BLA 25

616 14 1
                                        

Jake's POV

This might be the end of me. No please. I can't afford to lose her. i can't.

Dapat hindi na lang ako umalis. Dapat nagpaalam man lang ako sa kanya. Kung ginawa ko sana yun, eh de sana hindi nya ko hinabol. If it weren't for me... I can't help but to blame myself.

"Bro baka magalit Papa mo." Nanginginig na sabi ni JM. Namamaga din ang mata nya. Halatang kinakabahan sya. Si Tita Angelline naman nasa isang tabi at panay ang dasal. Si Gabby yakap yakap si Tita. Si Becca naman ay nasa tabi ni JM ngayon. Si Patrick? Nakatayo lang sa isang tabi at nakasandal sa pader na nakatulala.

"Wala na kong pake don JM. I want to stay here for her. Mahal na mahal ko sya alam mo yan." napahagulgol na din ako. Pag may nangyaring masama kay Releena hinding hindi ko mapapatawad sarili ko. "Sorry JM. Kundi dahil sakin hindi mangyayari yan sa kapatid mo."

Tinakpan ko na yung mukha ko dahil mukha na kong bata na madungis na sa sobrang pag-iyak. Naramdaman ko naman yung kamay ni JM sa balikat ko. "Wala kang kasalanan bro. Wag mong sisihin ang sarili mo."

"Kung sana nagpaalam ka sa kanya ng maayos hindi ka nya hahabulin. Hindi sana sya naaksidente. Kaya dapat lang na makonsensya ka." Napatingin kaming lahat kay Patrick na nagsalita mula sa pagkakatahimik nya.

"Walang may gusto sa nangyari kay Releena kaya wag na tayong magsisihan please." Sabat ni Gabby. Pero tama si Patrick, kung nagpaalam lang ako ng maayos kay Releena.. Ako dapat ang sisihin. Ako dapat ang makonsensya.

Lumabas na yung doctor galing sa operating room. Kaya lahat kami nagsitayuan na. "Doc how is my daughter?"

"She's still critical. The operation's not done. Two of her ribs were broken, her ankle is broken. Her head was severely damaged. And kailangan namin ng blood donor. Nauubusan na sya ng dugo. I think you're daughter is AB?" Nanghina ako sa narinig ko. Grabe ang nangyari kay Releena. I believe in miracle. I believe God can make her survive.

"Doc lahat po kami magpapablood testing kung sino ang pwede." Sabi ni Becca.

"Okay. Nurse paki-assist sila sa lab for blood testing. At kung sino man ang maging compatible for blood donation sa pasyente send him IMMEDIATELY. It's urgent."

Lahat kami dali daling sumunod sa nurse papuntang laboratory ng ospital. Isa isa kaming kinuhaan ng dugo. Lord sana compatible ang B sa AB.

"Sir Patrick? Please come with me to the operating room." Napatingin kami lahat kay Patrick. Tumingin samin lahat si Patrick at tinanguan sya ni JM.

Ako naman naiwan dito na nanghihina. Weak. I am useless. Ako na nga ang may kasalanan kung bakit nangyari to kay Releena wala pa akong maitutulong. 

Mukha akong bakla sa sobrang pag-iyak ngayon. Lumapit ako kay Tita at lumuhod sa harap nya. "Tita.. I'm really really sorry..."

Itinayo ako ni Tita at niyakap. "I'm not blaming you. Sabi nga ni Gabby walang may gusto sa nangyari sa anak ko. Mabait ang Diyos. Hindi Nya hahayaang may mangyaring masama kay Releena."

Lumabas na kaming lahat at bumalik sa labas ng operating room.

Maya maya lumabas na si Patrick na may nakaalalay na nurse kasunod ang doctor. Tumayo naman si JM ko at tinulungang makaupo si Patrick.

"Doc? Is she alright?"

Nakangiting tumingin sa amin yung doctor. "She's fine. She's still unconscious though dala nang sobrang impact sa ulo nya. She's also still under observation to watch out for side effects. For now, ililipat na natin sya sa kwarto nya. Dun nyo na lang po sya hintayin na magising."

BESTFRIEND lang akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon