BLA 17

817 19 3
                                        

Releena's POV

Iba yung excitement ko ngayong araw eh. Ipapakilala na daw kasi sakin ni Jake si RM. At last! Sa tinagal tagal namin, ngayon ipapapakilala na nya. Siguro gumana na yung ginawa namin. Nagselos na nga si RM at nagtapat na kay Jake.  Siguro tatapusin na din nya kung anong meron samin kasi naayos na yung sa kanila ni RM.

Pero bakit bigla akong nalungkot nang na-realize ko yun???? Siguro dahil napalapit na din naman ako kay Jake. Sa tuwing kailangan ko sya, parati syang nandyan sa tabi ko to think na pinoproblema nya din yung tungkol sa kanila ni RM. Siguro din, mamimiss ko sya. Nang dahil sa kanya, kahit papano nakakalimutan ko yung sakit na nararamdaman ko galing kay Patrick. Siguro kung wala sya, sobra akong subsob na subsob sa pag-iyak lalo na at sila na ni Carmela.

Kung tutuusin, kung wala si Jake, baka hindi ko nakayanang tanggapin na si Patrick at Carmela.

Pwede bang kahit okay na sila ni RM, hindi pa din sya mawala sa tabi ko? Tsk. Ang selfish ko naman kung ganun.

"Hoy babae bilisan mo maligo dyan aba!! Malelate na ko!!" Katok ni Gabby. Kaya naman pagkatapos kong magbanlaw, nagbihis na ko kaagad at lumabas na.

"Grabe teh isang millenium ang pagligo??" Sabi ni Gabby na akala ko nakahanda na sa pagligo pero ayun, nakahiga sa kama at nagbabasa ng libro. "Oh?? Kala ko ba malelate ka na?? Tapos na ko maligo ka na, bakit nakahilata ka pa dyan at nagbabasa??"

"Wala akong pasok hehehehe." Nginitian pa ko ng nakakaloko. Kahit kelan talaga tong babaeng to!!! "ANO?? MINADALI MO KO TAPOS HINDI KA NAMAN PALA MALILIG---ARAY!" Binato nya sakin yung libro nya. Napakasadista talaga. -_______-

"Ang OA mo pinsan!! Eh kasi naman ang tagal mo sa banyo!! Kala ko kung ano nang nangyari sayo. At tsaka hindi ka pwedeng malate!! 9:30 na oh!" Binalik ko sa kanya yung libro at kinaltukan sa noo. "Hoy 12 pa po pasok ko no!"

Tumayo sya at isinakbit sakin yung bag ko. "KAILANGAN MONG PUMASOK NG MAAGA!! KAILANGANG 11 NANDUN KA NA BAKA MALATE KA PA!!!" Sigaw nya habang pinagtutulakan ako palabas ng kwarto. "Ano bang problema mo?? Ang tagal kong maghihintay! Ayoko!!!"

Pero pinagtutulakan nya pa din ako palabas ng kwarto hanggang sa makarating kami sa hagdanan. "Pagka ako nahulog dito Gabby sa hagdanan mumultuhin kita!!"

"Di ka pa pwede mamatay nuh!! May mangyayari pa!! Dali na go shupi!"

Ano bang problema nitong si Gabby at pinapapasok ako ng maaga?? "Hindi pa din ako papasok ng maaga!! Bela-----"

"Tara na Releena. Ihahatid kita sa school." Paglingon ko sa baba, nakita ko si Kuya hawak hawak ang susi ng kotse nya. "WEH??"

"Hindi ka pa ba bababa dyan??" Nakatingin na nakakatakot sakin si Kuya. Waaah eto na eto na bababa na nga. *u* Grabe una si Gabby pinapapasok akong maaga tapos si Kuya ihahatid ako sa school? Anong meron!? End of the world na ba? Apocalypse na ba?? Eh dati kahit kulitin ko si Kuya na ihatid ako kahit hanggang LRT station lang, pusong bato sya. Pero ngayon, ihahatid nya ko at hanggang sa school pa? Waaah I sense something!

Pagsakay ko sa front seat, biglang sumakay si Gabby sa likod. "OH KALA KO BA WALA KANG PASOK!?"

"Wala nga. Pero gusto ko lang pumuntang school bakit ba?"

Sabi nya sabay suot ng seatbelt. Napailing na lang ako. May kakaiba talaga ngayong araw eh. Naging weird ang Kuya ko at pinsan ko.

Binuksan ko yung phone ko. Usually, may text si Jake na Goodmorning. Ingat ka. Pero ngayon, wala. Siguro hindi na nga nya ko itetext dahil sila na ni RM. Aish. Di ko alam, parang kanina excited ako makilala na si RM bat ngayon parang nawala? =____=

BESTFRIEND lang akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon