinagot. Nakatayo lang ako malapit sa pintuan habang nakatitig lang sakanya. Umalis sya sa kina-uupuan nya at naglakad papunta saakin.


Nakakunot pa rin ang mga kilay ko. The moment he's close enough, I asked him about the rumor.

My Naughty Boy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon