BLA 4

924 21 0
                                    

Releena's POV

"Mahal ko ang bestfriend kong manhid. Is that so, Releena?" Para kong naging yelo sa flatform na kinatatayuan ko. Shocks. May nakabasa. Hindi naman si Patrick yun dahil hindi naman ako tinatawag na Releena nun eh. Sino kaya to? Sana hindi namin kakilala. ==

Dahan dahan akong humarap at... "Ku-kuya Jake?" Nginitian nya ko at umupo sa may harapan malapit sa teacher's table. "Yes it's me. May klase ako supposedly sa CAS 409 but wala pala kaming klase. Then I saw you here in CAS 410 so I came in seeing you doing that."

Nagnonosebleed na ko dito. Huhuhu. :------( "Hehehehe. ^___^" Nginitian ko sya at binura yung mga sinulat ko sa whiteboard. "Wala lang po yung mga nakita mo Kuya." Pagkatapos kong burahin kinuha ko na yung bag ko at lalabas na sana. Gusto ko sana magstay kaso nakakahiya na kay Kuya. ==

"Hey. Stay with me for a while would you?" Napapause ako sa pagpihit ng doorknob at lumingon ako sa kanya. Nakangiti sya sakin at itinuturo yung katabing upuan nya. "Ahh ehh hehehe si-sige na nga." Sabi kasi ni Patrick umuwi na daw ako kaagad. Aisssh!! -.- Wag na nga sya! Iniwan iwan na nga ko inaaalala ko pa yung bilin nya!!

"Bakit po Ku-kuya?" Tanong ko nung nakaupo na ko. Inilapag ko na rin yung bag ko. "Hmm. First and foremost," Kuya pwede bang wag ka na mag-english? Nauubos na po yung dugo ko. TT^TT "Stop calling me Kuya. Jeez. I'm only 20 years old. It makes me feel like I'm 30 years old. Haha."

Eh?? Di halata na 20 years old na sya? Ang gwapo kasi. Haha. Anong connect? "Hala eh de mas dapat pala kitang tawaging Kuya dahil 18 years old pa lang ako." Isinuklay nya kamay nya sa buhok nya. Shocks. Ang astig nya pag ginagawa nya yun.

"Jake na lang ang itawag mo sakin. I don't mind the age gap. Okay lang sakin kahit hindi mo kong tawaging Kuya. And you can be comfortable with me. It's fine." Nakangiti na naman nyang pagkakasabi. Maging comfortable ako sa kanya? Okay. Request granted. "Hahaha pwede ba wag ka mag-english? Kinakalawang na kasi utak ko pagdating sa mga ganyan eh. Hahaha."

Natigilan sya at nakatitig lang sakin, seryosong seryoso. Hala napasobra ba ko?? Eh sabi nya maging komportable ako sa kanya eh. Eh ganun ako maging komportable sa lalaki eh.

Biglang syang tumawa na naman. Hagalpak talaga yung tawa nya. "Grabe ka naman makatawa. Walang bukas. Hahaha hinay hinay lang aba." Hinimas himas ko yung likod nya. Para kasing mamamatay na sya bukas kung tumawa. "Sorry sorry. I just can't help it. Hahaha sorry last na yun. Hindi ka pa din talaga nagbabago."

Eh? Tiningnan ko sya na may pagtataka. Bigla naman syang di mapakali at napakamot ng ulo. Siguro wala lang yun. Paranoid mo Releena. Huehue. "Pag kasama mo ko at nag-english ka, bibigyan mo kong piso bawat english word. Lol!" Mukhang yayaman ako hahaha. Joke.

"Hahaha. Oo na. Nasanay lang kasi talaga ko kasi 2 years din akong nagstay sa States." Whoa. WOW! Yamanin pala ituuuu. "Uhm Releena pwede ba magtanong?"

"Ano yun?"

"I don't want to sound uhhh chismoso but-----"

"PFFFFFFFTTTT!!!!! HAHAHAHAHAHA!!"

"Bakit?" Lumingon sya sa likod para tingnan kung ano o sino yung pinagtatawanan ko. Eh sya kaya yung pinagtatawanan ko. "Why so conyo? HAHAHAHA PFTTTTT!!!"

"Hahaha sorry naman. Eto nga, a-anong meron sa----AYYYY ano. What's with the one you're writing on the board?" Seryosong tanong nya. Ewan ko ba pero parang may nagpupush sakin na ishare sa kanya tong nararamdaman ko. Ang gaan kasi ng loob ko sa kanya. Yung para bang matagal ko na syang kakilala.

Ayun nga. Shinare ko na sa kanya lahat lahat. As in lahat lahat. Bigla naman syang umayos ng upo at itinago yung kamay nya sa likod nya. Ano kaya meron dun. "Eh loko pala yun eh."

Nakaramdam ako ng inis sa kanya nung sabihan nyang ganun si Patrick. "Eh syempre mahal nya talaga si Carmela. Wala naman ako mag---"

"What? Carmela ang pangalan nung nililigawan nya?" Biglang kumunot yung noo nya. "Oo. Bakit?" Lalong kumunot yung noo nya. Pero umiling iling lang. "Wala wala. Oh tapos?"

"Yun nga. Bilang bestfriend nya, sinusuportahan ko na lang sya kasi dun sya sasaya eh. Kung masaya sya kay Carmela, magiging masaya na din ako kahit pa kapalit nun ang pagkadurog ng puso ko." Hugot! Eh totoo naman eh. Bigla nyang hinawakan yung pisngi ko. Nagulat ako pero narealize ko na pinunasan nya pala yung pisngi ko na may luha na pala.

"Wag kang umiyak. Sabi nila napaka-unfair ng mundo," Aba mukhang magdadrama din sya ah. Hahaha. "Pero hindi eh. Sa tingin ko patas lang ang mundo."

"Bakit mo naman nasabi yan?"

"Eh kasi yung taong mahal natin hindi naman tayo mahal. Pero isipin mo, may mga taong nagmamahal din satin na hindi din naman natin mahal. Di ba patas lang?"

Oo. Tama nga naman. "Wow parang may pinagdadaanan ka ah?" Biglang nawala yung ngiti nya at tumitig sakin. Bakit bigla akong na-awkward?

"Hmmm. May babae kasi akong matagal ko nang hinihintay eh. Eh mukhang may mahal na iba kaya wala na kong magagawa." Wow! Kinikilig naman ako. Wiiiih ang swerte nung babae. "Gano mo na sya katagal hinihintay?" Chismosa lang ang peg? Hahaha nacucurious ako eh.

"3 years na." Napabuntong hininga sya. Wow! 3 year!!? Grabe parang sya lang ang lalaking kilala ko na kayang maghintay ng 3 years. "Whoa! Ang swerte nung girl! Alam nya ba?"

Umiling sya. "No. I wasn't able to tell her dahil umalis ako ng bansa. And when I returned, I saw her happy with someone else, she didn't even remember me.." Wow! Kung ako yung babae na yun hindi ko siguro magagawang makalimutan si Kuya Jake! Burubos naman su Girlie na yun.

"Kahit na! Gawin mo lahat para maipaalala sa kanya kung sino ka sa buhay nya! Aba grabe sya ah?! Kinalimutan ka lang nya ng basta basta!? Kung ako yun, hindi kita makakalimutan!!" Inis na inis kong sinabi. Eh sa nakakainis talaga eh. Affected na kung affected. Mas malala pa pala yung sitwasyon nya kesa sa sitwasyon ko. Kasi mismong mahal nya di sya maaalala.

"Ironic." Napakunot ang ulo ko sa sinabi nyang yun. "Bat naman ironic?"

Umiling lang ulit sya. "Well you think I should fight for her??"

Tumango ako. "OO NAMAN! Gusto mo tulungan pa kita eh!! Sino ba yan ha?? Taga-school ba sya?? Kilala ko ba sya??" Napatayo ako sa excitement. Haha oa lang.

"Yes, Releena. She studies here. And yes, you know her. You do know her very well."

BESTFRIEND lang akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon