Prologue
Alam mo ba yung movie ni Gerald Anderson at Kim Chiu? Yung "Paano na Kaya?"
Sobrang ganda nun eh. Sa sobrang ganda nakakaiyak na.
"Che! Nakakarelate ka lang eh!!"
Ang ingay talaga nitong babaeng to. -____-
"Ssssh! Ang ingay mo!!!"
Nagtatype kasi ako ng story dito sa Wattpad. Nakikibasa tong pinsan ko. Natripan ko lang magsulat, kailangan ko kasi ng paglalabasan ng pinagdadaanan ko ngayon.
Well, tama nga yung sinabi ng maingay kong kaibigan na yun. Kaya gandang ganda ako sa pelikulang yun, nakakarelate kasi ako.
Bwisit na bwisit na nga sakin yung Kuya ko dahil lagpas na sa daliri ng kamay ko yung bilang ng kung ilang beses ko na napanood yun eh. Pano kasi, kahit ilang beses ko na napanood mala-galon na ng luha ang naiiiyak ko.
Kagaya kasi ni Mae sa Paano na Kaya? Inlove din ako sa Bogs ng buhay ko.
Kagaya ni Mae, inis na inis din ako sa sarili ko kung bakit kahit nasasaktan na ko, di ko sya kayang tiisin. Di ko sya kayang layuan.
Nung sinabi nga nya yung linya na 'Lahat ng nagmamahal nagpapakatanga kaya tanga na kung tanga pero mahal kita!' parang ginawang dartboard yung dibdib ko eh.
Buti nga si Mae, nagkaron sya ng lakas ng loob umamin kay Bogs. Ako? Wala. Duwag. Takot.
Takot na pag nawala sya sakin, parang hindi ko ata kaya.
Pero ano bang magagawa ko? I'm not in a position to ask him to stay.
Sino nga ba ko para sumbatan sya?
Sino nga ba ko para magselos?
Sino nga ba ko para masaktan?
Eh BESTFRIEND LANG NAMAN AKO?

BINABASA MO ANG
BESTFRIEND lang ako
Teen FictionI love you. You love her. She loves him. He loves me. Magulo ba? Basahin mo para magets mo.