BLA 13

835 19 0
                                        

Releena's POV

All things are bound to change no matter how you want it to stay the same. Because nothing is permanent.

Gustuhin ko man na habang buhay kong maging bestfriend si Patrick, siguro hindi din pwede. Kasi may nararamdaman ako para sa kanya. At kung ipipilit ko ang gusto kong mangyari na maging magbestfriend pa din kami, ako lang din ang mahihirapan. Kailangan ko munang lumayo, para mawala yung feelings ko. Para sa oras na bumalik ang dati, wala na kong sakit na mararamdaman.

Siguro tama na din ang desisyon ko. Na lumayo muna. Biro mo, nakaya ko ng dalawang buwan?   Dalawang buwan din yun. Hindi yun biro. Dalawang buwan ko tiniis na iwasan sya. Pero diba?  Yun din naman ang gustong mangyari ni Carmela? Ayaw nya nun? Ako na ang lumayo para hindi na sya mahirapan.

Kailangan ko munang masanay na hindi sya ang kasama ko, na hindi sya yung nasa tabi ko. Hindi yung puro sya at sya na lang ang kasama ko. Siguro hindi naman nya napapansin na nawala ako sa tabi nya..Kasi nasa tabi nya na si Carmela di ba?

Nung napagdesisyunan ko yun, tuwang tuwa si Gabby at Kuya JM. Nilibre pa nga ako ni Gabby ng french fries at si Kuya pinayagan naman akong gamitin ang PSP nya. Grabe talaga sila. -_- Pero siguro kaya ayaw ni Kuya JM kay Patrick dahil sa sitwasyon namin.

Isa pa, si Jake. Para talaga syang boyfriend ko. Hindi naman sa ayaw ko, pero parang may mali eh. Kaya nung araw na dinalaw nya ko sa bahay ng gabi na..

~~Flashback~~

Hindi ko alam kung matutuwa ba ko. O madidismaya. Matutuwa ba na hindi si Patrick ang dumalaw o madidismaya ba na dahil hindi sya?

Nakangiting iniabot ni Jake yung flowers sakin. Syempre, tinanggap ko at napangiti ako. First time ko kayang makakatanggap ng flowers no tatanggihan ko pa ba?

"Oh maiwan ko muna kayo dyan ah. Bro, uhmmm!?!!" Pinandidilatan ni Kuya JM si Jake at tinapik tapik sa balikat. Tinanguan naman ni Jake si Kuya kaya umalis na to.

Magsasalita na sana ko pero bigla syang nagsalita. "Alam kong biglaan yung kanina.."

Tumango ako. Totoo naman eh. "Sorry kung nabigla kita." Umiling  naman ako. Alam ko naman na tinutulungan lang nya ko eh.  "Hindi ah, wag kang magsorry.."

"No. I should be. Kaya ngayon, I want to do it the proper way. Manliligaw ako.." Napatunganga naman ako. Bakit nya gagawin yun? "Pa-paano si RM? Hindi ba sya ang mahal mo? Bakit ako ang liligawan mo? Hindi mo naman kailangan gawin to para lang tulungan ako."

Hinawakan nya ang kamay ko. "Just let me court you. Hindi na sya importante." Hala, nakakakonsensya naman. Hindi importante? Eh 3 years nga nyang inintay yun eh. Tapos hindi na importante? Pero bigla akong may naisip. I just had an epiphanic moment in my life for the first time!

"Sige! Jake, ganto payag ako sa gusto mong mangyari. Tutulungan mo ko, tutulungan kita. Pagseselosin natin si RM para ma-realize nya na mahal ka nya..Pero teka. Sino ba kasi si RM? Nasan ba sya?" Pano naman yun mapagpapaselos kung hindi ko pa kilala?

Napabuntong hininga sya. "Nasa paligid lang sya. Basta. Ka-kaya nga kailangan natin gawin to para mapapaniwala sya kasi nasa paligid lang sya natin palagi.."

~~end of flashback~~

Nasa paligid lang namin palagi? Bakit kaya ayaw nya ipakilala sakin? Ewan ko. Pabayaan ko na lang. Tumingin tingin ako sa paligid namin. Sino kaya dito? Hahaha.

"Sino hinahanap mo?" Hinawakan nya ang kamay ko kaya napabalik ako ng tingin sa kanya. "Si RM. Sabi mo kasi palagi syang nasa paligid natin."

Natawa naman sya. Anong nakakatawa dun? o.O "I told you, wag mo nang syang isipin."

