BLA 23

703 14 0
                                    

Releena's POV

"Sorry Jake.." Sabi ko ng iniabot ko sa kanya yung ice pack. Kinuha nya iyon at tsaka nilagay sa gilid ng labi nya na kaninang dumudugo.

"As far as I know si Patrick ang sumuntok sa akin hindi ikaw. Why do you have to be the one to say sorry?"

"I feel guilty and..responsible for what happened." I let out a big sigh. Feeling ko depress na depress ako this past few days. Siguro bumababa na ang supply ng serotonin ko at pwede na kong madiagnose na may depression.

He ruffled my hair. "It's not your fault na napuwing ka at nandun ako para hipan yung mata mo." He stood up dala dala yung ice pack nya. Then nakita ko na sumilip sya sa labas ng pinto at nakita ko na papasok si Patrick. "I think I need to go."

Papalakad na sya papalayo pero hinawakan ko yung kamay nya. I suddenly felt the urge to do so and ask what's been bugging me kanina pa. "Sure na ba ang pagstay mo sa States?"

He paused for a long while and nodded. "Wala na naman akong dahilan pa para hindi umalis." Naramdaman ko yung lungkot sa boses ni Jake nung narinig ko yun. At nasasaktan ako na nalulungkot sya. Tuluyan na syang umalis. Ako naman naiwan dito. Kaya niligpit ko na lang yung medicine kit at yung ice cubes na ginamit ko para sa ice pack.

Maya maya naramdaman ko na may yumakap sa akin patalikod. Sino pa ba gagawa nun eh di si Patrick?

"I'm sorry Baby." He kissed my neck. Tinulak ko sya. "Ano ba!" Nakakairita halikan ka ba naman sa leeg eh. -__-

"What's wrong!?" Pinagtaasan nya ko ng boses.

Hindi ko din alam kung bakit. Hindi ko din alam kung anong mali. Pero mali ba tong nararamdaman kong inis at bwisit kay Patrick nung binugbog nya si Jake? Mali ba tong wala akong naramdaman nung niyakap nya ko? Mali ba tong naramdamang kong pandidiri nung hinalikan nya ko sa leeg ko?

"Wa-wala. I'm sorry.." Naghugas ako ng kamay at nagpunas sa basahan na nakasabit.

Naglakad na ko papalabas ng kitchen pero bigla nya kong hinawakan sa siko at hinila. Nakatingin lang sya sakin at para bang may gumugulo sa isipan nya.

"Mahal mo pa ba...ako?"

I was dumbstrucked. Nakatulala lang ako sa kanya finding the answer to his question. Bakit ganto? Nahihirapan akong sagutin ang tanong nya? Napakadali lang naman sagutin yun, Releena. Bakit nahihirapan ka?

I was about to open my mouth when he cut me in. "Stupid of me to ask. Syempre alam ko namang mahal mo ako." Hinila nya ko papalapitsa kanya at niyakap ako ng matagal. I suddenly felt something with his hug. Para syang nanginginig at naririnig ko na sumisinghot sya. Wait..Is he crying?

Pero pagkakalas nya sa yakap nya, di naman sya umiiyak pero namumula ang ilong nya. Alam na. Umiyak nga sya. He's my bestfriend. Alam ko ang mga bagay bagay sa kanya at ganyan sya pag nagpipigil ng iyak, namumula ang ilong.

"May problema ba, Patrick?"

Umiling lang sya tapos nginitian ako. "I love you.." He said randomly at umalis na.

Hindi ko alam kung bakit ganito yung feeling ko ngayon. Darn. He asked me if I still love him and why the heck I had a hard time answering that simple question? He said I love you at wala man lang akong naramdamang kilig?? Should I be happy? My dreams finally came true. The man I have loved for so many years finally feels the same way for me.

I love him, do I?

Umakyat ako sa kwarto at naligo. Pagkaligo na pagkaligo ko, pumunta ako sa hammock sa labas na nakaharap sa dagat. Kitang kita ko si Mommy at Gabby na naghahanda ng barbecue para mamaya. Si Jake naman at Kuya JM nagsiswimming. Si Patrick..nasa kwarto nya ata.

BESTFRIEND lang akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon