Releena's POV
Bakit nangangagat ang langgam na color red? Bakit nagfifeeling butterfly ang mga ipis? Bakit nakakadiri ang mga palaka? Bakit kailangan pang icelebrate ang valentines day? Bakit kailangan pa ng date-date? Bakit ang sweet nila ngayon? Bakit ako hindi ako makahinga? Bakit ako nagtatago dito sa likuran nila? At bakit nandito pa ko?
Sinasaktan mo lang sarili mo. Alam ko. Alam ko. Kasi iniisip ko, baka mamaya hindi pala ang isasagot ni Carmela at hindi oo. Kung mangyari yun, kailangan ni Patrick ng makakasama. Pero sa hitsura nila ngayon, mukha bang babastedin ni Carmela si Patrick? Hi-hindi. Pero di ko alam. We'll never know. Aisssh minsan pa-epal talaga tong ego ko. Waaah nagtatalo na naman yung id ko at ego. Hahaha psych student to eh.
"Patrick, may tanong ako." Araaaay! Kinagat ng langgam yung paa ko. T^T Bakit ba kasi ako dito nagtatago. Syempre para marinig mo yung usapan nila. Heh! Manahimik ka nga dyan. Huhuhu para kong timang kinakausap ko ang sarili ko.
"Ano yun?" Rinig mo sa boses nya na sabik itong malaman kung ano yun. Ako din naman eh. Lumapit pa ko lalo. "Hindi ba magagalit si Releena kapag naging tayo na?"
Para akong nabuhusan ng semento. Di ako makagalaw dito sa pwesto ko. Nakakangalay ah. Baka magka-stiffed neck pa ko nito. -_-
"Si Lenlen? Hindi ah. Bakit naman magagalit yun??" Kasi mahal kita. Aisssh.
"Sobrang close nyo no? Kahit kailan ba wala kang naramdaman para sa kanya?" Bakit ba nya tinatanong ang mga yun? Alam nya kaya na nandito ako kaya gusto nya na masaktan ako sa mga maririnig ko??
"Psh. Wala akong naramdaman o mararamdamang kahit ano para sa kanya. Bestfriend ko lang sya Mel. Walang iba."
Bakit ganon? Kahit ilang beses ko na naririnig yan. Kahit ipagsaksakan ko sa kukote ko na hanggang dun lang talaga kami, nasasaktan pa din ako kapag naririnig ko yun. Mabe because, I see him more than the way I should see him. Mahal ko sya. I love him. Despite the fact that he loves somebody else not me.
"Okay. Gusto ko lang naman linawin ang lahat bago maging tayo."
Napatigil si Patrick sa paghiwa nung chicken na kinakain nya. Kanina pa sya naghihiwa dun ah. Sobrang tigas ba nung chicken? "Wh-what do you mean?"
Eto na ang pinaka ayaw ko na parte ng gabing to. Kung ayaw mo bakit hindi ka pa umaalis dyan? Ano pa ba ang nagtutulak sakin para makinig at manood?
"Patrick De Silva," Carl Patrick De Silva ang buong pangalan nya. Nakalimutan mo yung Carl, Carmela! "I'm now your girlfriend."
Sinagot nga nya. Oh ano ka ngayon Releena? Umalis ka na dyan. Hindi ka na kailangan dyan. Pero bakit ganun? Parang nakapako yung paa ko sa lupang kinatatayuan ko ngayon?
Natulala saglit si Patrick. Siguro nagbabuffer pa to. Shunga at napakaslow talaga ng ugok na to. -_- Pero mamaya, bigla syang tumayo at nagtatatalon.
"WOHOO! YESS!! GIRLFRIEND KO NA SI MEL!! WOOH THANK YOU LORD!!!" Sumusuntok pa sya sa hangin habang tumatalon. Masaya na sya. Yun naman ang gusto mong mangyari Releena di ba? Kahit nasasaktan ka. Oo. Kasi nga ganun magmahal di ba?
Niyakap nya si Carmela. Maya-maya, bumalik na sila sa pagkain. "Babe," Ugh. Eto ang pinaka-ayaw ko eh. Ang mga gantong endearments
Nakakasuka sa kakornihan. "Ang ganda naman ng set up dito. Ikaw ang nag-ayos?" Syempre maganda yan! Ako ang nag-ayos ng lahat ng yan! Sabihin mong hindi Patrick, ipapawax ko lahat ng buhok mo sa katawan!
"I'm glad you like it. Pero nope, hindi ako. Si Lenlen ang nag-ayos nito. Magaling talaga yun pagdating sa mga ganto. Maasahan talaga yun kaya nga bilib na bilib ako dun eh." Napangiti ako. Parang nagtatatalon yung puso ko sa dibdib. Ano ba Releena parang yun lang natutuwa ka na?!
