Prologue ~ Ang Unang Pagkikita
Mia's POV:
Naku naman! Ang daming gagawin sa school. Magtatrabaho pa ako simula 6pm hanggang 12am ng madaling araw. Kay hirap talaga ng buhay ko!
Ulila na ako at walang may gustong kumupkop sa akin na mga tiya ko. Nasa College na ako kaya para sa kanila, marami silang magagastos sa akin. Oo nga naman! Magiging pabigat lang ako sa kanila.
Nandito ako ngayon sa bar at nagtatrabaho ako bilang waitress. Tapos nandito pa mga kaibigan ko. Niyayaya nga akong uminom 'e pero syempre tumanggi ako. Mas uunahin ko ang trabaho kaysa sa kanila. Mahirap na at baka masisante pa ako.
"Mia! Halika na dito. Uminom ka naman ng alak. Promise! Pampawala ito ng stress!" Sabi ni Sequira o mas kilala sa tawag na Quira.
Ano bang nangyayari sa kanila at adik na adik sila sa alak? Ang laswa nga ng lasa! Plus, magkakaroon ka pa ng hangover! Mas mai-stress pa ako kung nagkataon!
"Oo nga! Tignan mo 'o! Ikaw na lang ang mabait dito sa tropa." Segunda sa kaniya ni Hera. Mayayaman ang mga kabarkada ko at medyo spoiled sa mga magulang.
Alangan naman na maging bitch ako?
"Huwag niyo siyang pilitin guys! Oras ng trabaho niya ngayon. Huwag kayong bad influence sa kaniya."
Sabi naman ni Glen. Ang bakla sa grupo. Pero wag kayo!, kahit na bakla yan mukhang lalaki pa rin.
Gandang-lalake niyan mga 'tol! Irereto ko siya sa inyo gusto niyo? Pero sayang, hindi ako bugaw mga tarantado! Slight lang! Haha!
Hindi naman kami against sa LGBT Community kaya okay lang na magkaroon kami ng kaibigan na kagaya niya. Choosy pa ba kami? Hirap humanap ng mga totoong kaibigan ngayon 'no!
"Kung makapagsalita ka Glen!"
Sabi naman ni Quenos. Siya ang nag-iisang lalaki sa grupo pero magkasundo kami niyan. Hindi naman siya malakas mang-asar. Opps! Kay Glen nga lang!
"Sinabi ngang Len eh! Panira ka talaga ng moment ko Quenos!" Sigaw sa kaniya ni Glen. At nagsimula na silang magbangayan. Ganiyan palagi! Aso't pusa!
Kung hindi lang tunay na lalaki si Quenos mapagkakamalan ko silang mag-jowa. Haha! Maasar nga sila! Baka sakaling magkadevelop'an! Sa panahon pa naman ngayon, konting asaran lang, then BOOM! Sila na! Lalandi!
"Hoy iba na 'yan ha? Baka mamaya, magulat na lang kami, magshota na kayo!"
Natatawang singit ko sa bangayan nila. Tumingin sila ng masama sa pwesto ko kaya mas lalo akong natawa. Mga pikon!
Iniwan ko muna sila doon at magtatrabaho pa ako.
Ako nga pala si Mia Cassandra Quintos. Nasa First-Year College pa lang ako. Nagtatrabaho ako para lamang sa mga gastusin ko sa pag-aaral at para na rin may allowance minsan sa school.
Kasi naman, pangmayaman yung school ko 'e! Kakahiya na nga kung minsan dahil hanggang tingin lang ako sa cafeteria namin na mala-ginto ang presyo ng itinitinda nilang pagkain. Hindi afford ng allowance ko dahil 100 pesos lang ang baon ko!
Ang Lola ko ay nagpapadala sakin ng pera minsan. Pero 'di pa rin sapat. Todo budget na nga ako pero wala pa rin. Sa apartment ko pa lang, walang-wala na.
'Di ko naman ipinagyayabang pero may katalinuhan din naman ako kaya naging scholar ako sa school ko. Kaya pursigudo akong mag-aral dahil sa lola ko sa probinsya. Naiwan siya dun kasama ang Tita ko na matandang dalaga.
BINABASA MO ANG
I'm Pregnant (BOOK 1)
Romance"ARE YOU SURPRISE?" Sarkastikong tanong sa akin si Bryle. Hindi ako tumingin sa kaniya sa takot kong makita ang nagbabaga niyang mga tingin. "M-maniwala ka Bryle. H-hindi totoo ang mga ito." Nauutal kong paliwanag. Ngunit hindi niya ako pinakinggan...