BLA 27

631 14 3
                                    

Jake's POV

"Ma nasaan si Patrick?"

Pagbukas na pagbukas ko ng pinto yun agad ang narinig ko. Nagsitinginan sila lahat sa akin, pati na rin si Releena.

Si Patrick ang hinanap nya, hindi ako. Darn. Ang lakas ng loob kong makipagkasundo. Masyado akong naging relax at kampante na ako ang una nyang hahanapin. Dahil ako ang hinahanap nya bago sya maaksidente. Pero bakit ganun.

Nagkatinginan kami ni Releena sa mata. But she just looked through me, as if she's staring at a mirror.

Di ko na napigilang mapaluha. Lumabas na ko at naglakad papuntang kotse ko. I should be a man enough to do what I've said.


Even when it hurt so damn much.

Gabby's POV

Alam ko yung kasunduan ni Jake at Patrick. Dahil narinig ko yun.

At nakakainis tong si Releena! Naaksidente lang nakalimutan na na si Jake ang mahal nya! Bakit ba si Patrick agad ang hinanap nya?! Eh di ba si Jake ang mahal nya?? Kung hindi nya mahal si Jake bat pa sya nag-effort na bigla-biglang umalis at habulin si Jake di ba?? Ang eng-eng talaga netong pinsan ko kahit kailan!

Eto namang si Jake masyado! Masyadong mabait! Sumuko agad! Malay mo may dahilan si Releena kung bakit si Patrick agad ang unang hinanap ni Releena di ba?? Umalis ba naman agad agad!?

Nakakapikon naman tong tatlong to?? Eto naman kasi si Patrick ehh! Ang sarap upakan! Nakiki-epal pa! Dati iniisnab lang ang pinsan ko. Manhid-manhiran sa feelings nya. Tas ngayong masaya na ang pinsan ko kay Jake... AMPUPUPU!! Bakit ba eh pro-JaLeena ako eh!!! Ahahahaha!!

Minsan, hindi talaga nagtatama ang panahon eh.


Haaayst.

"Ma, Kuya, Ate Becca, Gabby, pwede bang iwan nyo muna kami ni Patrick?" Sabi ni Releena. Siguro mag-uusap sila?? Ahhh I want to make eavesdrop ya know?? HAHAHA!! PERO PINAPALABAS DIN AKO AHUHUHU T_T

Nagkatinginan kami ni Ate Becca. Hihihi may plano siguro tong si Ate Becca.

Lumabas na kaming lahat. Si Tita at Kuya JM pinuntahan yung doctor ni Releena at kaming dalawa ni Ate Becca.. HULAAN NYO AHAHAHA eh de nakadikit yung tenga sa pinto at nakikinig. Hihihihi. Syempre.

"Patrick.. Dito ka sa tabi ko." AMPUPU! Kung nasa tabi ako ni pinsan nasapok ko na to sa ulo! Ayt shunga shunga!

"Sssh wag ka maingay Gabby baka marinig nila tayo." Ayy hahahaha napalaks pala yung pagkakasabi ko nun.

"Anong kailangan mo Lenlen? Prutas? Ah nagugutom ka ba? Gusto mo ibili kita ng pagkain?"

"Hindi. Kailangan nating mag-usap." Iiiiih ano kaya ang gustong pag-usapan ni pinsan??? At bakit kailangan pa kaming palabasin.

"Ahh ano, may kailangan ka ba? Nangangalay ka na ba sa pagkakahiga? Gusto mo i-adjust natin yung kama mo?" Halata kay Patrick na kinakabahan sya. Buti na lang naririnig namin yung boses nilang dalawa.

"Patrick.."

"Masakit na ba yung swero? Gusto mo tawagin ko yung nurse para palitan?" Halatang ayaw ni Patrick na sabihin ni Releena yung gusto nitong sabihin kaya iniiba nya yung topic. Kahit naman din kasi ako, parang nararamdaman ko na kung ano ang sasabihin ni Releena. Feeling ko yung sasabihin ni pinsan, yun yung sasagot sa tanong ko kung bakit si Patrick ang hinanap nya at hindi si Jake.

BESTFRIEND lang akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon