BLA 2

1.1K 22 0
                                    

Releena's POV

"Oh himala ata at nagising ka ng ma----teka namamaga ba yang mata mo??" Tanong ng pinsan ko na kasalukuyang nasa harapan ko. Umupo sya sa kama at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Ahh ehh ki-kinagat ng ipis ya-yan." Pero sa totoo lang, hindi naman kagat yan ng ipis.

"Mukha mo Releena. Alam kong takot ka sa ipis kaya pinasigurado mo kay Tita na ipis free tong kwarto mo! Umiyak ka no??" Nanglalaki yung mata nya. Sign yun na sabihin ko sa kanya yung totoo. Tsk. Kilalang kilala talaga ako ni Gabby. Huhu.

"Hi-hindi ah. Hindi ako umiyak. Ki-kinagat  nga lang to ng ipis!" Tinatagan ko yung boses ko. Badtrip. Pag talaga pagdating sa kanya, ang hina ko eh.

"Ganun ba!?" Tumayo sya at kumuha ng pentel pen at akmang susulatan yung mukha ni Lee Donghae sa poster na nakadikit sa cabinet ko. "Hindi ka ba talaga umiyak???"

Waaah wag ang mukha ni Donghae Babe ko. T_____T "O-oo na.." Kasi kapag sabihin ko sa kanya na oo umiyak ako. Tatanungin nya kung bakit. Tapos mapipilitan akong sabihin sa kanya yung totoo. Tapos masasabi ko sa kanya tong nararamdaman ko na tanging ako lang ang nakakaalam. "At bakit ka naman umiyak?"

"Ba-bagsak kasi ako sa long quiz namin sa CogPsy.." Pero syempre hindi yun totoo. Magpapakamatay na ko kung totoo yun. Haha joke.

"BAGSAK BA TALAGA!?" Tumayo na naman sya at tinatakot na naman ako na susulatan yung poster  T_T Kawawa na po ako sa pinsan ko. π___π "WAAAH HINDI NGA"

"Para kang tange Releena. Ikaw babagsak sa mga quiz!? Aba katapusan na yun ng mundo kung ganun! Ano ba kasi ang problema???" Nakabalik na sya sa pag-upo at tiningnan ako ng masama. Opo opo eto na nga ikekwento ko na eh. Pero syempre kinuha ko yung pentel para di na nya ko mablack mail.

"Kasi..."

~~~Flashback~~~

Two week ang lumipas. Napansin ko na nagkakalapit na ng loob si Carmela at Patrick. Di ko alam kung magiging masaya ba ko para sa kanya dahil unti unti nang napapalapit sa kanya yung babaeng pinapangarap nya na simula pa nung first year college kami. O malulungkot ba dahil sa sobrang sakit sa dibdib na makita ko silang dalawa magkasama..

Tuwing vacant, sya na kasama ni Patrick. Kasama naman ako. Isang subject lang naman kasi namin kaklase si Carmela. Hindi kasi naman sya ka-course. Eh since bihira lang sila magkasama, tuwing may vacant sila pareho nagkikita sila.

Di ko alam kung nanadya ba talaga o nakatadhana talaga sila kasi parehas sila ng oras ng vacant araw araw. I mean ako din pala, parehas din kami dahil magkablock kami ni Patrick.

Pero di na kagaya ng dati. Kahit tatlo kaming magkakasama, para bang may sarili silang mundo na sila lang dalawa ang nakakaalam at ako, para bang wala ako sa tabi nila.

Kagabi, mga 10:45 pm mage-11:00 tumawag sya. Napangiti ako kasi yung pagtawag nya sakin gabi gabi hindi nya nakakalimutan. Nawawala sa isip ko na nakakalimutan nya ko kapag kasama nya si Carmela pag tumatawag sya.

Pero iba ang nangyari kagabi.

Tuwang tuwa kong sinagot yung tawag nya. [Lenlen!!]

"Eh kung Patpat itawag ko sayo para maramdaman mo kung ano ang feeling ko sa twing tinatawag mo kong Lenlen??"

[May sasabihin ako sayo!!] Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan nung narinig kong sinabi nya yun. Rinig na rinig mo kasi sa boses nya na tuwang tuwa sya. Sana naman, hindi tungkol kay Carmela to..

BESTFRIEND lang akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon