BLA 3

1K 23 1
                                    

Releena's POV

Sabi nya 9 am eh 9:25 na wala pa din sya!? Aba magaling! Nakakainis. Kanina pa ko nakaupo dito sa labas namin at naghihintay sa kanya.

"Releena sino pa ba ang hinihintay mo at di ka pa umaalis?" Tanong ni Mommy nung nakita nya pa ko dito sa labas.

 

"Si Patrick po. Sabi nya kasi susunduin nya daw ako eh." Pero hanggang ngayon wala pa din sya. Kaasar talaga. "Ganun ba? Oh baka sya na yung papadating na kotse oh." May parating kasi na kotse. Toyota Vios na itim.

"Psh. Imposible sya yan Ma. Takot yun gamitin yung kotse nya baka daw kasi magasgasan." Regalo kasi yun ng Papa nya sa kanya. Tsaka kanina nga nung sinabi nyang susunduin nya ko, kaya ko tuwang tuwa kasi mageeffort talaga sya ng pagbyahe papunta samin para lang sunduin ako. Hihi. "Eh bakit nagparada sa tapat natin?"

Oo nga no. Nagulat ako nung nagparada nga sa tapat ng bahay namin. Bumukas yung pinto sa kaliwa at bumaba na nga sya. Wow. So ginamit nya talaga yung sasakyan nya.

Lumapit sya samin. "Goodmorning po Tita Angeline." Nagmano sya kay Mommy. Close kasi sila ng pamilya ko. At ganun din ako sa pamilya nya. "Goodmorning din iho. Kanina ka pa inaantay nitong anak ko eh."

Si Mommy nanglalaglag. π___π "Hahaha. Sorry po Tita. Natraffic po kasi kami eh." Kami?? "Tara na Lenlen baka malate na tayo." Hinawakan nya ko sa wrist ko at hinila ako.

"B-bye Ma!!!" Nagwave pa ko kay Mommy. "Ingat sa pagdadrive Patrick!" Sigaw ni Mommy. "Opo Tita!" Sagot naman ni Patrick na ngayong binubuksan na yung backseat.

"Teka hindi ba pwe----" Natigilan ako ng paglingon ko sa seat katabi ng driver' s seat ay nakaupo si Carmela. "Hi Releena! Goodmorning!" Bati nya sakin na nakangiti.

Para akong naging tuod. Kaya pala natraffic KAMI.  Kaya pala kailangan bihis na ko pagdating NILA. Kasi may kasama pala sya. At hindi lang basta kasama. Si Carmela pa. Kaya pala nalate sya kasi sinundo pa pala nya si Carmela bago ako. Aisssh bat di ko ba naisip yun?? Magkalapit lang pala  kasi yung bayan ni Carmel sa bayan namin.

"Gu-goodmorning di-din." Nag-fake ako ng ngiti sa kanya.

"Pumasok ka na kaya. Natulala ka nung makita yung kotse ko no?? Hahaha" Kinuha nya yung bag ko at inilagay na sa loob. "He. He. He. He." Tumawa na lang ako ng pang-aasar at pumasok na sa loob ng kotse.

Nanahimik ako habang nasa byahe. Hindi ko feel ang makipagdaldalan, makipagkwentuhan at makipagasaran.

"Alam mo Pat, nung una akala ko talaga kayo ni Releena." Napatingin naman ako kay Carmela. So bakit kailangan mo pang sabihin yun? Nakita ko naman na napatingin sakin si Patrick sa rearview mirror. "Haha. Ngayon alam mo na kung sino yung nagpapatibok nitong puso ko?" Binaling na nya yung tingin nya kay Carmela. Kitang kita mo yung kinang sa mga mata nya.

Tss. Feeling ko maluluha ako dito kaya pumikit ako. Para talagang hindi nila ko kasama kasi tingnan mo ba naman, nagkekwentuhan sila at nilalambing ni Patrick si Carmela. Mukha tuloy akong pang-display lang dito. Bakit pa kasi ako sinundo? Kung kanina tuwang tuwa ako na susunduin nya ko pero ngayon? Sana hindi na lang nya ko sinundo.

"Oy bat parang ang tahimik mo?" Nagulat na lang ako ng tumigil saglit yung kotse dahil sa stop signal ng stoplight at nakalingon na si Patrick sa akin. "Ahh wa-wala. Inaantok lang ako. " Kasi Patrick sana hindi mo na lang ako sinundo. Para masaya lahat. Para maging okay ako.

"Kahit kelan talaga. Dyan sa likod ng upuan mo may neck pillow. Kunin mo, umidlip ka muna. Malayo pa naman tayo." Itinuro pa nya kung nasan yun tsaka pinaandar na ulit yung kotse.

BESTFRIEND lang akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon