"Nag-iinarti teh???? Aminin mo na kinikilig ka!!!!" Tanong sakin habang tinutusok tusok ako ni Gabby sa tagiliran.
"O-OO NA!!! Kinikilig ako!!" Pano ba naman kasi pagpasok ko kanina ng room nakaupo sa upuan ko yung life size na teddy bear na nakita ko one month ago sa MOA. Iiih kinikilig akooooo. :"""") Enebe kese!
Jake never fails to surprise after the revelation of me being RM. One month na ang lumipas, pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. I admit, I'm starting to like him. But still..
Si Patrick..
Six months din na wala kaming communication ni Patrick. Aaminin kong nalulungkot ako, at namimiss ko pa din, pero lahat nang yun pinupunan ni Jake.
Aisssh! Dapat di ko na yun iniisip!!
"Pero teh mahal mo pa din ba si Patrick?"
Natigilan ako sa sinabi ni Gabby. At napatulala. Ano nga ba?? Bakit hindi ako makasagot?? "Hay ewan ko sayong babae ka. Di mo na kailangang sabihin. Alam ko na ang sagot. Sana naman isang araw matauhan ka na ha??" Tumayo sya sa pagkakaupo at isinakbit yung bag nya sa likod. "Bye na. Baka maiwanan pa ko eh. Sana pagbalik ko natauhan ka na." Aalis kasi si Gabby may documentary sila sa Ilocos para sa mga architectural designs dun.
Lumabas sya at naiwan ako mag-isa sa kwarto. Hayy tatlong araw kong solo tong kwarto na to. Tatlong araw na wala akong sadista na makakasama. Pero mamimiss ko si Gabby. Para na kaming kambal eh. Kayo ba na sabay lumaki eh.
Bumalik ako sa table ko at tinuloy na sa paggawa ng requirements ko. Finals na namin eh at ang dami kong case study na gagawin. :/
Habang gumagawa ako ng case study ko, magkatext kami ni Jake. Oh di ba.
Me: Anong ginagawa mo?
Mga nakasampung words na ko sa case study na tinatype ko nung nagreply sya.
Jakey :) :
Nagsasagot ako ng take home exam ng international cuisines. How about you?
Nagreply naman ako kaagad.
Me:
Ah, Godbless. :) :* Eto, gumagawa ng case study sa theories of personality namin. Hirap nga eh, nakakagutom. TT^TT
Hahaha. May kiss smiley pa dun sa may Godbless. Ang landi ko!! Pero totoo, nagugutom na ko. Inabot na ko ng alas onse sa paggawa ng case study. Tapos na din naman kami magdinner kanina pang 6 o'clock. Bat ba kasi ang aga aga namin maghapunan eh TT____TT
Nasa 6 out of 10 questions na ko ng case study na ginagawa ko pero di pa nagrereply si Jake. Tinulugan na ba ko nun?? Grabe. -_- Baka pagod lang kasi siguro o kaya seryoso dun sa take home exam nya.
Kaya tinext ko na lang sya.
Me:
Di na nagreply. o.O Hahaha. Busy ka ata. Sige bukas na lang. Godbless. :)
Hit Send tapos okay balik na sa paggawa. Sayang gusto ko pa naman sya makatext magdamag. Ayttt landi Releena!!
5 minutes after ko sya itext biglang tumunog yung cellphone ko. May tumatawag....Si Jake?
"Uyy Jake bakit?"
[Food delivery for my one and only.] Hindi ko agad nagets yung sinabi nya. Napakaslow ko talaga. =___= [I'm here outside your house.]
WHAAAAAAAAAAAAAATTTTTTTTT!?!? Nasa labas sya!? "Weh?"
[Haha you unbelieving pretty girl, go and check it out.] Napakahilig nya kong iflatter. Baka maniwala na ko nyan :<
![](https://img.wattpad.com/cover/20266207-288-k260899.jpg)
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND lang ako
Подростковая литератураI love you. You love her. She loves him. He loves me. Magulo ba? Basahin mo para magets mo.