Nakarating na ako sa bahay ng mga 4 pm, binaba ko na ang bagahe ko sa tapat ng pintuan namin at noong binuksan ko ito, nakita ko na kumakain ng mangga ang mga magulang ko sa sala at napatingin sila saakin. Nakita ko na biglang nanliwanag ang mata ni Mommy at sinalubong ako ng yakap."Anak!" she kissed me on my cheeks at napayakap naman ako sa kanya.
"Hi ma, pa how are you po?" tumayo na rin si dad at nagbeso saakin at maluwag na niyakap ako ng isang kamay nya lang.
"We are good, just worried about you every single day." sabi ni Dad. I chuckled. Of course, what else is new.
"Musta naman ang Europe, honey?" tanong ni mom at ako naman umupo na rin sa sofa.
"Oh, it's good po. I saw the Colosseum, Vatican, Eiffel Tower and many more attractive places. Ang ganda ma. Next time punta tayo doon ni Daddy for vacation, ahh"
Ngumiti naman ng matamis ang mommy saakin, "Syempre naman, anak"
"Oh sya, mag-pahinga ka na kasi alam namin pagod ka. Hinintay ka lang talaga namin. Oh, hon pumasok ka na, kailangan ka na sa kompanya at may meeting ka 'di ba at 6 pm sa bahay ng mga Chen" sabi ni mommy kay daddy.
"Oo nga pala, nakalimutan ko. Ito kasing mangga, ang sarap nakakalimot tuloy" pinalo naman ni mom si dad at nagtawanan nalang kami.
.
Inihagis ko ang katawan ko sa kama ko. Wahhh! Namiss ko 'toh. Pagulong-gulong ako sa kama at nakaiglip ng konti dahil puyat.
One hour later
Nagising ako kasi may kumatok sa kwarto ko at napatingin ako kung sino ang bumukas, si Mommy pala.
"Anak, pwede pumasok?" Dahan-dahan naman na lumapit sa akin si Mommy.
"Opo ma" kinusot-kusot ko ang mga mata ko at umupo si Mommy sa edge ng kama habang ako naman napa-indian style na upo.
"Tumawag ang Daddy mo, tinatanong nya kung gusto daw natin samahan sya maghapuan sa ka-meeting nyang pamilya" mahinahon na sabi sa akin ni Mommy.
"Sure ma, gutom na rin ako ee. What time is it?" antok kong tanong at nagstretching ng mga braso ko.
"It's nearly 6 pm anak" napatango nalang ako at pumunta na sa bathroom para maligo.
Nagbihis ako ng casual lang kasi kakain lang naman. Nagsuot ako ng black leggings, pastel pink na sleeveless top at black dollshoes. Inilugay ko na rin ang straight kong buhok. Super simple lang talaga ng outfit ko.
Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko na tinitingnan ni Mommy ang suot nya sa malaking salamin namin sa sala. "Anak, is my outfit okay?" naka dress ngayon si Mommy ng royal blue at tinernohan nya ng puting perlas na kwintas.
Napatingin naman ako sakanya, "You look stunning, Mom. Now, let's go. I'm hungry na" yaya ko sa nanay ko na kanina pa nagpapaganda. Ee, kakain lang kami.
I droved the SUV papunta sa address na tinext sa amin ni Dad. Nasa isang subdivision ang bahay kaya may mga guards. Huminto muna kami at chineck ng guards ang mga mukha namin at pinalampas na kami.
Now, naghahanap nalang kami ng number nung bahay na pupuntahan namin hanggang sa nasa tapat na kami ng isang itim na gate at pinagbuksan ito. 56 Green Moss Lane, ito ang address na binigay. So, ito na 'yun. Yaman ahh. May guards pa na naka-uniform. May mini-parking lot sila sa tapat ng bahay at pinark ko na ang SUV at bumaba na kami ni Mommy. Tumingin muna ako sa paligid at ang daming mga bulaklak sa paligid. Ang ganda din ng simoy ng hangin kasi madami din ang puno sa subdivision nila.
BINABASA MO ANG
My Naughty Boy (Completed)
RomancexxxRated SPGxxx ***For 18+ only*** "Dude, ang ayaw pagpahanap, hinding hindi talaga magpapakita sayo" sabi ng kainoman nya na si Bryan. Naging kaibigan nya lang dito sa bar. Wala syang sinabi at nilaklak na lang ang alak na hawak-hawak nya. Sebasti...