Jake's POV
"Ikaw si Kuya Jekjek??" Nanglalaking mata na sabi ni Releena. Please Releena. Wag kang gumanyan kinikilig ako.
Tumango ako. Napaatras naman sya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "WEH??"
"Parang baliw lang Releena! Aakbayan ko ba ng ganto to kung hindi si Jekjek to??" Sigaw ni JM kay Releena. Nakakatawa talaga tong magkapatid na to.
But l really didn't expect na hindi nya ko makikilala from the first time she saw me nun sa canteen nung bumibili sya ng fries. Well, dati kasi payat ako at may salamin. As in kahit 18 na ko nun, mukha pa din akong totoy. The name "Jekjek" sya yung tumawag sakin nun.
"WHOA." Ngumiti na sya ng ngiting abot tenga. It's my favorite smile of hers. Para bang solve na ang problema ko kapag makikita ko yung ngiti nyang yun. "Kuya Jekjek!! Grabe hindi ako makapaniwala!! Sorry di kita agad nakilala! Kasi naman kung umarte ka sakin kakikilala mo lang sakin eh. Mukha tuloy akong timang ikaw pala yan."
The reason why hindi ko agad sinabi sa kanya na ako si Kuya Jekjek ay I want her to see me in a different light. Not just her Kuya Jekjek, her brother's bestfriend. But Jake.
And yes, she's the girl I've been waiting for 3 years. I first saw her when I'm 17 years old and she's 15. Right then I fell inlove with her. Pero alam ko, hindi pa pwede. She was still too young. Si JM agad ang pinagsabihan ko tungkol sa nararamdaman ko.
~~Flashback~~
Pag naririnig ko ang tawa nya para talaga kong nasa langit. Kahit yung tawa nya hindi tawang pangbabae, ewan ko pero isang musika para sakin ang pagtawa nya.
They say I had to make her laugh to make her fall in love with me. Kaya nga kahit magmukha akong tanga sa kaiisip at pagsasabi ng mga corny jokes ginagawa ko para lang marinig ko ang mga tawa nya.
But why do everytime she laughs, I'm the one who falls? Ganun ba ang hatak sakin ng babaeng to?
"Hahahaha!! Parang tinga Kuya muntik madulas!!!!" Nadulas kasi si JM ng naglalakad sya pabalik dito sa salas ng bahay nila. Narinig ko na naman ang tawa nya..
"Ganyan ka ba?? Pinagtatawanan mo talaga yung mga nagkakaganon??" Pikon talaga tong si Jerwin Miguel Torribio. Eh nakakatawa naman talaga ang pagkakadulas nya eh.
"Oo hahahaha" Tawa na naman sya ng tawa. Sana palagi syang tumatawa. Kulang na lang irecord ko yung tawa nya at i-repeat song ko sa playlist ko. Pero maya-maya tumigil na sya sa pagtawa. Para naman akong nabitin dun.
"Releena alam mo ba kung ano yung seafood??" Napatingin silang dalawa sakin. Sana matawa sya.. "Oo yung pagkaing dagat??"
"Hindi. Sakit yun diba? Yung sa ilong, pag sineseafood ka kailangang mong suminga dahil may tutulong uhog."
Tinitigan nya ko. Nagkatitigan kami at ngumiti sya. Syet. Ramdam kong nag-init yung mukha ko at naging abnormal na naman ang heartbeat ko. Umiwas ako agad ng tingin. Baka kung ano pang magawa ko.
"Pffffft!! Hahahaha!! Last mo na yun Kuya Jekjek!! Hahaha seafood amwala." Tumayo sya pero tumatawa pa din. Aalis na ba sya? "Sige po mga Kuya ako'y pupunta muna sa aking kwarto. Bye Kuya Jekjek. Inom ka na ng gamot para dyan sa seafood mo. Hahaha."
"Wag ka nang babalik dito!!" Sigaw ni JM. Sinamaan naman sya nito ng tingin. Pinagmasdan ko si Releena habang paakyat sya hanggang makapasok na sya sa kwarto nya.
"Bro baka matunaw kapatid ko mawalan pa ko ng bunsong kapatid." Tumabi sakin si JM. "Ba-baliw."
"Gusto mo kapatid ko noh? Wag mong ideny kilala kita. Alam ko ang mga ganyang tingin." Tae. Ganun ba ko kahalata? Sya kaya nahahalata na nya? Sana naman hindi.
"Obvious ba?" Naamin ko tuloy ng di oras kay JM. Wala pa naman akong balak pagsabihan. "Oo. Sa akin pero sa kanya? Hindi. Dense yun eh. Masyadong isip bata."
Yun nga. Yun ang nagustuhan ko sa kanya. "Bro mahal ko ang kapatid mo."
Hindi ko alam kung bakit ko ba nasabi yun pero totoo yun eh. Mahal ko sya. Ineexpect ko na susuntukin nya ko oh di kaya magagalit sakin pero hindi. Inakbayan nya ko.
"Wala namang masama na mahalin mo ang prinsesa namin. Pero Bro masyado pang bata si Releena." Napabuntong hininga ako. Alam ko yun. Alam na alam. "Alam ko. Pero handa naman akong maghintay."
Nagtawanan na lang kaming dalawa at nagfist bump. I can wait. I can and will definitely wait for her.
~~end of flashback~~
And yes up until now I'm waiting for her. She's a princess who's worth the long wait.
Nandito pa din ako sa kanila. Di muna ko pinauwi ni JM eh. Namiss ata ko eh haha. Si Releena naman nasa kwarto na nya.
"Bro seryoso ka pa din ba sa kapatid ko??" Biglang tanong nya habang naglalaro kami ng chess. Favorite namin tong pasttime dalawa.
Tinira ko yung bishop ko at ayun, nacheck ko yung king nya. "Oo naman. Mahal ko ang kapatid mo. Walang pinagbago dun."
Nagcastling naman sya kaya hindi na sya check. "Ganun ba."
Bakit kaya nya naitanong?? Itinira ko yung horse ko. "Bakit pinagdududahan mo ba? Bro don't worry. I will still wait no matter how long." Kahit na alam kong may mahal na iba yung hinihintay ko. Matagal ko na syang pinagmamasdan. Actually kaya ako sa school nya nag-aral para sa kanya. At doon ko nakita kung gaano sya kasaya kapag kasama ang lalaking yun.
Nasaktan ako dahil kung titingnan mo talagang silang dalawa, akala mo sila talaga dahil ang sweet nila.
Only to find out na magbestfriend lang sila. And she's inlove with him one-sidedly. Damn. That guy's so stupid. Nasa kanya na nga yung babaeng matagal ko nang pinapangarap hindi pa nya pinapahalagahan. And I swore to myself, I will never do that to her.
If only she will love me. If only I could have enough courage to tell her.
"Bro payag na ko." Napatingin ako sa kanya hindi dun sa tinira nya. "What do you mean by that?"
"Psh! Dalawang taon ka lang sa amerika naging slow ka na?? Syempre alam mo na kung anong ibig kong sabihin dun." Napangiti ako ng pagkalaki laki. Totoo bang payag na sya na ligawan ko si Releena?? Hindi ako makapaniwala!!
"Talaga Bro!?! SALAMAT MARAMING SALAMAT!!" Niyakap ko sya ng mahigpit. Bromance na kung bromance pero napasaya talaga ko nitong bwisit na to. Haha.
"Yuck. Wag mo nga kong yakapin! Baka may makakita satin isipin pa na may something satin." Inalis nya yung kamay ko. Kahit kelan talaga to. "Pero bro please lang," Sumeryoso yung mukha nya. "Wag na wag mong paiiyakin ang kapatid ko kagaya ng ginagawa sa kanya ng bestfriend nyang ugok. Kundi, kakalimutan kong magkaibigan tayo."
Napangiti naman ako. Wala akong balak paiyakin si Releena. Mahal na mahal ko kaya sya.
"Oo naman. I won't. Trust me."
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND lang ako
Novela JuvenilI love you. You love her. She loves him. He loves me. Magulo ba? Basahin mo para magets mo.