Nawala yung ngiti ni Carmela. Bakit? May problema ba sya na ako ang nag-ayos nito?? Eh de sana sya na lang nag-set up. Sya magkandapagod sa pag-aayos. Sya magkandaubos ang hangin sa katawan sa pag-ihip sa mga lobo.
Pero hindi ko inaasahan ang susunod na mga maririnig ko. "Babe, do you love me?" Natigilan naman si Patrick. "Oo naman. Mahal kita Mel. Bakit mo pa ba tinatanong yan? Pinagdududahan mo na ba ko agad eh 10 minutes pa nga lang na tayo?"
"No. It's not that. But," Parang may nagsasabi sakin na umalis na ko. Pero gusto ko talagang marinig kung ano yung sasabihin ni Carmela. Pwede mo bang layuan na si Releena? I know she's your bestfriend. Pero ako na ang girlfriend mo. Everybody thinks she's your girlfriend dahil super close kayo."
Halong sakit, galit, inis at lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong sugurin si Carmela ngayon at sabihing bakit kailangan nya pang sabihin yun kay Patrick. Bakit gusto nyang lumayo sakin si Patrick? Dahil ba girlfriend sya at bestfriend lang ako? Hindi ko naman aagawin sa kanya si Patrick! Pero please naman. Wag naman nya ipagkait yung pagiging magbestfriend namin ni Patrick!
Tumingin ako kay Patrick. Hindi ko mabasa yung mukha nya. Alam ko kasi sa hitsura nya kung oo o hindi ba ang sagot nya sa isang tanong. Pero ngayon, hindi ko sya mabasa.
Tumalikod na ko at umiiyak na naglakad papalayo sa kanila. Ayaw ko na, hindi ko na hihintayin yung sagot ni Patrick. Kahit hindi ko naman mabasa yung mukha nya, alam ko naman na kung ano ang isasagot nya.
Syempre, papayag sya. Mahal na mahal nya si Carmela eh. Isusugal nya ba yun para lang sakin na bestfriend NGA LANG DAW nya? Nakakalimutan nya nga ko at iniiwanan para kay Carmela eh so hindi sya mahihirapan sa pinapagawa ni Carmela.
Ayoko pang umuwi. Ayaw kong makita nila kong ganto. Sesermunan na naman ako ni Gabby pag nalaman nya ang katangahang ginawa ko ngayon.
Umupo ako sa bench sa park na di kalayuan sa restaurant. Tumingin ako sa langit. Ang lawak ng langit. Ang onti ng stars ah. Siguro ganun din ako, ganun kadami ang dahilan para mahalin ako ni Patrick.
I can never make him smile the way she does. Sa mga ngiti nya sa tuwing kasama nya si Carmela, makikita mo at mararamdaman mo na masayang masaya talaga sya. I never saw him smile like that when we're together.
Kasi nga bestfriend ka lang. Girlfriend sya. Sya yung mahal nung tao. Hindi ikaw.
Pero bakit ganun? Kahit nasasaktan na ko, hindi pa din nawawala yung nararamdaman ko. Di ba dapat pag masakit na tumigil na? Pero bakit ngayon, ang sakit sakit na. Pero bakit mahal ko pa din sya? Hindi ba pwedeng pag nagmamahal ka tapos nasaktan ka, automatic na mawawala na yung nararamdaman mo?
Matagal mo na kong nakasama Patrick. High school pa lang ako na ang palaging nasa tabi mo. Nung pinaglinis ka ng gym dahil hindi ka naka-attend ng flag ceremony, kasama mo ko. Nung bastedin ka nung una mong niligawan, ako ang nasa tabi mo. Nung namatay ang Mama mo, ako din ang nasa tabi mo. Lahat sila iniwanan ka dahil sa ugali mong pilyo. Ako na lang ang natira sa tabi mo. Hindi naman sa panunumbat pero bakit hindi ako? Bakit sya pa na nakilala mo lang nung first year college tayo?
Ano yun? Lahat kaya mong mahalin pwera lang sakin ganun? Badtrip naman Patrick. Ako tong nasa tabi mo, pero iba ang nakita mo. Bakit parang ang dali lang sayo itapon lahat ng pinagsamahan natin para lang sa kanya? Wala lang ba talaga ko para sayo? Hindi man lang ba ako importante para sayo?
Sakto nga namang umulan ng malakas. Aisssh. Nabasa na ko might as well enjoyin na lang ang ulan. Nakikisama ang langit ah. Kaya pala ang onti ng stars.
Pumikit ako saglit at biglang tumila yung ulan. Ang galing naman. Pumikit lang ako tumila na. Pagdilat ko para tingnan yung langit...
"May dahilan kung bakit hindi ka mahal ng mahal mo. Baka kasi may ibang taong mas kaya kang mahalin ng sobra kesa sa kanya."

BINABASA MO ANG
BESTFRIEND lang ako
Roman pour AdolescentsI love you. You love her. She loves him. He loves me. Magulo ba? Basahin mo para magets mo.