BLA 7

905 21 4
                                    

Releena's POV

Nandito kami ngayon ni Kuya Jake sa isang amusement center sa isang mall. Napakalaki naman nito. Biro mo may masasakyan kang roller coaster sa loob ng isang mall.

"Matatalo na kita!! Hahaha" Sigaw ko. Nandito kasi kami ngayon sa tennis game. Yung may hahawakan kang laruang raketa tapos naglalaro ka ng virtual tennis game. Naglaro kami ng 2 players.

Maya maya natalo nya ko. Huhuhuhu. "Nakakainis. Lamang na ko kanina eh!!" Nakasimangot akong sumubo ng ice cream. Lumabas muna kami ng WOF. 

"Hahaha. Sorry. Dapat pala hindi ko na lang ginalingan." Sabay subo rin ng sa kanya. Grabe sobrang bait naman ni Kuya Jake. Libre na nya nga ko sa mga tokens pati pa sa ice cream na kinakain namin ngayon.

"Hehe joke lang yun Kuy------"

Croaaaaaaaaaaaaakkkkkk

"Hehehehe." Napatawa na lang ako. Paepal naman tong tiyan na to. Actually gutom na gutom na ko kaso wala akong pera eh. Pamasahe lang ang dinala ko dahil nga ang balak ko uwi agad pagkatapos ng klase. Eh hindi ko naman alam na dito kami pupunta ni Kuya Jake eh. TT__TT

"Come on let's eat. Where do you want?" Tinapon nya yung tissue na nakabalot dun sa cone at binitbit yung bag ko. Waaah sabi ko ako na magbibitbit nun eh. Nakakahiya *__*

"Ah eh wala akong pera Kuya eh. Uwi na lang tayo. Hehehehe." Pero hindi pa din sya tumigil sa paglalakad. Nahuhuli na ko dito. Huhuhu ang bilis nyang maglakad. -_- "Kuya Jake!!"

Di pa din sya lumilingon. Waaaah ang layo na nya. "Kuya Jake teka lang!!"

Tumatakbo na ko para maabutan sya. Ayaw pa rin ako lingonin. Anong gusto nyang mangyari? Maghabulan kami dito?? "Kuya Jake wait lang!!"

Hindi pa din ako nililingon. TT_TT "Jake sandali lang!!!" Lumingon na sya at nakangiti pa. Takte lilingon din pala pinatakbo pa ko. Nakangiti pa ah. =____=

"Sino yung tinatawag mong Kuya Jake kanina?" Hindi pa din nawawala yung ngiti nya. Magkasabay na kami ngayon naglalakad. "Pfffft! Malamang ikaw! Ikaw lang naman ang Jake dito na kilala ko eh unless may isa pa tayong kasama na Jake din ang pangalan? Hahahaha!" Joker pla tong si Kuya Jake eh. Pinapatawa ako. Hahahaha.

"Releena. I told you not to call me Kuya. Jake na lang. Isang syllable lang mas madali sabihin kesa Kuya Jake na tatlong syllables." Pinisil nya yung ilong ko. Nahiya naman ako dun. -///////-

"Eh kasi hindi talaga ko sanay na wala----" Tumigil sya sa paglalakad at humarap sa kin. "Call me Kuya and I'll" Hinawakan nya ang baba ko at inilapit ang mukha nya sakin. "Kiss you." At ngumisi sya.

O______O O//////O ANO DAWWWWW? Natulala naman ako sa sinabi nya.

"We-wews." YAN LANG ANG NASABI KO. HAHAHA ANONG KLASENG REAKSYON YAN RELEENA!?

"Just kidding." Pinoke nya yung pisngi ko. "Pero please. Wag mo na ko Kuya-hin Releena. Hindi kita kapatid for pete's sake."

Nauna sya maglakad. At ako naiwang nakatulala sa kanya. Kasi yung tono ng boses nya dun sa huling sinabi nya. Nakaramdam ako ng something. Ewan. Parang seryoso talaga sya na ayaw ko syang tinatawag na Kuya. Eh kasi naman. Huhuhu. T^T Hindi na nga. Baka totohanin pa nya yung sinabi nya kanina.

"Jake wait lang!" Tumigil sya sa paglakad at lumingon ulit sakin na nakangiti. Tumakbo naman ako para magkasabay na kami. "Uwi na tayo. Sa bahay na lang ako kakain. Wala kasi akong pera. Kulang."

BESTFRIEND lang akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon