BLA 15

945 18 0
                                    

Releena's POV

May  mga bagay na gusto mo na talagang bitawan. Pero hindi mo talaga magawa. Limang buwan na, mahal ko pa din sya. Akala ko okay na, akala ko napupunan na ni Jake yung puwang sa puso ko para kay Patrick. Pero para bang nagtayo na si Patrick ng sarili nyang lugar dito sa puso ko at hindi na sya basta basta mapapaalis.

Tinitigan ko yung cellphone ko at paulit ulit na binabasa yung text nya sakin. Maiyak iyak ako sa nabasa ko.

From Patrick De Silva

Whenever we fight, I fight tears not to mention my fears of losing you. We may grow apart and drift away. But you will always be my bestfriend forever. 

Text nya yan two months ago. At simula nang text nyang yan, hindi na din nya ko pinapansin. Dati kasi, lumalapit pa din sya. Nag-eeffort pa sya para mapansin ko, nagrireach out pa sya. Pero biglang wala na, hindi na nya DIN ako pinapansin.

Akala ko ba takot sya mawala ako? Pero bakit ganun sya?

SABAGAY. YUN DIN NAMAN ANG GINAGAWA KO. Releena, wag ka na magpaapekto. Pero sana naman may balikan ako, na pag okay na ko nandyan pa din sya. Pero mukhang wala na. Naiyak ako sa naisip ko.

"Baby," Biglang lumitaw sa harap ko si Jake. Kaya nagpunas agad ako ng luha at umayos ng pagkakaupo sa kama ko. "Umiiyak ka ba?" Ikinulong nya yung mukha ko ng dalawang kamay nya.

Umiling ako. Pinunasan nya yung luha sa mga pisngi ko. Pisti. Di ko mapigilan. "Anong problema?" Umiling lang ako at itatago ko na sana yung phone ko para hindi sya makahalata. Pero nakita nya yung  balak ko. Kinuha nya yun at wala na kong nagawa.

Binasa na nya at kitang kita ang pagkunot ng  noo nya. Pagkatapos ibinalik nya sakin yung phone ko, bumuntong hininga at hinawakan ng mahigpit yung kamay ko. Tumingin sya sa mga mata ko.

Niyakap nya ko ng mahigpit. "Sana matanggal ng yakap na to ang sakit." Kumalas naman sya sa mahigpit na pagkakayakap nya sakin at hinalikan ako sa noo. "Sana mapawi ng halik na to yung mga luha. Sana ganun na lang kadali."

"Sana nga..Jake. I'm trying my best. But---"

"Sssh. Magbihis ka, aalis tayo." Nakangiti syang tumayo. "Saan tayo pupunta?"

Ginulo nya yung buhok ko. Pag ginagawa nya talaga yun may kakaiba akong nararamdaman. Para bang napapanatag ako sa tuwing ginagawa nya yun. "Secret. Basta, magbihis ka."

Umalis na sya. Syempre magbibihis pa ko alangan naman na nandito sya habang nagbibihis ako.

Kinuha ko yung paborito kong jeans at isang t-shirt ko na pang-alis. Naisip ko tuloy, san kaya kami pupunta ni Jake? Baka mamaya hindi bagay yung damit na suot suot ko. Kaya imbis na jeans ang isinuot ko yung palda ko na above the knee na babagay dun sa t-shirt ko.

Dala dala yung sling bag ko, bumaba na ko at pinuntahan si Jake na naghihintay sakin sa sofa, kausap si Kuya.

Tumayo sila pareho at si Kuya naman lumapit sakin at ginulo ang buhok ko. "Tsk! Kakasuklay ko lang eh!" Sabi ko sabay hawi ng kamay nya.

BESTFRIEND lang akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon