**From the highest of heights to the depths of the sea, creations revealing your majesty.. From the colorfs of fall to the fragrance of sp------*
"Releena ano ba yan! May tumatawag sayo!! Kanina pa yan nakakaistorbo ng tulog!!" Kinuha ko yung cellphone ko na nagvi-vibrate sa side table ng kama ko. Sino ba tong tumatawag eh ang aga aga pa istorbo sa pagtulog. Ang ganda na ng panaginip ko. Nasa South Korea na ko at kaharap ko na si Lee Donghae eh!
"Eto na nga eh sasagutin ko na." Sabi ko sa pinsan ko na bwisit na bwisit kaya nagtakip ng unan sa ulo.
Naniningkit ang mata ko na tiningnan kung sino yung tumatawag. Antok pa kasi ako.
Bro calling..
Gusto ko sanang i-reject ang call at wag sagutin. Pero hindi ko kaya. Tsk. Epal talaga tong lalaking to.
"Hello" Matamlay kong sagot. Para malaman nya na tulog pa ko at istorbo sya sa pagtulog ko.
[LENLEN!] Sigaw nya sa kabilang linya. Para yatang mabibingi ako sa ginawa nya. Arg. Tsaka ilang ulit ko na syang pinagsabihan na wag akong tawaging LenLen dahil nakakairitang pakinggan. Para aking 6 years old na bata.
"Bakit na naman ba Patrick? Istorbo ka sa pagtulog ng tao" Pagsusungit ko. Humiga ulit ako habang kausap ko sya sa phone.
[Alam kong tulog ka pa at inaantok ka pa. Pero 9:00 na! 10:30 ang pasok natin!!!!! Tinawagan kita para gisingin ka dahil alam kong malaking hamon sayo ang paggising ng maaga.] Napangiti ako ng hindi ko namamalayan. Tumawag pa talaga sya para paalalahanan ako.
"Eh 9:00 pa lang na----AHHH BADTRIP SIGE BYE MAMAYA NA LANG!!!" Di pa kasi ako naniniwala na 9 na baka kasi mamaya pinagtitripan nya ko. Minsan kasi kahit linggo tumatawag sya ng maaga para gisingin ako dahil may pasok daw. Nakabihis na ko ng uniform tsaka ko lang marerealize na linggo pala at walang pasok. Ngayon pagtingin ko sa oras magna-9:30 na. Sobra sobra na kong late. 8:30 kasi dapat umaalis na ko ng bahay dahil malayo ako sa school. Waaaah bakit ba kasi ang sarap matulog?
Nagmamadali akong naligo at nagbihis ng uniform. Hindi na din ako kakain. Sa school na lang.
Nag-aayos ako ng gamit sa bag ng bumangon na si Gabby sa kama. Pinsan ko sya na samin nakatira. Ang swerte nya, mamaya pang 12 ang first class nya. -___-
"Oh wag mo sabihing late ka na naman? Hahahaha" Tinawanan pa ko ng bruha. Haha. Bruha kasi gulo gulo pa yung buhok nya.
"Oo eh sige una na ko"
Nakalabas na ko ng kwarto namin ng narinig kong sumigaw si Gabby. "If I know excited ka na naman makasama bestfriend mo!!"
Lul! Parang tinga talaga yung pinsan ko na yun. -____-
Nagpaalam na ko kay Mommy at Kuya. Tsaka umalis. Mabuti naman at may nasakyan agad ako na jeep pa-LRT. Nakisama ang mga jeep ngayon ah. Minsan kasi pag gantong oras, mamumuti ang mata mo sa pagaabang ng jeep pa-Cubao o pa-Lrt man lang eh.
******
10:30 na nung makarating akong LRT at 11:00 na nung makarating akong school.
At sakto pang pang-sixth floor yung klase ko ngayon. -____- Nag-elevator na lang ako para mabilis at para hindi din nakakahingal.
Pagdating ko sa ED 619, dahan dahan akong pumasok dahil nakatalikod at nagsusulat si Sir. Di nya makikita na late ako. Yes lusot ako! Hihihihi. Pagsarado ko..
"Ms. Torribio, for the fifth time you're late again!! What's your excuse this time??" Pagharap ko, nakahalukipkip ang kamay na nakatingin sakin si Sir at buong klase sakin nakatingin. Parang first time lang nila makita na late ako eh halos bawat meeting dito late ako? Tsk.

BINABASA MO ANG
BESTFRIEND lang ako
Teen FictionI love you. You love her. She loves him. He loves me. Magulo ba? Basahin mo para magets mo.