"Eh bakit ba kasi ayaw mong sabihin? Pano ka nakakasigurado na nakikita nya tayo ngayon??" Napabuntong hininga ulit sya. Yung totoo? Gano kadaming hangin na ang nae-exhale nya?? Hinawakan nya ang baba ko at iniharap ako sa kanya. "Anong sabi ko sayo? Hindi na sya importante. Ikaw na ang importante sakin ngayon.." Kinurot nya ang ilong ko at bumalik sa pagbabasa. Nandito kasi kami sa school garden ngayon.

Minsan, napapaisip ako sa mga kinikilos ni Jake sakin. Para talagang mahal nya ko. Kung hindi ko lang alam yung tungkol kay RM, iisipin ko na totoo yung mga yun. Pero alam ko naman na ginagawa lang namin to para tulungan ang isa't isa.

Nang napalingon ako sa kaliwa ko, nagsisi ako bigla na tumingin pa ko sa gawi na yun.

Naglalakad si Carmela at Patrick na magkaholding hands. Para na namang natusok ang puso ko ng bakal. Iiwas na sana ko ng tingin ng nakita ko na napansin kami ni Carmela. Tinuro pa nga ako. Peklat  naman wag na kayong lumapit. Hinila nga ni Carmela si Patrick papalapit samin.

Nakita siguro ni Jake na papalapit sina Patrick sa amin kaya tumigil sya sa pagbabasa ng libro nya. Kanina pa din naman kasi nya hawak ang kamay ko.

"Hi Releena! Thank you nga pala dun sa set up na ginawa mo para sa date namin ni Pat." Sabi nya pagkalapit na pagkalapit nya samin. Si Patrick naman tahimik at nakatingin sa...kamay namin ni Jake na magkahawak. Nagseselos ba sya? Weh Releena. Asa ka pa dong. "Wa-wala yun."

"Hin-----Ja-jake?" Napatunganga sya ng makita nya si Jake sa tabi ko. Kanina pa sya sa tabi ko ngayon nya lang napansin? -_- Napatingin naman si Patrick kay Carmela ng kilala-mo-sya look. Ako naman kay Jake na paano-mo-sya-nakilala look.

Pinisil ni Jake ang kamay ko at bumaling kay Carmela. "Yes, it's me Mela."

Parang naging estatwa si Carmela. Nakatunganga lang sya kay Jake. Ano bang nangyayari sa kanya? May pakiramdam ako na hindi maganda dito. "Ku-kumusta na?"

Nauutal na sabi ni Carmela.

Tiningnan ko si Patrick at alam ko sa mukha pa lang na naiinis na sya. "Okay lang." Tipid na sagot ni Jake. Umiwas na ito ng tingin kay Carmela.

Bumaling naman sakin si Carmela. "Ma-magkakilala pa-pala kayo?" Bakit parang gulat na gulat sya na kilala ko si Jake? Ayaw ba nya? Tsss. "Yup. He's my boyfriend." Ewan ko ba kung bakit ako nagkalakas ng loob sabihin yun.

Tumingin ako kay Patrick at nakita ko na sa iba sya nakatingin. Ouch. Ano nga naman ba ang pakialam nya kung may boyfriend ka na, Releena?

"Bo-boyfriend? Wow. Co-congratulations. You l-look good together." Pagkatapos nyang sabihin yun, niyaya na nya si Patrick na umalis. Pinagmasdan ko si Patrick habang papalayo. Wala lang talaga ko para sa kanya.

"Jake," Paglingon ko sa kanya, nagulat ako kasi nakatingin na sya sakin. "I know. I owe you an explanation."

Alam na agad nya ang gusto kong sabihin? Tumango na lang ako. Napabuntong hininga lang sya.

"Magkaibigan ang pamilya nya at pamilya ko. Our families are business partners. Kaya ipinagkasundo kami sa isa't isa. Though, my parents were not that strict. Okay lang sa kanila na hindi ako pumayag sa kasal. Pero her parents are really eager about the marriage thingy only to find out na hindi lang pala dahil sa business kaya gusto ako ipakasal kay Mela." Hinawakan nya ang kamay ko.

"Bakit daw pala?"

"I can't marry her because I vowed to marry the one that I love. I can't marry a girl that I don't love even though she loves me." Nakatingin sya sa mga mata ko na parang may gusto syang iparating na hindi ko naman madecode kung ano yun.

Isa lang kasi ang tumatakbo sa utak ko, may mali akong nararamdaman.

BESTFRIEND lang akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon