BLA 5

1K 16 1
                                    

Patrick's POV

Toiinkkkk

Kukunin nya yung cellphone nya tapos magbibusy busyhan sa pagtetext.

Tatawa sa pinapanood namin. Tapos Toiiiinkkk na naman. Kukunin ulit nya yung cellphone nya, todo concentrate sa pagtetext. Tapos ibababa ulit at babalik sa pagtawa sa pinapanood namin.

Anla. Nababaliw na ata bestfriend ko. Sino ba ang katext nya at nababaliw sya? Nung tumunog na naman yung cellphone nya, kinuha ko na at pinakialaman.

"HOY ANO BA PAKIALAMERO KA AH! AKINA NGA YANG CELLPHONE KO EH!!" Binuksan ko yung message.

1 SMS from Kuya Jake

"Sinong Kuya Jake to?" Binasa ko yung message. "See you tomorrow at Library. Smiley face. Hoy Lenlen ah. Sino to?"

Ngumiti sya. "Manliligaw ko bakit?" Natigilan ako. At napatawa. Sumimangot naman sya.  "WEH??"

Lalo naman syang sumimangot. Sarap nya talagang asarin. "Oo na!! Di ko to manliligaw! Tinutulungan ko lang sya ligawan yung babaeng gusto nya! Ngayon akin na nga yan!!" Kinuha nya sakin yung cellphone nya at nagsimula nang magtype. "Oy Lenlen sabi mo tutulungan mo kong mapasagot si Mel tas ngayon inuuna mo pa yan!?"

"Tss! Bala ka! Mas kailangan nya ng tulong ko kasi yung babaeng hinihintay nya for 3 years hindi na sya maalala!!" Bumaling na sya sa panunuod ng TV at maya maya may tumawag sa kanya.

"Hello Kuya Jake?" Tsss. Tinalikuran pa ko. "Hehehe okay ulit. Hello Ja-jake? Hehe sensya na di kasi ako sanay na walang Kuya... Ahh" Tumingin sya sa sakin. "Wala naman akong ginagawa eh. Sige po hehehe teka lalabas lang ako.." Wala daw ginagawa eh nandito nga kami sa bahay nya para mag-movie marathon. -_- Tss tas kailangan pang lumabas? Bigla bigla na sya nawala sa harapan ko.

Takte. Kaya nga ko nandito para may makasama dahil wala akong kasama sa bahay tapos pati dito maiiwan akong mag-isa? Ibang klase. Tsk.

"Oh nasan si Releena?" Dumating si Tita Angelline na may dala dalang Pizza at chichirya. Yan ang gusto ko dito at home na at home ako. Bwahaha. "Ayun po may katelebabad sa phone sa labas."

"Ahahaha. Osige sya dyan na muna kayo at may kailangan pa kong tapusing trabaho." Inilapag nya yung mga pagkain at tsaka na umalis. Nasan na ba yung babaeng yun!? Ang tagal naman makipagdaldalan sa Jake na yun. Sino ba kasi yung lalaking yun!? -_-

Maya-maya bumalik na sya at umupo sa tabi ko na wagas kung makangiti. "Siyang siya tayo ah. Anong meron?" Usisa ko.

"HEH! Wala ka na dun." Tsss. "Kelan mo pa ko sinungitan? Nagbago ka na mula ng makilala mo yang Jake na yan ah."

Biglang nagbago yung expression nya at tumawa. Anong nakakatawa!? "Napakapikon mo! Hahaha!" *face palm* Baliw ata to. "Monggoloid ka ba?? -__-"

Sinamaan nya ko ng tingin at inirapan. "Baka ikaw. Tss!" Tingnan mo to pag sya nang-aasar okay lang tas pag ako naman, hindi okay. Magulo utak nito eh.

-

-

-

-

"X-men na lang susunod natin panoorin!!" Pinagduduldulan nya sa mukha ko yung cd nung Xmen. -_- "Eh! Utang na loob Lenlen hindi ka pa din ba nagsasawa dyan eh pang-sampung beses mo na ata napanood yan!?" Pano kasi kapag nagmumovie marathon kami, hindi talaga nawawala yan sa papanoorin namin. Kabisado ko na nga yung mga pagkakasunod sunod ng mga scenes eh -_-

BESTFRIEND lang akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon