Patrick's POV
Wala ako sa mood ngayon. Bwisit. Hindi ko alam kung bakit. Dagdag mo pa na napakaboring. Vacant ko ngayon. Dalawang oras na nakatunganga dito sa garden.
Hihiga sana ko dito sa kinauupuan ko. Paki ba nila. Nagbabayad naman ako dito eh. Nakita ko si Lenlen at si kupal. Oo kupal. Kupal kasi sya. Mula kasi nang dumating sya sa buhay ni Lenlen ang dami nang nagbago. Biruin mo, dalawang buwan akong hindi nilalapitan ni Lenlen?? Siguro sinulsulan ng kupal na yun na layuan ako. Tae sya.
Hinawakan ni kupal yung baba ni Lenlen. Takte..Wag mong sabihin hahalikan nya si Lenlen?? Napabuntong hinga ko ng pisilin lang nya yung ilong ni Lenlen. Hayy buti na lang akala ko hahalikan nya na si Lenlen..Teka? Bakit ba ganto ako makareact? -_-
"Pat! Surprise!" Biglang sumulpot sa harap ko si Mel. Napangiti ako. "Akala ko ba may pupuntahan ka?"
"Yup. Kaso maaga ako natapos dun eh kaya pinuntahan kita dito. Wait, si Releena yun di ba?" Tinuro nya si Releena na nakatingin na pala samin. "Ah eh o-oo nga no."
Hinila nya ko papunta sa kanila. Tsk ayaw ko nga lumapit buti kung si Lenlen lang eh kaso kasama si kupal. Masisira lang lalo araw ko.
"Hi Releena! Thank you nga pala dun sa set up na ginawa mo para sa date namin ni Pat." Bati agad ni Mel kay Lenlen. Pinagmasdan ko sya. Namiss ko si Lenlen. Namiss ko ang bestfriend ko. "Wala yun." Sagot naman ni Lenlen. Biglang nalipat yung tingin ko sa kamay nilang dalawa na magkahawak. Napisil ko yung kamay ni Mel. Buti na lang hindi nya napansin yun. Hindi ko alam, nainiinis ako sa nakikita ko.
"Hin---Jake?" Napatingin ako kay Mel. Kilala nya ang kupal na to? "Yes. It's me Mela." Tipid na sagot ni Kupal. Kala mo mahal ang laway nya. Tss. Tas Mela? May sarili din syang tawag kay Mel? Kupal talaga tong isang to!
"Ku-kumusta na?" Nauutal si Mel. Ganyan sya pag kinakabahan. Parang may mali. Hindi ko nagugustuhan yung nakikita ko ngayon.
"Okay lang." Tapos hindi na sya tumingin samin. Ang kapal ng mukha.
"Magkakilala pala kayo?" Baling ni Mel kay Lenlen. Kinabahan ako sa itinanong ni Mel. Hindi ko alam kung bakit ayaw kong marinig yung isasagot ni Lenlen kaya dun ako sa mga naglalaro ng chess sa gilid tumingin.
"Yup. He's my boyfriend." Napisil ko na naman yung kamay ni Mel. Tae. Hindi ko alam kung bakit ako nababadtrip.
"Bo-boyfriend? Wow. Co-congratulations. Y-you look good together." Anong nangyayari kay Mel? Bakit parang naiiyak sya? Nagpaalam na sya sa kanila tsaka ko hinila paalis. May mali akong nararamdaman.
Nang hindi pa kami nakakalayo lumingon ulit ako para tingnan sila pero nakita ko na hinalikan ni Kupal yung noo ni Lenlen. Tae. Naiinis talaga ko. Ayaw ko sya para kay Lenlen. Dahil kupal sya. Yun na yon tapos!
Dumiretso kami sa cafeteria at doon tumambay. Natahimik naman bigla si Mel. Malakas ang kutob ko na may problema sya. Hindi naman kasi sya tahimik pag magkasama kami.
"Anong gusto mong kainin Mel?" Tumayo ako para bumiling makakain. Tinanong ko na din sya para mabasag ang katahimikan. "Wala"
"Ayaw mo ba nung favorite mong strawberry cake? Bibilhan kita" Pagpupumilit ko. Alam ko kasi na hindi sya okay. Kahit hindi ko alam ang dahilan. At para maging okay sya, naisip ko na baka maalis nung paborito nya yung badtrip nya. "No."
"Eh strawberry shake?" Tiningnan nya ko ng masama. "I SAID I DON'T WANT! PAULIT ULIT!? BAKIT BA ANG KULIT MO!?" Natanga naman ako dun sa kinatatayuan ako.
"I-I'm sorry Mel.." Nasabi ko na lang. Pero hindi ako makapaniwala sa nangyari. Tiningnan nya lang ako saglit at umiling. "I-I'm sorry Pat. I'm sorry Babe. May gumugulo lang sa utak ko. See you later na lang. I need to go."
Hinalikan nya ko sa pisngi ko at umalis na. Naiwan naman ako dun mag-isang nakatanga. Parang kanina lang, okay sya. Kami. Pero nung nakita nya si Jake, bigla syang nawala sa sarili nya. Hindi talaga maganda tong kutob ko.
Umalis na ko ng cafeteria at pumunta sa garden. Sana naman wala na si kupal. Sana si Lenlen na lang. Gusto ko na din kasi sya makausap kung bakit dalawang buwan nya kong hindi pinapansin.
Buti naman, nakita ko sya na mag-isang nakaupo sa benches. Kung sineswerte ka nga naman. Wala si kupal. Lalapit na sana ko pero tang na juice nandyan pala si kupal. Bumili lang ng pagkain para sa kanila.
Tang na juice sobrang sweet nila. Nakakaumay. Todo makahawak sa kamay ni Lenlen si kups. Nakakainit ng ulo! Ng dahil sa kupal na yan eh hindi na ko pinapansin ng bestfriend ko!
Napatingin sa direksyon ko si Lenlen. Gusto kong makita nya na naiinis ako.
Teka. Bakit nga ba ko naiinis? Kasi kupal yung boyfriend ni Lenlen at hindi ko maatim isipin na sa isang kupal mapupunta ang bestfriend ko. Syempre ayokong masaktan si Lenlen no.
Isa syang kupal kasi nga dahil sa kanya hindi ako pinapansin ni Lenlen. Bwisit! Pero naiinis din ako kay Lenlen. Para bang wala kaming pinagsamahan basta basta na lang akong nilayuan nagkaboyfriend lang sya.
Sige. Kung balewala lang naman sayo ang pinagsamahan natin, "Magkalimutan na lang tayo, Lenlen." Halatang nagtaka sya ng nakita nya kong nagsalita. Siguro iniisip nya, ano kaya sinasabi ko.
Pero bahala ka na, ginusto mo yan eh. Dyan ka na sa boyfriend mo.
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND lang ako
Teen FictionI love you. You love her. She loves him. He loves me. Magulo ba? Basahin mo para magets mo.