BLA 26

632 11 1
                                    

Patrick's POV

So ganito pala ang feeling ni Lenlen noon.

Ganito pala kasakit yung naramdaman nya noon.

Bakit ba hindi ko man lang naisip, bakit ba ang manhid ko nun at hindi ko kaagad naramdaman na may feelings na pala sakin si Lenlen noon.

Hindi na sana aabot sa ganitong sitwasyon ngayon na may mahal na syang iba.

Kung kelan mahal ko na sya.

Alam ko naman. Nung oras na hinabol nya ko after nung magbugbugan kami ni Jake, nung pinakiusapan nya kong halikan sya, dun pa lang naramdaman ko na, na hindi na kagaya dati. Na hindi na ko yung mahal nya.

Kaya sinimulan ko munang dumistansya. Naiinis kasi ako sa sarili ko. Naaasar ako na kailangan ko pang makitang may mahal nang iba si Lenlen tsaka ko lang marirealize na mahal na mahal ko pala talaga si Lenlen nang higit pa sa matalik na kaibigan.

Pero nagbulag-bulagan ako. Pinilit ko pa din ang sarili ko sa kanya. Naisip ko, baka magbago ng isip si Lenlen.

Pero hindi. Lalong gumuho ang pag-asa ko nang nalaman kong naaksidente siya sa pagtangkang habulin si Jake at pigilang umalis.

Ganun na talaga nya kamahal si Jake. Nakakainggit. Kundi lang ako naging t*nga at manhid noon eh de sana ako ang nasa sitwasyon ni Jake ngayon. Kami ni Lenlen ang masaya.

Pero tama nga sila, nasa huli ang pagsisisi.

Tatlong araw na, hindi pa din nagigising si Lenlen. Tinanong namin ang doctor kung bakit ganun. Wala naman silang nasabing comatose si Lenlen pero bakit tatlong araw na ang lumipas hindi pa din sya nagigising?

"Siguro po dahil sa head trauma nya kaya sya na-comatose but I assure you na okay ang vital signs nya." Sabi ng doctornkay Tita Angelline.

Kitang kita mo ang pag-aalala kay Tita. Syempre anak mo ba naman ang nasa kalagayan pano ka hindi mag-aalala.

Nandito kami lahat, si Tita, Kuya JM at ang girlfriend nya, si Gabby at si Jake. Nagkatinginan kami pero umiwas ako ng tingin.

Sa totoo lang, nakakaramdam ako nang takot sa magiging resulta ng kasunduan namin.

***flashback***

Naabutan kong si Jake ang nagbabantay kay Lenlen. Wala pa daw sina Tita dahil may kinuha lang sa bahay. Nadatnan kong hawak hawak ni Jake ang kamay ni Lenlen at hinahalik-halikan ito. Gusto kong manapak sa nakita ko pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayaw ko namang gumawa ng gulo dito.

"Ehem" Kunwaring ubo ko matapos kong ilapag yung basket ng prutas na dala dala ko. Tumingin lang sya sakin at bumalik kay Lenlen na hindi pa rin binibitawan ang kamay nya. "Pwede ka nang umalis. Ako nang magbabantay sa kanya." Tiningnan ko yung kamay nyang may hawak hawak sa kamay ni Lenlen. "Pwede mo na ding bitawan ang kamay nya."

"Hindi ako aalis dito hangga't di ako pinapaalis ni Releena." Aba niloloko ba ko nito?? Eh paano sya paaalisin ni Lenlen eh di pa nga gumigising yung tao!

"Ang kulit mo din eh no."

"Sino ka ba para paalisin ako dito? May karapatan akong magstay at bantayan si Releena."

"As far as I know, ako ang boyfriend nyang babaeng hawak hawak mo ang kamay." Nakakuyom na ang palad ko. Kailangan kong magpigil.

"You're funny. Pati ba naman kamay ni Releena pinagdadamot mo??"

"That's my girlfriend's hand and that's for mine to hold." Tumayo na sya. Mabuti naman at binitawan na nya si Lenlen.

"Wala kang karapatang sabihin yan. Boyfriend ka lang ni Releena." Nangpanting yung tenga ko sa narinig kong sinabi nya. Ano daw? Wala daw akong karapatan? Boyfriend LANG daw ako ni Lenlen??

"At sinong may karapatan ha?! Ikaw?!" Di na ko nakapagpigil at kinwelyuhan ko na sya.

Sinuntok nya ko at napahiga ako sa sahig. "That's for hurting Releena over and over again."

Natigilan ako at hindi ako makaganti dahil alam kong deserve ko yun.

"I want to punch you again for treating her just like a possession. And punch you again for punching me two days ago."

Tumayo ako. "Sa tingin mo ba may pag-asa ka sa kanya?? Wala! Ako ang mahal nya Jake. Ako!"

"Talaga ba?"

Kinwelyuhan ko sya ulit. "Wag kang makikigulo sa amin ni Lenlen binabalaan kita!" Sounds so desperate pero gusto ko talagang mawala sya sa landas namin.

"That's not for you to say. Sya lang ang makapagpapaalis sa akin sa buhay nyo at hindi ikaw."

"Ang tigas talaga ng ulo mo!!!" susuntukin ko sana sya kaso nasalag nya yung suntok ko at itinulak ako sa pader at sinakal ako gamit ang sarili kong braso.

"Dito ka talaga gagawa ng gulo huh Patrick? Sa mismong kwarto ni Releena?"

"Ikaw ang nagsimula hindi ako!!"

"Wala akong sinisimulan dito. Ikaw tong galit na galit." Ano bang kinakain nito at ang lakas nya? Pumipiglas na ko pero hindi ako makaalis.

"Lubayan mo na lang kasi kami ni Lenlen!!" Itinulak ko sya at nagawa ko syang suntukin. Pero hindi sya natumba, pumutok lang yung kaliwang dulo ng labi nya.

"Ganito na lang. Para fair and square. Kung ikaw ang hinanap nya pagkagising nya, ako na mismo ang lalayo. Pero kapag ako, hahayaan mo akong manatili sa tabi nya."

Sabay punas ng dugo na tumutulo sa labi nya.

"Osige!! Usapang lalaki yan ha!"

**end of flashback**

Napapayag ako nang araw na yun sa sinabi ni Jake dahil sa sobrang galit, inis at pagkadesperado kong mawala sya sa buhay ni Lenlen. Para bang nung oras na yun, siguradong sigurado ako na pangalan ko ang babanggitin ni Lenlen sa paggising nya.

Pero bakit ngayon kinakabahan ako????

Nagpaalam si Jake na may pupuntahan lang daw sya saglit sa labas.

Umupo naman ako sa sofa malapit sa kama at natulog. Wala pa kong matinong tulog sa loob ng tatlong araw dahil baka kasi habang tulog kami, magising sya. Kaya minabuti ko na lang na wag na lang matulog.

"RELEENA!!" Nagulat ako sa sigaw ni Gabby. Napatayo ako at natataranta. Baka mamaya nag-flat line na si Lenlen o di kaya humihina na yung heartbeat nya.

"Oy Diyos ko salamat po!!" Narinig ko na sigaw ni Tita. Kung nagpapasalamat si Tita eh de hindi nagflat line si Lenlen.

Nakita ko na gumagalaw na yung kamay ni Lenlen. Nagsilapitan si Kuya JM at Tita sa kanya. Hinayaan ko na lang muna na sila ang unang makita ni Lenlen dahil syempre sila ang immediate family.


"M-mommy.."

Niyakap ni Tita si Lenlen. "Salamat sa Diyos at nagising ka na.. Anong kailangan mo? May nasakit ba sayo? JM dali at tawagin mo ang nurse."


"Okay na po ako Ma.."


Bigla kong naaalala yung kasunduan namin ni Jake. Nung nakita kong gising na si Lenlen nawala yung kaba ko pero biglang bumalik. Inaabangan ko kung sinong pangalan ang sasambitin nya.


"Matulog ka muna anak, magpahinga ka."


"Nasaan po si...."


Ayan na. Paano kung si Jake ang hanapin nya? Kaya ko bang hayaan na manatili sa tabi nya si Jake gayong alam ko na talo na ko? Ayokong isuko si Lenlen. Ayoko ngayong mahal na mahal ko sya, ngayon ko pa ba sya isusuko?

Para kong nanonood ng laban ng Ginebra at San Mig. O di kaya Boston at Lakers sa sobrang intense ng pakiramdam ngayon. Para bang last ten seconds na at na-foul si Caguioa. At ang free throw nya ang magpapanalo sa dikit na laban.


"...si Patrick?"

BESTFRIEND lang akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon