BLA 21

774 18 5
                                    

Releena's POV

"ARAAAAAAAAYYYYYY!!!" Sigaw ko. Syempre automatic na yan na kapag sumigaw ako ng aray, binubugbog ako ni Gabby. Pagkadating na pagkadating kasi nya galing Ilocos nagpakwento agad sya sakin. Syempre kinwento ko lahat pati yung samin ni Patrick. At nung kinwento ko yun, sinabunutan ba naman ako. TT______TT

"Ang engot engot mo nakakainis ka!! Ang engot mo talaga asar!!!!" Kulang na lang magwala sya sa sarili. Di ko naman sya masisi kasi ako mismo naiinis sa sarili ko. Pero namiss ko ang ganyan ni Gabby. Dalawang linggo din nya kong hindi nabully. Hahaha.

"Pero masisisi mo ba ko Gabby? Oo gusto ko si Jake pero mahal ko pa din si Patrick." Kinuha ko si Patchot. At niyakap. Napakamot naman si Gabby ng ulo. "Alam mo, kilala kita eh. Tingin ko, yang utak mo na lang nagsasabi na mahal mo pa si Patrick, pero yang puso mo" Tinuro nya yung dibdib ko. "si Jake na yung tinitibok."

Tiningnan ko yung dbdib ko at nagulat ako na hindi pala si Patchot a kinuha ko kundi si Jekjek. Syet.  Grabe naman, ang laki laki ng diperensya ni Jekjek at Patchot tapos nalito ako? "See?" Nakangiting sabi ni Gabby. Ni hindi ko nga magets ehh yung point nya e---"Araay!! Ano na naman yun??" Hinampas nya kasi ko ng unan. Kilala ko na din tong si Gabby. Nananakit lang yan pag naiinis o nagkakamali ako.

"Hindi mo nagets no!!??" Inihilamos nya yung palad nya sa mukha nya. Tumango naman ako. "Juice colored!!!! Bakit nyo po ko binigyan ng pinsan na mabagal pa sa pinakamabagal na suso kung makaintindi???"

"Sorry naman eh hindi ko naman talaga gets ehh." Ano yun utak daw mahal ko si Patrick tas yung puso ko si Jake naman ang mahal? Di ko talaga gets. Promise. -____-

"RELEENA! GABBY! KAKAIN NA!!" Sigaw ni Kuya mula sa baba. Tumayo na naman si Gabby. "Tara na ikain mo yang pagka-lowgets mo!" Lumabas na sya. Ako naman tinitigan ko naman sandali si Jekjek at Patchot. Hindi ko din alam eh. Nagtataka din ako. Kapag si Patchot yung yakap yakap ko pagtulog hindi ako makatulog lalo na kapag naiisip ko ang mga kagagahan ko. Pero pag si Jekjek, amazingly nakakatulog ako. Ang weird no.

"RELEENA ANO BA?? KAILANGAN KA PA BANG AKYATIN DYAN??" Sigaw ulit ni Kuya. Naku galit na kaya bumaba na ko.

Habang kumakain napag-usapan namin ang birthday celebtration ni Kuya JM.

"Oh anak 22 ka na next week. Anong gusto mo magpaparty tayo??" Tanong ni Mommy. Oo nga no!! 22nd birthday na ni Kuya next week. Hihihi nakalimutan ko. Buti na lang na-open ni Mommy.

"Oo nga pala Kuya!! Gusto mo ako mag-organize??" pang-asar yun kay Kuya. Alam nya kasi na wala kong hilig sa mga ganun ganun at pag ako ang nag-organize baka magmukhang ewan ang party nya.

"Baka magmukhang zoo yung party ko nyan Releena!! Hahaha. Ma ayoko magpaparty. Out of town na lang kasama kayo, si Becca pati mga close friends ko. Yun lang solve na ko." Weeeh bati na pala si Kuya JM at Becca ehh.

"Okay so saan mo gusto?" Tanong ni Mommy. Boracay please o kaya sa Puerto Prinsea Lord please ^o^

"Sa Batangas na lang yung vacation house natin dun." Nakangiting sabi ni Kuya JM habang nakatingin sakin. Alam kasi nya na sawang sawa na ko dun. Asar. >.<

"Dun na naman? Dun na tayo nung birthday ko. Every summer nandun na din tayo. Pati ba naman sa birthday mo Kuya?? Iba naman." -___-

"Osige anak saan mo ba gusto??"

Yehey!! Love na love talaga ko ni Mommy. <3 "Sa Boracay o kaya sa Puert-----"

"Tumigil ka nga Releena. Ang mahal mahal ng byahe dun eh papagastusin mo lang ng malaki si Mommy eh. Birthday ko naman kaya ako masusunod eh. Sa Batangas na lang Ma." Huhuhuhu. TT___TT minsan talaga napakasunget nitong Kuya ko ehh. <///3

BESTFRIEND lang akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon