Chapter 40 ~ Pangako
Mia's POV:
"It's your job to take care of her. But what happened now?!" Sigaw ng kung sino na syang dahilan kung bakit napabalikwas ako ng bangon.
Boses ni Bryle.
"Get out of my sight dumbass!"
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin si Bryle na mag-isang nakatayo at narinig ko ang pagsara ng pinto.
Napabuntong-hininga ako dahilan para mapatingin sa aking direksyon si Bryle. Naiiiyak ako nang bumalik sa aking mga alaala ang nangyari kanina sa akin.
"Mia, are you okay?"
Bakas sa kaniyang mukha ang matinding pag-aalala. Hinawakan ako nito sa kamay pero iwinaglit ko lamang iyon. Hindi mo na ako makukuha sa pagpapaawa mo Bryle.
"Kung nandoon ka sana, malalaman mo kung ano at gaano ito kasakit. Pero wala ka, 'kala ko ba bakasyon ang ipinunta natin rito?" Hindi ko maiwasang sumbatan siya sa sama ng loob na aking nararamdaman.
Nawala ang kaniyang pag-aalala at napalitan ng inis. Napalayo ito sa akin at walang emosyong tumingin sa akin. Tumayo ang mga balahibo ko.
"May pagbabakasyon ba tayo dito kung ayaw mong magtrabaho ako? Hindi ako katulad mo Mia na basta't may makain lang sa isang araw, ayos na."
Nagulat ako sa kaniyang isinagot at hindi nakapagsalita. Sinasabi ba nitong dukha ako at isang beses lamang kumain noon?
"Hindi porke't mayaman ka, sinasabihan mo na akong dukha. Kumakain pa naman ako ng tatlong beses sa isang araw." Sarkastikong sagot ko.
"Oh really?"
"Ikaw, ano pang ginagawa mo dito? Puntahan mo na lang 'yung tinatrabaho mo!" Sigaw ko sa sobrang inis sa kaniya. Tumalikod ako sa kaniyang pwesto at nagtalukbong ng kumot.
"Bitch."
Rinig kong huling saad niya na mas lalong nagpasama sa aking kalooban. Napahaplos ako sa aking tiyan at napangiti ng mapait.
Hanggang kailan Bryle?
~~~
Muli akong naalimpungatan nang makarinig ako ng mga bulong. Hindi ko namalayang naitulog pala dahil sa sama ng loob.
"She's asleep?"
"Yes for almost 3 hours."
"How's the baby then?"
"Fine."
Napatingin ako sa dalawang taong nag-uusap, sina Lucas at Tey. Napatingin rin sila pabalik at nanlaki ang mga mata ni Tey.
Hindi ko alam na OA na pala siya ngayon.
"Call her doctor." Saad niya at lumapit sa akin. Kinapa nito ang aking leeg at humawak sa aking mga kamay.
"Kamusta pakiramdam mo?"
"Ayos na." Namamaga ang aking mga labi kaya pasimple ko itong binasa sa pamamagitan ng dila ko. Nakakaramdam rin ako ng pagkauhaw.
"Gusto mo tubig?" Tanong nito. Tumango ako ng dahan-dahan at nag-iwas sa kaniya ng tingin. Iniabot nito sa akin pagkatapos.
"Musta? Ilang taon rin tayong hindi nagkita."
"Ayos lang." Sagot ko.
"Kamusta studies mo? Still the valedictorian?" Nag-iwas ako ng tingin sa kaniyang naging tanong. Paano ko ba sasabihin na tumigil na ako sa pag-aaral?
BINABASA MO ANG
I'm Pregnant (BOOK 1)
Romance"ARE YOU SURPRISE?" Sarkastikong tanong sa akin si Bryle. Hindi ako tumingin sa kaniya sa takot kong makita ang nagbabaga niyang mga tingin. "M-maniwala ka Bryle. H-hindi totoo ang mga ito." Nauutal kong paliwanag. Ngunit hindi niya ako pinakinggan...