Chapter 31

22.5K 241 25
                                    



4 months later


"Hello Doc" narinig ko ang boses ni Daddy na binati ang Doctor na kakapasok lang sa kwarto. Nasa private room nga pala ako. My couches sa gilid ng kama ko, mayroong maliit na refrigerator sa gilid at mallit na mesa na malaking vase na punong-puno ng bulaklak. 

  After the chemotherapy that I undergo, they did the surgery to my left leg. Ang laki ng hiwa sa kaliwang binti ko. They did a reconstructive surgery sa tuhod ko. They cut off half of my left tibia and replace it to a metal to support me. Recommended ng surgeon na amputed daw ang the best option kasi it will make sure na wala nang matitirang cancer sa akin but.. hindi ko kaya. I need to walk. I need both of my legs to stand-up, that's why I chose reconstructive surgery. I need to fly out of the country to do the surgery. I just came back sa Pinas to finished my chemotherapy. I have a cast on my left leg to kept it straight at all times in order to heal the stitches. Mahirap pero kaya ko. 

 Nasanay na ako sa routine ko dito sa ospital. Chemotherapy for a week, then pahinga for 1 or 2 weeks, tas chemothearapy ulit. I haven't heard of Sebastian since the day I was confined here. I don't have any energy to talk to him. Standing up or even talking is even harder to me because of the medication. Lagi naman antabay  ang mga magulang ko. Hindi nila ako iniwan sa journey kong ito. I am very thankful. 


Tanya's POV


"Tita, please it has been 5 months already. Please tell me where she is.." bumuntong hininga si Tita Emily. 


"Hija, itetext ko sayo ang lugar kung saan tayo magme-meet. I will tell you everything" biglang ngumiti si Tanya sa narinig nya sa Mommy ni Bella. 


"Really Tita, alright!" binaba na ni Tita Emily ang phone kaya binaba na rin nya ang linya. Inaamin ni Tanya na miss na miss na nya ang bestfriend nya. She is also curious kung bakit sya nawala ng limang buwan. Shet, is she pregnant! I think I will find out soon.


Nagkita kami ni Tita sa isang restaurant at kumain muna ng tanghalian. Hanggang sa magyaya na si Tita na may pupuntahan pa daw kami. Sumakay ako sa sasakyan nya at pumunta sa ospital. 


"Tita, bakit tayo andito?" tanong ko kay Tita Emily. Preggy nga ata ang bestfriend ko. 


"Basta." tipid na sagot ni Tita. Bumaba na kami sa sasakyan at pumunta sa section kung saan ang mga private rooms. Binuksan ni Tita ang pintuan ng hospital room at bumungad sa akin ang isang babae.


Nagulat ako sa nakita ko. Namuo kaagad ang mga luha ko. "B..BES?" lumingon ako kay Tita. "Tita!?" gusto kong itanong kay tita na kung ano 'toh. Ano 'tong pinakita nya sa akin. Ang bestfriend ko..may sakit.


Dahan-dahan akong lumakad kay Bella. Pinagmasdan sya kahit panay punas ako sa luha ko. Natutulog lang ang bestfriend ko. Mukhang pagod na pagod sya. May cast din sya sa kaliwang paa nya. Kahit hindi ko itanong kay tita, alam ko na. Alam ko na kung ano ang sakit nya. Humagolgol ako sa pag-iyak pero tinakpan ko ang bibig ko para hindi sya magising. Liningon ko si Tita na tahimik na umiiyak habang pinagmamasdan ang anak nya. 


"I'm so sorry, Tita" humakbang ako na parang patakbo sa kanya at niyakap sya. 


My Naughty Boy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon