Releena's POV
"Patrick wait lang." Tinalikuran ko sya at susundan ko dapat si Jake. Pero pinipigilan ako ni Patrick. "Lenlen pabayaan mo sya. Wag mo n sya sundan."
Hindi pwede. Nasaktan ko si Jake. "Hindi pwede Patrick. Kailangan ko syang sundan Patrick, please. Hindi ko pwedeng basta bastang iwanan si Jake..Ma-mahalaga din sya sakin.." Parang may nakadagan sa dibdib ko na mabigat. Naiiyak ako at hindi ko alam kung bakit.
Inalis ko yung kamay nya na nakahawak sa braso ko at tumakbo papalabas ng bar at doon nakita ko si Jake naglalakad papunta sa kotse nya.
Para naman akong napipi. Hindi ko alam. Parang umurong yung dila ko. "Ja-Jake!" Pumiyok pa ko nung sumigaw ako nun.
Tumigil sya sa paglalakad. Pero hindi sya lumilingon sakin. Ang shunga mo Releena. Ang shunga shunga mo Releena.
Lumapit ako sa kanya at niyakap sya patalikod. dubdubdubdub. Hindi nya ko niyakap pabalik, pero okay lang.
May naramdaman akong tumulo sa kamay ko. Pero hindi naman umuuluan...Umiiyak ba sya?
"I-I'm sorry Jake... *huk huk huk* I'm really sorry Jake..." Alam ko na madami akong dapat sabihin pero wala na kong ibang nasabi kundi sorry. Sorry dahil napakatanga ko na hindi ikaw ang pinili ko. "I'm sorry. I'm *huk huk huk* sorry." TT______TT
Napaluhod ako sa likod nya at nakatukod na ko sa lupa at umiiyak. Feeling ko ang hina hina ko ng mga panahon na yun. "Sorry Jake.*huk huk huk* Sorry...."
Naramdaman ko na lang na itinayo nya ko at pinunasan ang pisngi ko. Nagawa pa nyang punasan ang luha ko gayong ako ang dahilan kung bakit sya umiiyak at nasasaktan. "Can you please let me do this just this once?"
I nodded. Then he cupped my face with his two bare hands and he slowly put his lips onto mine. He gave me a kiss that made my heart skip a beat and I don't know why.
"I love you Releena. Mahal na mahal kita. At handa ak..ong.." Nagcrack ang boses nya. "bumitaw para lang sumaya ka. Do-don't worry about me. Follow your heart."
Binitawan na nya ko at naglakad na papunta sa kotse nya. Pumasok na sya at umalis na. Lalo na kong naiyak. Hindi na kong aasa na hihintayin pa ko ni Jake. Ilang beses ko na syang nasasaktan.
Hindi pa din ako tumitigil sa pag-iyak. "Sorry Jake. Sorry Jake. Sorry Jake.." Paulit ulit kong sinasabi kahit di na nya maririnig.
Naramdaman ko na lang na nakatayo na sa harapan ko si Patrick. Niyakap nya ko. Gusto kong mainis. Gusto kong magalit kay Patrick. Bakit ngayon nya lang narealize ang bagay na yun eh de sana hindi ko masasaktan ng ganito si Jake. Pero naisip ko, nasa akin naman ang desisyon nun eh.
Gusto ko si Jake. Pero mahal ko pa din si Patrick.
"Saan mo gusto pumunta?" Tanong ni Patrick nung kumalas na sya sa pagkakayakap sakin. "Uwi na lang ako."
Tumango sya. "Ihatid kita pauwi."
Hindi ako nagsalita the whole time nasa byahe kami. I don't want to talk. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko.
Pagdating namin sa bahay saktong nasa labas si Kuya JM kaya nagulat sya nang makitang si Patrick ang naghatid sa akin. "Bakit eto ang kasama mo ha Releena? Nasan si Jake? Hoy ikaw saan mo dinala ang kapatid ko??"
"Kuya JM, not now please. Bye Patrick. Ingat ka pag-uwi." Iniwan ko na sila dun at narinig ko pa si Kuya na may sinabi. "Pasalamat ka sa kapatid ko pero matagal na kong nagpipiit sayo sa ilang beses mong pagpapaiyak sa kanya."
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND lang ako
Fiksi RemajaI love you. You love her. She loves him. He loves me. Magulo ba? Basahin mo para magets mo.