Chapter 31 ~ Parehas
Mia's POV:"Naliligaw ka ba Iha?"
Tanong nang taong nasa likod ko. Pupunta sana ako sa banyo para umihi pero hindi ko alam kung nasaan. Iniwan ko muna sandali si Bryle doon at nagpaalam ako sa kaniya.
Kumunot ang aking noo nang pamilyar sa akin ang boses na narinig ko. Napalingon ako sa aking likod at nahiya nang makitang ang tatay pala ni Bryle.
Pasimple kong inayos ang sarili at ngumiti sa kaniya. Pero natawa siya sa aking tinuran. Napatulala ako sa paraan ng pagtawa niya. Pamilyar na pamilyar sa akin ang tawang iyon.
Bukod doon, may mga lahi talaga kung maituturing sina Bryle. Hindi na ako magtataka kung saan niya ito namana dahil kitang-kita naman ang ebidensya.
"What are you doing here anyway?" Tanong niya.
"Hinahanap ko po 'yung banyo dito."
"You're my son's wife right?"
Ngumiti ako ng hilaw. Napakaakward ng paligid. First time ko siyang maka-usap ng personal at makilala kaya hindi ko pa alam kung paano siya pakikitunguhan.
"Opo."
"Halika at sasamahan na kita iha."
Iginaya niya ang daan papunta sa banyo. Nakatingin ako sa kaniyang likuran at napansing tindig na tindig itong maglakad na namana ni Bryle.
Napatingin-tingin ako sa paligid at namamangha pa rin ako dito sa reception na napili ng nanay ni Bryle. May ganito pa lang klase ng reception?
Kala mo naman Presidente ang may handa nito.
"Diretsuhin mo lang iyan iha at makikita mo na ang banyo." Saad nito habang itinuturo ang daanan. Mula rito sa aking kinatatayuan, kitang-kita ko na ang sign na Female kaya nakahinga ako ng maluwag.
Ihing-ihi na talaga ako.
"Salamat po."
Tanging pagtango ang kaniyang isinagot. Lakad-takbo ang aking ginawa para makatungtong agad sa banyo. Hindi ko na talaga kayang pigilan pa ito.
At sa wakas, nakaihi rin ako.
Nagretouch muna ako saglit sa loob ng banyo. Papalabas pa lang ako ng pinto namh biglanv may marahas na kamay ang humawak sa aking braso.
Isinandal ako sa pader at napapikit ako sa pagtama ng aking likuran. Inis kong tinignan ang taong ito at si Ivan pala. Papikit-pikit ito na animo'y inaantok.
"Ivan?" Taka kong tanong. Pero nakayuko lamang ito at hindi nagawang makasagot. "Okay ka lang?" Nag-aalala kong tanong.
Tumingin siya sa akin ng diretso sa aking mga mata. Namumugto ang kaniyang mga mata na parang kagagaling lang sa pag-iyak. Mas lalong kumunot ang aking noo.
Sino ang nagpaiyak sa kaniya?
"Umiyak ka ba?" Tanong ko.
Pinunasan niya ang kaniyang mukha gamit ang palad at suminghot. Mukhang may tama na rin ito ng alak.
"Wag mo 'kong aalalahanin. Wala lang 'to." Umiwas siya ng tingin pero kalauna'y ibinalik ang tingin sa aking mga mata at napatulala.
"Ano bang nangyayari sayo?"
Bakit ba 'to napapatulala sa mukha ko?
Hindi kaya nagagandahan siya sa kulay ng mga mata ko? Mayroon kasi akong kulay brown na pares ng mata. Inosenteng-inosente daw ako tumingin sa iba na para bang bata na kakapanganak lang daw.
BINABASA MO ANG
I'm Pregnant (BOOK 1)
Romance"ARE YOU SURPRISE?" Sarkastikong tanong sa akin si Bryle. Hindi ako tumingin sa kaniya sa takot kong makita ang nagbabaga niyang mga tingin. "M-maniwala ka Bryle. H-hindi totoo ang mga ito." Nauutal kong paliwanag. Ngunit hindi niya ako pinakinggan...