Chapter 7

29.2K 576 35
                                    

Chapter 7 ~ Pag-amin

Mia's POV:

Pababa na ako ng hagdan. Inabot rin ako ng ilang minuto sa pagkausap kay Hera. Napag-usapan rin namin ang isang manliligaw niya na taga-ibang bansa pero nag-aaral pa lang.

Sa pagkakaalala ko, mas bata ito kaysa sa kaniya ng isang taon at balak daw nitong magbakasyon dito sa Pilipinas para mameet ng personal si Hera. Hindi ko lang alam kung kailan.

Nakakarinig ako ng tunog ng kutsara't plato habang papalapit ako sa kusina dito sa Mansyon. Napatigil ako sa paglalakad at tinignan ang screen ng hawak-hawak kong phone.

Nais ko lang makasigurado na tama ang daan na tinatahak ko. Ayaw ko namang mapahiya kung maaari.

Talagang itinake down sa phone ko ang mga daan para hindi ako maligaw kung sakaling walang gagabay sa akin at naging useful naman siya.

Palapit na ako sa kusina. Sa bukana pa lang, naaninag ko na ang demonyo. Tutok na tutok ito sa pagkain at eleganteng sumusubo ng karne sa bibig. Napatigil ako sa paglalakad at kinabahan.

Ang buong akala ko, hindi ko siya makakasabay sa pagkain dahil nagpahuli ako. Isa iyon ang rason kung bakit nagpahuli ako sa pagkain. Hindi ko siya gustong makasabay.

Nag-aalangan akong tumuloy. Papatalikod na sana ako ng tawagin ako ni Manang. Napapikit ako at napakamot sa leeg dahil sa inis. Dahan-dahan akong humarap ulit sa gawi nila at nakatingin na sa akin si Bryle.

Wala akong nagawa kundi ngumiti ng pilit at maglakad palapit sa kanila. Nadaanan ko pa si Brenda na may hawak-hawak na pitsel ng Juice at ngumiti sa akin na tinugunan ko.

Umupo ako malayo kay Bryle. Dahil doon, mahina siyang napaubo. Matapang na tinignan ko siya sa mata. Nagkatitigan kami pero ako rin ang unang umiwas ng tingin.

Hindi ko siya kayang matignan siya ng matagal. Nakakailang pa rin at sobrang akward ng atmosphere. Nabitawan niya ang kutsara't tinidor at pinunasan ang bibig gamit ang table tissue.

Tumayo siya ng hindi nakatingin sa akin. Nakalagpas na siya sa pwesto ko ng bigla siyang huminto. Hindi ko namalayan na hindi ko pa pala nagagalaw ang pagkain.

"Come to my office later after you eat."

Sa una, hindi ko naintindihan. Mabilis siyang lumakad paalis. Nang matauhan, dali-dali akong kumain para wala siyang masabi sa akin na ikasasakit na naman ng loob ko.

Tok... Tok... Tok...

Mahigpit niyang bilin sa akin ni Manang na bago pumasok sa kwarto dito, kailangan munang kumatok. Kinakabahan ako na natatae. Gustong magback-out na hindi.

Naguguluhan ako sa sarili ko.

"Come in." Sagot mula sa loob.

Napaisip ako. Bakit ako mahihiya sa kaniya 'e siya nga ang may kasalanan ng lahat ng ito. Minotivate ko ang aking sarili na wala dapat akong ikahiya. Taas noo akong pumasok na parang sasabat sa giyera.

"Anong gusto mo?"

Agad na tanong ko ngayong hindi pa nawawala ang pagtatapa-tapangan ko. Tumayo ako ng tuwid sa mismong harapan niya.

Tutok na tutok ang mga mata nito sa screen ng kaniyang laptop at hindi man lang nag-abalang tumingin sa akin.

Kalmado siyang nag-angat ng tingin sa akin na siyang ikinainis ko. Ngumisi siya at pinagsaklop ang dalawang palad.

"Ang tanong, kaya mo bang ibigay?"

Nakuha ko agad ang kaniyang sagot. Hindi ako nainformed na patalinuhan pala ng sagot 'to. Pero parang dehado ako, alam ko namang wala akong laban sa kaniya dahil kilala siyang prodigy sa buong mundo.

I'm Pregnant (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon