Releena's POV
1 SMS from Bro
Bat di ako pwede tumawag!?
"Hayyyyyyyyy." *sigh* Sabi ko habang tinititigan yung cellphone ko. Aisssh.
To Bro
Basta! Ge goodnight
Bwisit! Parang ang hirap naman gawin. Hindi ko ata kaya eh. Aisssssh! Sinabunutan ko ang sarili ko. Mukha akong baliw sa totoo lang.
"Sabihin mo lang Releena kung dadalhin na kita sa mental ha. Lumalala na yung kaabnormalan mo." Sigaw ni Gabby na kasalukuyang nagdodrawing. Architecture kasi ang course nya. "Eh kasi!!" Mababaliw na nga ata ko!! Baka mamaya o bukas mawala na ko sa katinuan. Baka dalhin na nila ko sa mental asylum o kaya hayaang palaboy laboy sa lansangan.
"Eh bakit naman kasi kayo magkatabi sa kama aber!?" Gosh. Mga isip ng tao ngayon! Pag magkatabi may nangyari kaagad!? Spell malisyoso? -_- "Hindi ko din alam!! Paggising ko katabi ko na sya. Bakit ba ang OA nung mga reaksyon nyo? Parang magkatabi lang sa kama ah. Wala namang nangyari. Magkatabi lang sa kama may nangyari na agad!?"
*Poooooook* "Araaay!" Binato nya kasi sakin yung eraser nya at tinabihan ako sa kama. "Alam mo Gabby napakasadista mo! Huhuhuhu" Sabi ko habang hinihimas himas yung noo ko na tinamaan ng eraser.
"Eh kasi naman gamitin mo naman yang utak mo ah. Alam mo Releena, hindi naman namin iniisip na may nangyari sa inyong dalawa. Ang kaso lang, babae ka lalaki sya. Dapat may limitations pa rin." Hay. Kaedad ko lang tong si Gabby pero para syang mas matanda sakin kung magpayo.
"Eh bestfriend ko naman sya. Masama ba na lalaki ang bestfriend ko!? Mas matino ngang maging kaibigan ang lalaki dahil walang arte e----Araaaaay naman Gabby nag-eenjoy sa pananakit sakin!?" Pinitik na naman kasi nya ko sa noo.
"Alam natin ditong pareho na hindi na lang bestfriend ang tingin mo kay Patrick!!" Sigaw nya. Natatawa ako sa kanya. Kung makasigaw sya akala mo sya yung nasa sitwasyon ko. Hahahaha galit na galit kulang na lang umusok yung tenga at ilong nya sa galit eh.
Pero tama sya. "Alam ko naman na bestfriend lang ang tingin nya sakin. At oo, ako, hindi na bilang bestfriend ang tingin sa kanya. Pero ayos na saking maging bestfriend nya at least may parte ako sa buhay nya. Kesa naman wala di ba." Napabuntong hininga ako. "Kaya mahirap saking lumayo. Ano yun, pinapalayo nyo ko sa kanya dahil lang nakita nyo kaming magkatabi sa kama!? Parang ang babaw naman nun." Di ko na napigilang umiyak. Nung nakita kasi kami ni Kuya, nagalit sya. Pinauwi nya si Patrick ng basta basta at tsaka ako sinabihang lumayo na kay Patrick.
Niyakap ako ni Gabby ng mahigpit. Kahit naman palagi nyan ako sinesermonan ramdam ko naman na nag-aalala lang sya sakin eh. "Releena kaya gusto kong umiwas ka na dahil nakikita ko kung gano ka na nasasaktan. Kahit hindi mo sabihin alam ko. Pero alam ko naman na hindi mo kaya. Basta pag sobrang sakit na bumitaw ka na."
Lalo akong naiyak sa mga sinabi ni Gabby. "Epal ka talagang babae ka kahit kelan eh noh." Para akong timang umiiyak habang tumatawa. Kumalas na sya sa yakap at binatukan ako. Pero mahina lang.
"Ikaw kasi! Ulirang bestfriend!" Nagtawanan na lang kami. Natulog na ko at bumalik na sya sa paggawa ng mga plates nya.
*****
Nagsisisi na ko kung bakit ako gumising ng maaga. Eh 8 ba naman gising na ko eh 11:30 pa klase ko. Hahahaha sorry na, napaghahalataang tanghali kung magising eh.
Pagbaba ko sa dining room nandun na si Kuya bihis na at kumakain. Nakangiti nya kong pinaupo. "Kain ka na prinsesa namin."
Shats. Hahahaha! Natatawa ko kay Kuya! Actually hindi naman talaga nakakatakot si Kuya. Sweet nga yan eh. Pag galit lang talaga sya nakakatakot. Pero hindi ko din alam kung bakit asar at mainit ang dugo nya kay Patrick. "Prinsesa. Pfffffft! Hahahaha!" Sabi ko habang umupo sa tapat ni Kuya.
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND lang ako
Novela JuvenilI love you. You love her. She loves him. He loves me. Magulo ba? Basahin mo para magets mo.