BLA 9

851 20 0
                                    

Releena's POV

2 days before February 14. Nandito ako ngayon sa isang restaurant na nakita ko sa internet para ipareserve yung special place para sa date nilang dalawa. Yung lugar kung saan dinala ni Edward Cullen si Bella Swan nung prom nila? Ganun hitsura nung ipapareserve ko eh. Gusto daw kasi ni Patrick romantic at unforgettable.

Ang saya noh. Dakilang bestfriend talaga ako. Ako pa talaga ang nag-aayos ng date nilang dalawa. Galing mo Releena. Martyr. Pero siguro ganun nga talaga eh no. Masaya ka na pag makikita mong masaya yung taong mahal mo kahit hindi pa ikaw ang makakapagpasaya sa kanya. Pero iba pa din talaga ang pakiramdam pag ikaw ang dahilan ng pagiging masaya nya. Aish. Wag mong isipin yan Releena. Dapat ngayon ipagdasal mo na sana may available time pa sila kundi maghahanap ka na naman ng lugar.

Bumalik na yung babae na kausap ko kanina about sa reservations. Pumikit ako saglit at nanalangin na sana meron pa. "Ma'am you're lucky. Ngayon ngayon lang po, nagback out yung nagpareserve ng time slot na 6-8 pm. Free na po yun." Nakangiting sabi sakin ni Ate. Yes. Thank you Lord!

Siguro nakikisama talaga ang tadhana para sa kanilang dalawa. "Nakipagbreak na daw po kasi yung girl dun sa nagpareserve kaya hindi na natuloy." Kaloka si Ate kailangan pang sabihin sakin yung dahilan kung bakit nagback out.

"Okay Ate, kukunin ko po." Kinuha ko yung pera na binigay sakin ni Patrick. Ang yaman yaman talaga nun. Biro mo 10k ang pagpapareserve dito. Tss. Kung ako sa kanya dun na lang kami sa sisigan.

"Ang sweet mo naman na girlfriend ma'am. Ikaw ang nangsusurprise sa boyfriend mo." Nakangiting sabi ni Ate sakin. Naku sana nga Ate. Sana nga ako ang girlfriend nya. Kaso hindi eh, bestfriend lang ako. "Ay hindi po ate. Para sa bestfriend ko po ito tsaka sa nililigawan nya."

"Ay sorry po ma'am. Ang bait nyo naman pong kaibigan ikaw pa ang nag-aayos ng date nila." Oo nga. Mahal ko eh. Tss.

Nagpaalam na ko kay Ate. Tinawag din naman sya ng boss nya. Lumabas na ko ng restaurant. Sakto namang tumawag sya sakin ng papasakay na ko ng jeep.

"Hello?"

[Oh ano nakapagpareserve ka ba dun sa sinasabi mong restaurant?]

"Hindi eh. Jampacked na." Syempre joke lang yun. [HALA LENLEN PANO YAN 2 DAYS NA LANG. MAKAKAHANAP PA BA TAYO??]

"Hahaha joke lang. Oo nakapagpareserve na ko." Napagkamalan na siguro ako ng mga tao dito sa jeep na baliw dahil grabe ako makatawa. Pano kasi ang Oa nung reaksyon nya kanina. [Epal ka talaga Lenlen pinakaba mo ko dun ah. So bali okay na ah? Ikaw na din bahala sa decorations ah? Gusto ko sweet and romantic ang set up.]

Aba sobra na ata yan? Ako na nga naghanap at nag-ayos nung lugar kung saan sila magdedate eh ako pa ba ang mag-aayos ng set up?? "HOY CARL PATRICK DE SILVA SINESWERTE KA AH. ABUSO NA YAN!" Abuso talaga. Abuso sa puso ko. Alam ko naman sa sarili ko na di ko sya matatanggihan. Aish Releena naiinis na ko sayo! [Hindi ako pwede eh! Syempre susunduin ko nun si Mel. Sige na ha. Salamat talaga Lenlen. Maasahan ka talaga. Love you bye!!]

*dubdubdubdub* Ano ba Releena. Nag-love you lang sayo kinilig ka na agad? Tandaan mo bilang bestfriend lang yun. Aissh.

*********

The day of the date, February 14 Valentines Day

"Sorry Je--este Jake. Hehehe. Hindi talaga ko pwede eh. May ginagawa kasi ako eh." Muntik ko na naman syang matawag na Jekjek. Haha hanggang ngayon kasi hindi pa din ako makapaniwala. Biruin mo sa gwapo nyang yun sya pala yung bestfriend ni Kuya JM na nagpuntang States for 2 years.

[Ganun ba? Osige. Next time na lang. Ingat ka ha.] Ang bait talaga sakin ni Jake. Yan sanay na kong walang Kuya haha. Pero oo, ang bait sakin ni Jake. Ever since. Super bait nya sakin.  Kung malisyosa lang ako  iisipin kong may gusto sya sa sakin. Pero hindi naman ako malisyosa eh.

"Okay babye! Salamat Jake." Inend call ko na at nagpatuloy na ko sa pamimili ng heart shape na balloons dito sa Everything Sweet shop dito sa mall. Bibili pa ko ng red roses. Sabi nya ako na daw bahala sa set up basta sweet and romantic eh de go. Ganito ang idea ko ng sweet and romantic. Dream date ko, actually.

Pagkatapos kong bumili dun, dumiretso ako sa flower shop sa loob ng mall. Bumili ako ng isang boquet of red roses at hiwalay na dozen of pink roses naman.

Wala syang binigay na pera sakin actually. Ipon ko tong ginagastos ko. Oo na tanga na kung tanga. Pinaggagastusan ko ang date nung taong mahal ko. Ganun ko sya kamahal. Teka katangahan din pala tong ginagawa ko.

Bakit ba kasi yung venue lang at food at table settings lang ang sagot nung restaurant eh. -_-

Susunod naman bumili ako ng mga maliliit na kandila. Yung sa music video ng A Thousand Years ni Christina Perri. Ganun. Bumili na din ako ng lighter. Syempre pangsindi. Ng kandila malamang alangan naman ng sigarilyo.

4:30 pm ako natapos sa pamimili. Kailangan kong makarating sa venue ng 5 at kailangan kong matapos sa pag-aayos ng before 6.

-

-

-

-

-

-

4:55 na nang makarating ako  sa venue. Nagtaxi na ko. Ba namang may dala dala akong plastic bag at mga bulaklak eh magjijeep pa ba ko?? Oo tanga ako sa pag-ibig pero hindi sa mga gantong bagay no.

Buti na lang at naayos na nila yung table set ups. May maliit na flower vase sa gitna at may kandila. Candlelight dinner. Sakto sa set up na naiiisip ko.

Una kong ginawa, hinanginan ko yung mga lobo. Di ako nakabili ng panghangin kaya sariling sikap ako sa pagihip sa mga lobo. Sana naman maging maayos to. Magkakabeke na ko't lahat pag hindi pa ba naging romantic to. Pagkatapos nilapag ko na lahat nung lobo sa paligid nung table.

Pinitas ko din isa isa yung mga petals nung dosenang red roses at ikinalat sa daan papunta dun sa table. Tapos sa gilid nung daan, inilagay ko isa isa yung mga maliliit na kandila at isa isang sinindihan. Kinausap ko na din yung caretaker na wag masyado liwanagan yung ilaw, yung dimlights lang. Okay lang naman daw.

Pinagmasdan ko yung ginawa ko. Ang ganda. Para sakin romantic na yan. Dahil this is my dream date. This is what exactly I've dreamt of my first date with the one I love.

Masaya naman ako. Kasi naging maganda yung kinalabasan. Pero deep inside hindi ko maitatago, nalulungkot ako. Nasasaktan ako. Dahil sana, ako ang nasa pwesto ni Carmela ngayon. Sana.. Pero hanggang sana lang ako.

May tumulo mula sa mga mata ko. Bakit ako umiiyak? Hahaha hindi ako dapat umiyak. Bakit ba kasi ako pumayag na ako ang mag-ayos ng lahat ng to? Para akong gumawa ng isang patibong para sa sarili ko. Dahil naaalala ko, dito mismo sa lugar na inayos ko sya sasagutin ni Mel. Sinakto pa talaga sa valentines day.

Toiiinkkkkk

1 SMS from Bro

Lenlen okay na ba lahat? Otw na kami.

Nagreply ako.

To Bro

Oo, okay na lahat.

Hindi na sya nagreply. Siguro busy na kay Carmela.

Magsestay ba ko at manonood?

Wag na siguro.

BESTFRIEND lang akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon