Chapter 38 ~ Doktor
Mia's POV:
Pagkagising ko sa umaga, wala na akong nadatnan na Bryle sa aking tabi. Wala na ring nakakalat na mga laruan sa paligid.
Walang bakas ng kalat ang makikita sa apat na sulok ng silid. Hindi mo mahahalata na may kalat kagabi sa sobrang linis. Hindi rin nagbago ang ayos ang mga gamit.
Magaling Bryle.
Sinubukan ko ulit matulog pero hindi iyon kagustuhan ng aking katawan. Napatingin ako sa bed side table at napakunot-noo.
May sticky note.
Dahan-dahan ko itong kinuha at binasa ng mabilisan. Medyo nahilo ako dahil nag-aadjust pa ang aking mga mata.
"As I've said last night, hindi tayo matutuloy. There's a possibility na mapapaaga tayo ng uwi sa Pilipinas dahil may kailangan akong tapusin na trabaho."
Napabuntong-hininga ako at kinuyom ang papel. Medyo nakakaramdam ako ng galit at tampo kay Bryle dahil sa ginagawa nito sa akin.
'E di sana pala, hindi na lang kami nagbakasyon dito kung puro trabaho lamang ang kaniyang aasikasuhin. Nauunawaan ko pa noong una pero ngayon, hindi na.
Masakit sa puso.
Imbes na magmukmok sa kwarto, naisipan kong maligo na at mag-ayos ng sarili. Nasasayangan ako sa mga oras dahil konting panahon na lamang at kami'y uuwi na ni Bryle.
Bukod doon, ang plano ko sanang makuhanan kami ng litrato habang magkasama ay hanggang plano na lamang. Nasayang ang effort kong mag-isip.
Walang kwenta rin naman.
Katatapos ko lamang maligo nang biglang may kumatok sa pinto. Nag-aalangan akong buksan ito dahil nakatapis lamang ako ng twalya.
Pinili kong 'wag itong pansinin at nagmamadaling magdamit. Walang sukla-sukla'y kong binuksan ang pinto at magulat sa nabungaran ko.
Nasa labas na ang mga bodyguards at matiyagang naghihintay sa akin. Nahiya ako sa aking sarili at pasimpleng inayos ang buhok na magulo.
"We should go." Saad ni Lucas habang nakatingin sa kaniyang mamahaling relo.
"15 minutes."
At walang anu-ano'y biglang isinara ang pinto. Nagmadali akong bumalik sa kwarto at inayos nang maigi ang sarili. Pero ang sinabi kong kinse minutos, napunta sa bente minutos.
Not bad.
Muli akong tumingin sa salamin at napahaplos sa aking tiyan. Napangiti ako sa sarili at pinilit na ngumiti ng malaki.
"Mamamasyal tayo baby ha?"
Nasa pinto na ako nang maalala kong hindi pa pala ako nakakapag-almusal. Napatingin ako sa bandang kusina at naiiyak na nagpaalam dito.
Sa labas na lang ako kakain.
"Let's go."
Saad ko nang mabungaran ko pa rin si Lucas na nasa kaniyang kinatatayuan pa rin kanina. Hindi man lang ito umalis sa pwesto hindi tulad nang iba.
Napatikhim ito at napatingin sa aking lirukan. Lumagpas sa akin ang kaniyang tingin kaya kumunot ang aking noo. Napatingin ako sa aking likuran at sinundan ang kaniyang tinitignan.
Napag-alaman kong nasa kusina ang kaniyang paningin. Mas lalong kumunot ang aking noo. Nagugutom kaya siya?
"Are you hungry?"
BINABASA MO ANG
I'm Pregnant (BOOK 1)
Romance"ARE YOU SURPRISE?" Sarkastikong tanong sa akin si Bryle. Hindi ako tumingin sa kaniya sa takot kong makita ang nagbabaga niyang mga tingin. "M-maniwala ka Bryle. H-hindi totoo ang mga ito." Nauutal kong paliwanag. Ngunit hindi niya ako pinakinggan...