Jake's POV
Seeing the on you love, love somebody hurts. Watching her fall for somebody else breaks my heart. But seeing her hurt, damn. It hurts like hell.
I can see her from my place. Hiding behind one of the four posts of our restaurant's special lodge as she watches them.
I saw how she walked away crying. Oh jeez how I want to come near and wipe those tears away. Damn you Patrick. Hindi man kita kilala pero alam ko na agad na g*go ka dahil sa ginagawa mo sa babaeng pinakamamahal ko.
She went out of the restaurant. I followed her as I drive my car. She stopped in a nearby park and sat down on the benches, crying her heart out. I just sat here inside my car watching her.
It started to rain cats and dogs. Buti na lang at naiwan ni Mommy ang payong nya dito sa kotse. Lumabas ako at lumapit sa kanya para payungan sya.
Darn it. How can I make you forget him? Nakapikit syang umiiyak. Itinapat ko na sa kanya yung payong. Then suddenly I blurted out when she opened her eyes. "May dahilan kung bakit hindi ka mahal ng mahal mo. Baka kasi may ibang taong mas kaya kang mahalin ng sobra kesa sa kanya." Ako yun Releena.
Nakatingin lang sya sakin. Ang mga mata nya, halatang malungkot na malungkot. Kahit nabasa ng ulan ang mukha nya ay halata pa din na umiiyak sya.
Bigla nya kong niyakap at humagulgol. Niyakap ko din sya at nagpakabasa na din ako. Iiyak mo lang Releena. Dahil eto na ang huli mong pag-iyak. Babawiin kita sa kanya kahit hindi ka naman naging sakin.
"Tanga sya Releena. Napakatanga nya para baliwalain ang katulad mo." Hindi ko na napiit ang bibig ko. Bakit totoo naman ah. Umiling sya habang magkayakap pa din kami. "Hindi. Hindi sya tanga. Hindi nya lang talaga ako mahal," Sinasaktan ka na nga nya, pinagtatanggol mo pa sya? "Ako ang tanga, mahal ko pa din sya kahit ang sakit sakit na." Humihikbing sagot nya.
"Pero," Kumalas na sya sa pagkakayakap nya sakin at pinunasan na ang mga luha sa kata nya. Tumila na rin yung ulan. "Gusto ko nang makalimot. Gusto ko nang mawala to. Pagod na ko, pagod na kong magmahal sa kanya. Suko na ko. Sometimes, you just need to know when to stop and maybe this is the time." She sighed. Then she started to walk away from me. Pero lumingin ulit sya. "Thank you, Jake."
Patrick's POV
Alam mo yung ang saya saya ko?? Feeling ko pwede na kong kunin ni Lord bukas na bukas din. Pero joke lang yun. Kasasagot lang sakin ni Mel kahapon. O di ba? Ako na ata ang pinakamasaya at pinakagwapong lalaki sa mundo!! Hahaha.
Kailangan na tong malaman ni Lenlen. Alam kong sinabi ni Mel na layuan ko na si Lenlen. Pero hindi ako pumayag. Niliwanag ko kay Mel na wala syang dapat ikaselos dahil bestfriend ko lang talaga si Lenlen. Buti na lang at nag-agree si Mel. Buti na lang understanding ang girlfriend ko at hindi ako mahihirapan sa paglayo kay Lenlen.
Syempre hindi ko naman magagawang basta basta lumayo kay Lenlen. Importante naman sya sakin. Syempre kasi bestfriend ko sya.
Speaking of, dumating na sya. Nakasimangot syang pumasok ng room at medyo maputla. Okay lang ba sya?
"Lenlen!!" Tawag ko sa kanya at sinenyasan sya na sa tabi ko umupo. Pero hindi ako pinansin at dire-diretsong umupo sa harapan. Anong nangyari dun? Baka inaantok lang. Hindi ko muna siguro istorbohin, baka wala sa mood. Baka mabugbog pa ko ng di oras. Masisira kagwapuhan ko.
Natapos ang first class namin. Lalapitan ko na sana sya pero dali dali syang lumabas ng room. Syempre sinundan ko sya. Galit ba yun sakin? -_-
Nagulat na lang ako at nataranta nang bigla syang nahimatay. Takte siguro maysakit to. Pinilit pa ding pumasok kahit masama na nga pakiramdam. Tss napaka-GC (grade conscious) talaga nitong babaeng to. -_-
Papunta na sana ko sa kanya ng biglang may umepal na lalaki. "Releena!!" Binuhat nya to at saglit na tumingin sa akin. Pero dali daling umalis. Syempre sumunod ako. Alangan naman pabayaan ko si Lenlen!?
Pagdating ko sa clinic, nakahiga na si Lenlen sa kama. Nababalot ng kumot at may ice pack sa noo. "Over fatigue lang po sya at siguro kulang sa tulog kaya po sya nilagnat. One week rest ang kailangan nya po, dahil prone po sya sa anemia. I suggest na wag muna sya papasukin ng one week." Sabi nung university doctor sa kung sinumang lalaking nasa harapan ko ngayon.
"Okay po doc." Nagpaalam na yung doctor at umalis na. Lalapit na sana ko kay Lenlen pero hinila nya ko papalayo. "Pre, please. Layuan mo na lang muna si Releena."
Aba takte! Sino sya para utusan akong layuan ko ang bestfriend ko?? "Sino ka ba ha pare!? Anong karapatan mong palayuin ako kay Lenlen ha!?" Nagpipigil ako. Susuntukin ko tong kupal na to!!
"Jake pre. Wag kang gumawa ng gulo dito. Baka magising si Releena." Ahhh! Sya pala yung Kuya Jake? Eh kupal pala sya eh.
"Anong ako ang gagawa ng gulo!? Ikaw ang gumagawa ng gulo dito!! Wala kang karapatang palayuin ako kay Lenlen!!" Sinunggaban ko sya sa kwelyo nya. Konting konti na lang masusuntok ko na sya. "Ikaw ang dapat lumayo layo sa kanya!!"
Ngumisi sya. Ano ang nginingisi ngisi nya ngayon!? "At sa tingin mo ikaw meron!?" Madali nyang natanggal ang pagkakahawak ko sa kwelyo nya at sya na ngayon ang nakahawak sa kwelyo ko. "Bakit!? Ano ka ba nya!?"
Hinawakan ko ulit sya sa kwelyo. Magkahawakan kami ng kwelyo ngayon. Nakakagigil sya. "Bestfriend nya ko!"
"BESTFRIEND LANG!?!? Sorry pare boyfriend nya ko eh. Kaya may karapatan ako." Nabitawan ko bigla yung kwelyo nya. Bo-boyfriend?
"SINUNGALING! Walang sinasabi sakin si Lenlen!!" Oo tama. Kung may boyfriend yun, sigurado akong ako ang una nyang pagsasabihan. "Tss. Pano nya sasabihin sayo kung busy ka palagi sa girlfriend mo?? Di ba kasasagot nya lang sayo kahapon? Bakit hindi na lang sya ang asikasuhin mo??"
Tama sya. May sinabi sakin si Lenlen nung nasa bahay nya ko. Na nililigawan daw sya ng Kuya Jake na yun. Hindi ko naman alam na totoo pala yun. Hindi ako naniniwala. Kasi naman biro lang daw yun eh.
Hindi ko alam kung bakit pero, naiinis ako.

BINABASA MO ANG
BESTFRIEND lang ako
Teen FictionI love you. You love her. She loves him. He loves me. Magulo ba? Basahin mo para magets mo.