Chapter 48 ~ Message
Bryle's POV:
Katatapos lamang ng meeting at nagpupuyos ako sa galit na lumabas ng silid na iyon. Bumalik sa aking alaala kung paano nagkamali sa kauna-unahang pagkakataon ang aking sekretarya.
What is she thinking?!
Awtomatikong sumunod naman ito sa akin habang nakayuko. Yakap-yakap nito sa kaniyang dibdib ang mga papel na dapat niyang isubmit sa akin.
Pero hindi na ako nakapaghintay pa. Sinigawan ko ito nang nasa corridor pa lamang kami at nagtinginan ang mga tao na kalalabas lamang ng silid na iyon.
Mas lalo itong napayuko.
"Ms. Garcia, hindi ko alam kung bakit ka pumalpak ngayon. Dati-rati naman ay nagagawa mo nang maayos ang trabaho mo!"
Napasapo ako sa aking noo at mahinang hinilot iyon. Sumasakit ang aking ulo at nag-iinit pa rin kanina pa. Napahiya ako sa harap ng mga investors ko nang dahil sa kaniya.
"Sorry po sir, nakalimutan ko lang po. Hindi ko po sinasadya at hindi na rin po mauulit."
Sagot nito habang nakayuko pa rin. Bahagya itong nanginginig na siyang nagpabuntong-hininga sa akin.
Siya ang pinakamatagal kong sekretarya dahil maayos siyang magtrabaho at talagang makapagkakatiwalaan. Pero ngayon lamang siya pumalya.
Palagi ko siyang sinisigawan kahit na konting kamalain lamang pero hindi ito naging dahilan sa kaniya kung bakit siya hindi nagreresign mula sa aking kompanya.
Mataas ang sahod nito dahil pati weekends at ilan sa mga hollidays ay nagtratrabaho siya. Kung day-off niya, ganun pa rin.
Hindi ito nagrereklamo.
"Talagang hindi na mauulit, understand?!" Tinalikuran ko ito pero agad ring napaharap nang maalala ko ang mga laruan na agad kong itinanong sa kaniya.
"Naayos mo na ba?"
"Nadeliver na po kanina sir. Pero wala pa daw po ang mga lipstick na inorder niyo." Seryoso na nitong sagot at wala nang bahid ng takot sa kaniyang mukha.
Napangisi ako.
Tinalikuran ko ito at nagsimula maglakad. Napaisip ako sa mga bagay-bagay tulad na lamang ng laruang ireregalo ko.
Imbes na maghire pa ako ng private investigator, ito na lamang ang aking gagamitin upang maisakatularan anf aking plano.
Hindi lingid sa akin ang ginagawang pagtraydor ng ilan sa aking mga tauhan sa kompanya. Alam ko ang pasimple nilang paghuthot ng pera.
Kailangan kong maging praktikal dahil hindi lahat ng oras ay nasa itaas ako. Kailangan nating mapagmatiyag sa ating paligid nang sa gayon ay alam mo ang bawat galaw nang nasa paligid mo.
Mas mabuti na ang sigurado. Kailangan kong isaalang-alang ang magiging kapakanan ng aking kompanya sa paglipas ng panahon.
Last week ko lamang inorder 'tong mga laruan pero wala namang problema kung kalidad ang pinag-uusapan. Mabilis itong naideliver kahit na marami-rami ang aking binili.
Makalat sa loob ng kwarto. Maraming mga boxes ang nabuksan pero hindi pa nailalabas ang karga nitong mga laruan.
Busy ako sa pag-iinstall ng microchip at ayaw nang tumayo mula sa kinauupuan sa sahig. Kailangang matapos ko ang gawain kong ito ngayon din.

BINABASA MO ANG
I'm Pregnant (BOOK 1)
Romance"ARE YOU SURPRISE?" Sarkastikong tanong sa akin si Bryle. Hindi ako tumingin sa kaniya sa takot kong makita ang nagbabaga niyang mga tingin. "M-maniwala ka Bryle. H-hindi totoo ang mga ito." Nauutal kong paliwanag. Ngunit hindi niya ako pinakinggan...