Chapter 1

44.5K 791 33
                                    

Chapter 1 ~ Unang Halik

Mia's POV:

Bago pa siya magsalita ay inunahan ko na.

"Hindi ko po sinasadya, promise!"

Nauutal na saad ko. Itinaas ko pa ang isang palad ko para makita niyang nagsasabi ako ng totoo kahit hindi naman.

Mas lalo siyang nagalit dahil mas idiniin niya ang paghawak sa braso ko. Sa may bandang muscle ko pa naman siya nakahawak kaya talagang masakit!

"Masakit. Pwede bang bumitaw ka na?"

Ako na ang walang galang. Alam ko na mas matanda siya sa akin. Nakakawalang-ganang galangin ito dahil kita mo naman kung anong ginagawa niya ngayon sa akin.

Bwisit siya!

Nanatili siyang nakahawak sa akin at eye to eye contact pa kame! Parang ginagalugad niya 'yung pagkatao ko sa klase ng tingin niya. Kung hindi lang siya makapangyarihan, kanina pa siya nakatikim ng suntok sa akin.

"Where do you think you're going? We're not done talking yet." Malumanay na sagot nito at may nalalaman pa siyang ngisi.

Tinamaan na nga ito ng alak! Pagkamalan ba naman akong gf niyang bulok? Aba! Awatin niyo'ko! Papatulan ko na talaga ito 'e!

"Naliligaw ka na yata ng landas? Hoy hindi ako ang kasintahan mong bulok!"

Hala! Nasabi ko ba sa kaniyang bulok 'yung gf niya? Sabihin niyo sakin na hinde! Baka suntukin ako neto! Napapikit na lang ako at inihanda ang sarili sa suntok niya.

"Haha! You called yourself bulok? Bigword!" Isang malutong na tawa ang pinakawalan nito na nagpagulat sa akin. Nangunot ang noo ko sa inasta niya. Nasan na ang magaspang niyang ugali? Haysss.

"I am not your girlfriend idiot!"

Oppss! Mukhang nagalit ko ang dragon. Ang kaninang tawa niya ay unti-unting nawala at tumingin sa akin ng masama. Hayan na naman ang mga tingin niyang nakakatakot!

"You are my girlfriend! Hindi tayo maghihiwalay! You regret if nakipaghiwalay ka sakin! Pagbabayarin ko kayo ng lalake mo!"

Malakas na bulyaw niya. Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang sinabi niya. Para sa gf niya 'yun!

"Nababaliw ka na!"

Sigaw ko pabalik dahil naiirita na ako sa kaniya. Isa sa napansin ko tuwing lasing siya ay ang pagiging clingy niya.

Nakayakap ito sa akin at hindi matanggal-tanggal ang mga braso niyang mabibigat na nakapalibot sa bewang ko. Nasa leeg ko rin ang mukha niya.

Sobra na akong naiilang at alam kong namumula na ako ngayon dahil sa hiya at inis.

"And you are my rehab."

Sagot nito. Hindi ko alam na magaling din siyang bumanat 'ha! Pero hindi ako nakilig. Mas tinayuan lang ako ng balahibo lalo nang halikan niya ako sa leeg.

Mahabaging Diyos!

"Hindi ka ba makaintindi?! Hindi nga ako ang kasintahan mo! Hirap mo namang kausap!"

Tuluyan nang napigtas ang pasensya ko. Inilayo niya ako sa sarili niya at ipinaharap sa akin. Mas lalong sumama ang tingin niya.

Wala siyang sinabi basta't kinaladkad niya ako at tinulak papasok sa kotse niya. Sapilitan niya akong pinayuko para makapasok sa loob. 

"T-teka! San mo'ko dadalhin?"

Umikot siya sa kabilang banda pinto at sumakay. Binalingan niya ako ng tingin at kay lamig ng mga mata niya. Nanuyo ang lalamunan ko sa nerbyos.

I'm Pregnant (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon