Releena's POV
Bakit kung kelan ka nagdadiet tsaka nagluluto ng masasarap na pagkain? Bakit kung kelan ka nagreview para sa graded recitation tsaka ka hindi natawag? Bakit kung kelan hindi ka naman prepared, tsaka ka matatawag? Bakit kung kelan ka malelate tsaka pa nagpagas si Manong Drayber ng jeep? Bakit kung kelan nagtitipid tsaka tayo nagugutom? At bakit, kung kelan na napagdesisyunang lumayo at umiwas muna sa kanya tsaka naman lalong lumalapit. Ano to? Nanunukso?
Ano ba Patrick. Pwede ba lumayo layo ka muna. Please. Kayo na ni Carmela di ba? Di ba dapat sa kanya ka lumalapit? Girlfriend mo sya eh, bestfriend mo lang ako. At tsaka hindi ba pumayag ka sa hinihingi sayo ni Carmela? Eh bakit di ka pa din lumalayo sakin?? At kahit pa hindi naman sya pumayag, napagdesisyunan ko nang lumayo at umiwas muna sa kanya. Para mawala na ang nararamdaman ko.
"Hindi mo sinasabi sakin. May boyfriend ka na pala." Seryoso nyang sabi. Sa lahat ng pagsasalita nya, yan lang ang naghudyat sakin na pansinin sya. Kasi kanina pa sya nagkekwento tungkol dun sa nangyaring date nila.
"Boyfriend? Anong pinagsasabi mo?" Napatingin ako sa kanya na kasalukuyang nakaupo sa tabi ko.sa canteen. Badtrip nauna na nga akong lumabas para di kami magkasama, nasundan pa din nya ko. "Teka di ba dapat si Carmela ang kasama mo ngayon" Cold kong pagkakasabi.
"May klase sya ngayon. Kinuha nung prof nya yung 1 hour vacant nila eh." Paki ko? Naaalala mo lang naman ako pag di kayo magkasama ni Carmela. Aisshh Releena quit all your dramas. "TEKA INIIBA MO USAPAN EH. MAY BOYFRIEND KA NA PALA"
Ano bang pinagsasabi nito na may boyfriend na ko?? May saltik na ba t-------"Baby, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. Tara, may ipapakita ako sayo. Kukunin ko na ang GIRLFRIEND ko pre." Hinawakan ni Jake bigla bigla ang kamay ko at hinila ako papalayo kay Patrick.
Baby? Bakit nya ko tinawag na Baby? Kelan pa naging baby ang pangalan ko? At girlfriend daw? Kelan pa nya ko naging girlfriend??
"Teka lang!" Sigaw ko. Tumigil na naman kami sa paglalakad ng makarating na kami ng parking lot.
"Masokista ka ba Releena? Dapat lumalayo ka na ngayon. Dapat umiwas ka na. Hindi yung hinahayaan mong saktan ka nya." Galit na galit na sabi nya. Mahigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko. Natuwa naman ako dahil iniisip nya yun. Natuwa ako dahil concern pala sya sakin. Lalo na nung araw na nakita nya ko sa bench. Sobrang laking tulong ng ginawa nya. Kahit papano, namulat ako.
"Sinusubukan ko naman, eh. Lumalayo na ko. Unti unti na kong umiiwas. Pero hindi naman agad agad yun eh. Kasi Jake, ang hirap eh. Di ko alam kung kaya ko ba syang layuan." Sunod sunod na lumabas sa bibig ko. Totoo naman eh. Kanina parang torture eh. Gustong gusto kong umarte na parang wala lang sakin. Handa na kong balewalain yung sakit. Hand na kong tanggapin na bestfriend lang ako kahit masakit.
Niyakap nya ko. Ewan ko ba, nakakaramdam ako ng comfort kay Jake. "You don't have to do this alone. You can always run to me. And from now on," Kumalas sya sa pagkakayakap at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko. "You're my girl."
I'm his girl? Bakit nya ginagawa to? Dahil ba naaawa sya sakin? I can see very clearly kung ano ang gusto nyang mangyari. "You don't have to do this, hindi mo kailangang magpanggap na boyfriend ko para lang maipakita sa kanya na hindi lang sa kanya umiikot ang mundo ko." Ganun naman talaga ang gusto nyang mangyari di ba? Napakabait ni Jake.
Biglang nagbago yung expression nya. Binitawan na nya yung magkabilang balikat ko at hinilamos ang kamay nya sa mukha nya at napakamot ng batok. Anong problema nito??
"Isipin mo na kung ano ang gusto mong isipin, basta girlfriend na kita."
****
Biglaan. Yun ang masasabi ko. Hindi ko alam kung kikiligin ba ko o ano. Agad agad, walang patumpik tumpik akong nagkaboyfriend agad. Though, I really don't consider it, pero siguro makakatulong din sakin to.
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND lang ako
Teen FictionI love you. You love her. She loves him. He loves me. Magulo ba? Basahin mo para magets mo.