Releena's POV
Spell AWKWARD.
Ang awkward ng situation namin ngayon. -___- Sa kotse ni Jake kami nakasakay ni Patrick dahil si Mommy, Ate Becca at Gabby sa kotse ni Kuya JM nakasakay. Eh syempre may nakasakay na sa front seat nung kotse ni Kuya JM which is si Ate Becca tapos si Gabby naman at Mommy yung sa likod. Kaya no choice ako at kaming dalawa ni Patrick, sa kotse ni Jake sumabay.
SPELL AWKWARD NGA DI BA? YUN ANG NARARAMDAMAN KO NGAYON. Ayaw ko pa naman ng gantong feeling. Para akong sasabog sa sobrang kaba. Wala syang katabi sa harapan dahil pareho kami ni Patrick na sa likuran nakaupo.
Anong gagawin ko? TT___TT Sobrang naa-awkwardan na ko. Huhuhuhu. "Nagugutom ako.." PFFFT RELEENA! ANONG KLASENG PAMBASAG AWKWARDNESS YAN!?!?! NAGUGUTOM KA? WALA KA NA BANG IBANG MAISIP? HAYSSS EH SA NAGUGUTOM TALAGA AKO EH. =___=
"Eto baby oh/Here" Sabi nilang sabay. Si Patrick may inaabot sakin na V-cut. Si Jake naman, chocolate bar ang inaabot.
TAKTE ALIN SA DALAWA KUKUNIN KOOOO!!!!??? O____O
V Cut or chocolate bar? WAAAAH pareho kung gusto :3 =____=
"Baka sumakit ang tiyan ni Lenlen dyan sa chocolate. Hindi ka ba nag-iisip??" Inis na sabi ni Patrick kay Jake. Ano ba naman tong si Patrick? Bakit kailangan nyang sabihan ng ganun si Jake. Tss mas matanda pa rin sa kanya si Jake no.
"Sorry." Ibinalik na ni Jake yung chocolate bar sa pinagkuhanan nya tapos binuksan na naman ni Patrick yung V Cut at iniabot sa kin. "Oh eto oh."
"Ayoko na. Mamaya na, baka mahilo ako pag nabusog ako ng sobra eh." Iniwasan ko sya ng tingin at tumingin sa rearview mirror only to find out na...nakatingin din pala sya sakin through the rearview mirror. Ngumiti lang sya ng onti at umiwas na ng tingin. Unconsciously I smiled at dumungaw na ko sa bintana.
"Inaantok ka ba?" Kinuha ni Patrick yung kamay ko tsaka ito hinawakan. Nagulat naman ako sa ginawa nya. Bigla biglang hahawakan yung kamay ko. Asar ha. =__= "Sandal ka sa akin anytime pag inaantok ka ah."
Tumango na lang ako at bumalik sa pagdungaw sa bintana. Maya maya biglang may tumugtog at na-realize ko na binuksan pala ni Jake yung stereo ng kotse nya at ang tugtog ay ang...shats favorite song ko. *u*
Minsan oo, minsan hindi. Minsan tama, minsan mali.
Umaabante, umaatras kilos mong namimintas.."Ala! Dinownload mo pala yan!!" Napasigaw ako. Hahahaha kasi naman favorite ko nga di ba?? Pag naririnig ko yung paborito kong kanta para akong baliw hahahahaha. Favorite band ko kasi ang Silent Sanctuary. Crush na crush ko si Sarkie my lovessssss.
"Oo naman." Tiningnan ulit nya ko sa rearview mirror ng nakangiti.
Tumingin sa king mata
Magtapat ng nadarama
Di gustong ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka.."Kung maging tayo, sayo na ang puso ko.." Hindi ko naman sinasadya pero nagkasabay kami ng pagkanta sa last line ng chorus na yun. Nagkatinginan ulit kami sa rearview mirror. Ako ang unang umiwas ng tingin dahil naramdaman ko ang pagpisil ng kamay ni Patrick sa kamay ko.
"Tulog muna tayo." Seryosong sabi sakin ni Patrick. Mahigpit yung kapit nya sa kamay ko, at alam ko na hindi maganda ang mood niya. Bakit? Nagseselos ba sya? TSS. Yun lang pagseselosan nya na?!?!
![](https://img.wattpad.com/cover/20266207-288-k260899.jpg)
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND lang ako
Genç KurguI love you. You love her. She loves him. He loves me. Magulo ba? Basahin mo para magets mo.