BLA 24

591 13 3
                                        

Releena's POV

"I love you Releena..."


"I love you too...Jake.."

Yakap yakap ko si Jake nung sinasabi ko yun pero bigla na lang dumilim yung paligid namin. Saglit lang naman yung pagdilim at lumiwanag ulot pero nung lumiwanag nagulat na lang ako na wala na pala si Jake sa harapan ko.


Huh!?!

Nasilaw ako sa sobrang liwanag ng sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ng kwarto namin. Panaginip lang pala.

Alaaaa! Panaginip?? Bakit si Jake yung ka-I-love-you-han ko sa panaginip ko? Eh sabi ni Sigmund Freud ay ang dreams ay ang manifestation ng unconscious desires natin? Ow em gee. Tapos bakit bigla syang nawala sa panaginip ko??

At tumingin ako sa paligid ko. Bakit nasa kwarto na ko?? Ang huli kong naaalala nasa sofa ako, katabi ko at nakatulog ako sa mga yakap ni Jake.


Ah. Siguro binuhat na nya ko at ihiniga sa kama. Tumayo na ko. Last day na namin dito. Ngayon na yung pinakahuling araw namin dito at ngayon din ang exact day ng birthday ni Kuya. Dumiretso ako sa cabinet at kinuha ko yung regalo ko kay Kuya.


Lumabas na ko at bumaba. Walang tao kaya lumabas ako at nakita ko silang lahat na nagluluto. Si Mommy nag-iihaw ng BBQ, si Gabby tinutulungan si ate Becca sa paggawa ng kung anuman yung hinahalo halo nilang dalawa. Si Patrick at Kuya JM, binubuhat at inaayos yung pwesto ng table. Wow ayos ah. Lunch sa seashore. Astig.


Pero teka, mukhang kulang ah. Pumasok ako sa loob ng bahay at hinanap sya sa loob pero wala din kaya lumabas na ako. Sakto namang tinatawag na nila ko para kumain.


Habang kumakain ako, nilibot libot ko yung paningin ko. Hindi ako mapakali. Nasan sya? Wala man lang bang nag-aalala sa kanila na nawawala si Jake?? Kaya naglakas ng loob na akong tanungin si Kuya.
"Kuya si Jake?" Napatingin lahat sakin pwera lang si Patrick na parang walang narinig pero hindi ko na lang pinansin.

"Ahhh, nauna na sya Releena. Di mo ba alam na ngayon na f------Araaaaaay!!!!" Napasigaw si Kuya JM hindi ko alam kung bakit pero biglang sumingit si Ate Becca. "Kailangan na daw nya mauna kasi may pinapaasikaso sa kanya yung Mama regarding sa business nila." Lahat sila napatingin kay Ate Becca. Lalo na si Kuya JM na hindi mo maexplain yung impression ng mukha nya. "di ba?" Hinawakan ni Ate Becca yung kamay ni Kuya JM kaya tumango si Kuya.


Hayyy. Napabuntong hininga ako. Hindi man lang sya nagpaalam sa akin. Pero mabuti na yun. Kasi kanina kinukutuban ako na ngayon na ang alis nya papuntang States. at least ngayon alam ko na at napanatag na ko na bumalik lang pala syang Manila para may asikasuhin.


Natapos na kaming kumain at napagkasunduan na magbeach volleyball kami. Kaya nagbihis ako ng pangpawis na damit at dali-daling bumaba. Hahaha excited ako ehh.

Pagkababa ko ng hagdanan ay nakita ko si Ate Becca at Kuya JM na nasa kusina. Puntahan ko nga dahil may itatanong din ako sa kanilang dalawa.

Pero nung malapit na ko napatigil ako sa mga narinig ko.

"Bakit mo sinabi yun? Kailangang malaman ni Releena na ngayon na ang alis ni Jake papuntang ibang bansa." WTH!

"Gusto mo bang dumali daling umalis si Releena dito at habulin si Jake??? Pano kung mapahamak ang kapatid mo??"

BESTFRIEND lang akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon