WARNING: UNEDITED!!!
Author's Note:
Second to the last chapter :((Mia's POV:
"ARE YOU SURPRISE?" Sarkastikong tanong sa akin si Bryle. Hindi ako tumingin sa kaniya sa takot kong makita ang nagbabaga niyang mga tingin.
"M-maniwala ka Bryle. H-hindi totoo ang mga ito." Nauutal kong paliwanag. Ngunit hindi niya ako pinakinggan at hinawakan muli ang buhok ko.
Napasigaw naman ako sa sobrang sakit. Narinig ko naman ang mga sigaw nila Manang sa labas ng pinto.
"HINDI TOTOO? TANGINA! KITANG-KITA KO NA SA LITRATO TAPOS IKAKAILA MO PA? TALAGA NGANG BAYARAN KANG BABAE!"
"SINABI NGANG HINDI YAN TOTOO! KAIBIGAN KO ANG ILAN SA KANILA AT EDITED NAMAN ANG IBA!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na sigawan niya.
Marahil siguro sa depress kaya nagawa ko ito.
"LUMALABAN KA? LAKAS NAMAN NG LOOB MONG MAGTAKSIL! PUTANGINA! GINIVE-UP KO SI LIAN AT PINILI KITA PERO GANITO LANG ANG GAGAWIN MO? ISA KA RIN PALANG WALANG KWENTANG BABAE!"
"EH DI SANA PINILI MO NA LANG SIYA! TUTAL SIYA NAMAN ANG MAHAL MO DIBA?!" Umiiyak na pala ako sa sobrang sakit na sinasabi at ginagawa ni Bryle.
Hindi naman niya inintindi ang sinabi ko at sinampal ulit ako. Hindi pa siya nakuntento at iniuntog ako sa lamesa niya. Buti na lang at hindi tumama ang tiyan ko sa lamesa.
Inilayo ko naman ng bahagya ang tiyan ko sa gilid ng lamesa kung sakaling i-untog niya ulit ang ulo ko. Tama naman ang hinala ko dahil inulit nga niya.
Talagang wala nang makakapigil pa sa kaniya.
Napahiga naman ako sa sahig sa sobrang hilo ko. Pumaibabaw naman siya sa akin at sinakal ako sa leeg. Ang higpit ng pagkakawak niya sa leeg ko at malapit na akong mawalan ng hininga!
"B-m-ry-a-le. W-wag." Pagmamakaawa ko sa kaniya. Malapit na talaga akong malagutan ng hininga ng tumilapon siya. Napapikit naman ako at hinabol ang hininga ko.
Nabuksan na pala ang pinto at nakapasok na sila Manang. Si Melon pala ang sumuntok kay Bryle habang sina Manang ay inalalayan ako.
Gumanti rin ng suntok si Bryle at natamaan si Melon. Sinikmuraan pa niya ito. Hindi naman sumuko si Melon at sinuntok si Bryle sa panga pero nakailag siya.
Kami naman nina Manang ay nakatingin sa kanila at nakikiusap na tigilan na nila ang pag-aaway. Pinaupo muna ako ni Manang sa sofa na nandito at lumapit sa dalawa.
"TIGILAN NIYO ANG PAG-AAWAY!" Sigaw ni Manang pero patuloy pa rin ang dalawa. Hindi nila alintana si Manang na ngayon ay mahihimatay na sa pag-awat.
Dahil sa malapit sa kanila si Manang,hindi sinasadyang matulak ni Bryle ito ng malakas na nakapagpabitiw sa kanila. Hindi naman nila ito pinansin at pinagpatuloy ang pag-aaway.
Hanggang sa nasuntok ni Bryle si Melon sa sikmura ng malakas. Siniko pa niya ito sa likod at tiyak kong malakas ang binitawang pwersa ni Bryle na nakapagpatumba kay Melon.
Gulat at takot naman akong napatingin sa kaniya. Lagot! Wala na talaga akong kawala kay Bryle. Sasaktan na niya talaga ako ng tuluyan kasama ang twins ko. Napatayo na rin ako.
Huminga muna ito ng malalim at napatingin sa akin. Nahugot ko naman ang hininga ko sa matinding takot na nararamdaman ko.
Naglakad naman ito papunta sa akin habang ako ay unti-unting lumalakad patalikod.
BINABASA MO ANG
I'm Pregnant (BOOK 1)
Roman d'amour"ARE YOU SURPRISE?" Sarkastikong tanong sa akin si Bryle. Hindi ako tumingin sa kaniya sa takot kong makita ang nagbabaga niyang mga tingin. "M-maniwala ka Bryle. H-hindi totoo ang mga ito." Nauutal kong paliwanag. Ngunit hindi niya ako pinakinggan...